Chapter 6

617 12 0
                                    

Grabe October pa lang dito sa Canada, pero sobrang lamig na. Sa totoo lang this is my favorite time of the year. Kasi para sa akin, October means FALL. I dont know why, pero I really like fall. Kasi its the perfect weather, tapos yung mga puno kulay orange and yellow sobrang gandang tignan, and finally halloween. Sa pilipinas kasi wala kaming pake sa halloween, pero nung dumating kami dito sa Canada, duon ko na realize na ang saya pala mag celebrate ng Halloween. 

Lahat ng tao,  matanda man o bata, nag cocostume. Iba iba yung costume nila, yung iba, pa sweet, yung iba naman pang comedy and pang horror talaga. Pero kung ako tatanungin mo, siyempre most of my costume pang sweet. Nung first halloween ko nga yung costume ko, angel eh. Hahaha. Mahilig din pala kasi ako mag decorate, kaya pag halloween talagang todo halloween decorations yung bahay namin. 

And finally, sobrang gusto ko yung halloween dahil sa trick or treat. Grabe kasi dito sa Canada yung pina-mimigay nila talagang chocolate bars. Yung isang malaking kitkat and snickers kaya pak na pak talaga! For me, Halloween means free candies. 

**********

"For your homework, please answer numbers 12 to 36" sabi ni teacher. Yung mga kaklase kong mga puti nag reklamo agad. Ewan ko ba, yung mga canadians kasi na mga toh lagi na lang ang tatamad. Eh sa totoo lang isa pa tong titser ko, napaka tamad niya mag turo. Gusto niyo ba malaman kung gaano siya katamad? Aba sige! Siya si Ms. Peterson. As usual, canadian siya, mahaba ang buhok abot bewang, naka-salamin at medyo mataba. 

Ganito mag turo si Ms. Peterson, papasok siya ng klase 10 minutes late tapos sasabihin niya sa amin basahin namin yung libro on our own. After naming basahin yung libro mag aassign na siya ng homework. Tapos jusko lord, yung mga test niya!? May Gawd. Sobrang hirap pa.

12:00 p.m na, at sa wakas lunch time na. "Beshie ano ulam mo?" tanong ni Emy. "Wala kong dalang baon ngayon. Nakalimutan ko" sagot ko. "Ay ganon ba. Sayang hindi kita mahahatian ng baon ko ngayon. Fried chicken kasi ito eh, favorite ko toh." Muntik ko nang masapak si Emy nung sinabi niya yun. Hay nako. Napaka damot talaga nitong babaitang ito. 

"Okay lang. Yung kanin mo na lang kakainin ko" sabi ko kay Emy. 

"Eh besh......" sagot niya

"Sige na! Wag na nga! Iinom na lang ako ng tubig!"

Bumaba na kami ni Emy sa cafeteria, at may napansin akong lalaki. Hindi ko siya nakita nung first week of school, and ang malupit hindi siya Canadian. Filipino siya. Pinanuod ko siyang nag aayos ng locker. Napansin kong maganda yung katawan niya. Yung shoulders niya napaka broad, yung buhok niya so perfect! ang flowly tapos matangkad din siya.

Nag lalakad kami ni Emy sa cafeteria, nag hahanap ng table at sa aming paglalakad, nandaanan namin siya. Sumulyap ako sakanya, at napansin kong tapos na siya mag ayos ng locker. Hindi ko masyado nakita yung mukha niya, kaya patago akong tumingin sa likod para tignan ulit siya. 

AND BOOM!!! 

Crush ko na siya. Bigla akong nailove. Ito ba yung sinasabi nilang love at first sight!?! Grabe! Ngayon ko lang ito naramdaman. Sabi nga sa kanta ni Toni Gonzaga, "What is this feeling, I just cant explain?" Yung likod niya pa lang napapa- wowowee ka na pero mga beshie! pag humarap na siya at nakita niyo yung mukha niya. Wow. Ang gwapo niya. Super. Mas gwapo pa siya kay Coco Martin! Yung buhok niya medyo hawig nung buhok ni Enrique Gil. Tapos maputi siya, ang amo ng mukha niya. Hindi gaano matangos yung ilong niya pero sakto lang. Napansin ko din na may pag ka chinito siya, yung mata niya parang Enchong Dee. Basta siya yung taong simple lang, pero for some reason, ang gwapo gwapo.

"Besh dito na lang tayo umupo" sabi ni Emy. 

"Ahh sige" sagot ko, habang patago pa ring nakatingin kay crush. Napansin ko na mukhang nag hahanap din siya ng mauupuan. Si Emy umalis pinainit niya yung manok niya sa microwave kaya naiwan akong mag-isa sa table. 

Sana Crush Ako ni Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon