*Authors Note*
Hello mga lovely readers ko! Nagbabalik po ang inyong paboritong author, hahaha joke lang! At ayun na nga, YEHEEEY! Naka 30 reads ang Chapter 8 kaya ito na ang Chapter 9.
For this chapter, balik tayo sa point of view ni Katie. And here you go... Enjoy reading!
***************
"Sasabay na lang ako kay Richmond"
Tumingin ako kay Richmond at ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang siya pero ramdam ko agad yung pagkasabog ng puso ko sa kilig. Alam mo yung feeling na yun!? Ningitian ka ni crush! Kilig to the bones talaga. Hayyy sobrang gwapo niya talaga.
"Iistorbohin mo pa si Rich" sabi ng epal na Dino
"Ha?"
"Bakit sasabay ka pa kay Richmond, eh magkapitbahay naman tayo. Duon din naman ang daan ko. Si Richmond sa South pa nakatira yan. Ilalayo mo pa siya. Sayang pa gas."
Napaisip ako bigla. May point din naman si Dino. Tama naman siya. Magkapitbahay nga naman talaga kami at duon din ang daan niya kaso gusto ko sumabay kay Richmond eh. Para may moment uli kaming dalawa.
"Sumabay ka na nga lang kasi sa akin" sabi ni Dino.
"Sige na nga"
Naramdaman ko yung puso kong parang natunaw. Ang lungkot naman kasi eh. Ang bilis lang ng moment namin ni crush, gusto ko matagal yung moment namin. Pero wala eh. Hay nako. Next time na lang. Umalis na si Richmond, at nag-paalam kaming dalawa. After nun, sumakay na ako sa kotse ni Dino. Nag-simula na siyang mag-drive habang ako, nakatulala sa bintana. Nag-eemote na parang gago.
"Mag patugtog ka nga"
Agad namang binuksan ni Dino yung radyo. *music plays* The song was Migraine by Moonstar88.
*Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito na lang ako ~
"Nangagarap na mapasayo!!" malakas kung kinanta habang nag-eemote na nakatingin sa bintana "Hindi sinasadyaaaaaaaaaa! Na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako!!! Anjan pa ba sa---"
At ayun na nga biglang pinatay ni Dino yung radyo. Agad akong tumingin sakanya ng masama. Putek naman eh, kung kelan chorus na tsaka papatayin. Badtrip.
"Para kang tanga" sabi ni Dino. Hindi ko siya pinansin, tumingin na lang ako uli sa bintana. "Anong problema mo?" patawang tanong ni Dino
"Tumahimik ka. Nag-eemote ako"
"Nag-eemote ka dahil kay Richmond? Kasi hindi ka nakasabay sakanya?"
"Oo"
"Mungago"
Hindi na ako sumagot, kasi wala ako sa mood makipag asaran kay Dino. Tahimik sa loob ng kotse lalo na at pinatay pa ni Dino yung music. Umobo si Dino at halatang papansin yung ubo niya. Halatang pekeng ubo.
"Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba kay Richmond?"
"Ay hindi ba obvious!? Kita na ngang nag-eemote ako dahil lang sakanya, tapos yan tatanungin mo!?" sinagot ko. Natahimik lang si Dino at walang siyang sinabi. "Oo! Crush ko si Richmond" sinigaw ko.
"Sana nga ehh ligawan niya ako"
"Ako din ba, pwedeng manligaw?" tinanong ni Dino
Tinawanan ko siya, pero kahit isang maliit lang na ngite hindi lumabas sa mukha niya. Inapakan ni Dino yung brake nung nag red na yung traffic light, tapos tumigin siya sa akin ng seryoso. Napahinto ako ng tawa.
"Seryoso" mahinahon na sinabi ni Dino. Agad akong napalunok. "Ako din ba, pwede ding manligaw?" inulit niyang tinanong.
**************
November 1 at 2:13 am sa kwarto ni Katie*
First time ko ito maramdaman. First time lang kasi ito nangyari sa akin. Eto pala yung feeling pag may nagkaka-crush sayo. 18 years of living. Lagi akong may crush pero never silang nag kagusto sa akin. Its always a one sided love. 18 years of living, lagi ako yung umaamin sa mga crush ko and lagi din akong dedma. 18 years of living and finally, may nagkagusto na din sa akin.
I don't know what to do, I don't know how to react. Ngayon lang kasi talaga nangyari sa akin ito. Na may nagkakagusto sa akin. Grabe. Nung seryoso niya akong tinanong kung pwede ba siyang manligaw sa akin for some reason, bigla akong kinilig. Alam mo yung feeling na hindi mo naman siya gusto pero kinilig ka ng wala sa oras.
Aabutin na ata ako ng umaga kakaisip. Tsk. Hindi kasi ako makatulog. Sobrang shookt ang ate niyo. It was so unexpected.
Sa kakaisip sa sinabi ni Dino kanina, nawala na talaga yung antok ko. So, kinuha ko na lang yung cellphone ko at nag-facebook. Scroll up. Scroll down. Wow. Ang ganda talaga ng buhok ni Ariana Grande. Ano kayang shampoo niya? Fake naman ata yung buhok. Ayy wig siguro yan.
**Ding!!** Dino sent you a facebook chat**
Dino: Oh mag 3 am na ah
Me: Seen
Dino: Bakit gising ka pa?
Me: Seen
Dino: Di ka siguro makatulog dahil sa sinabi ko kanina ah
Me: Hoy! Ang kapal mo
Dino: Oh eh bakit nga gising ka pa!?
Me: Eh hindi ako makatulog eh! Bakit ba!
Dino: Sus. Hindi ka lang makatulog kasi malalim yang iniisip mo
Me: Ulol. Isa ka din eh. Bat ikaw gising ka pa?
Dino: Kakatapos ko lang mag laro ng DOTA
Me: Seen
Dino: So, ano nga pala yung sagot mo sa tanong ko?
Me: Seen
Dino: Pwede ba kitang ligawan?
Me: Seen
Dino: Ano ba yan!!! Puro seen!!
Me: Seen
Dino: Bahala ka nga! Basta bukas pupunta ako sainyo ng maaga ah. Sabay tayo punta sa school.
Me: Ano!? Teka lang!
Dino: Matulog ka na. Good night.**Dino is now offline**
BINABASA MO ANG
Sana Crush Ako ni Crush ♥
Teen FictionPag may crush ka sa isang tao, para kang tanga. Everyday sa school, ginagawa mo ang lahat para lang maka-silay kay crush. Stalker. Ikaw yun eh. Isang magaling na stalker. Inii-stalk mo lang si crush palagi at nagpapatansya na magiging kayong dalawa...