Chapter 3

880 15 0
                                    

Sabay kaming bumaba ng bus ni Dino. Grabe. Ang tangkad niya talaga, siguro 6 feet tall siya. I watched him as he rub his hands together tapos nilagay niya yung mga kamay niya inside sa pockets ng hoddie niya.

"Ang lamig na noh" sabi ni Dino. I nodded tapos, tumingin ako sa kaliwa at kanan ko to see kung safe na tumawid ng kalsada. Nung tumawid kami ni Dino ng kalsada, nag fast walk kami kasi, yung isang sasakyan malapit na. Tapos nung nakatawid na kami, napa tingin ako kay Dino, kasi he let out a small laugh.

"Grabe." sabi ni Dino

"Bakit?" tanong ko

"Biruin mo yun, Mag-kapit bahay tayo" sagot niya, and then he laughed. Ngumiti lang ako. 

"Katulad ng sinabi mo kanina, parang Destiny nga" sabi ni Dino.

 Napatingin agad ako sakanya, pero hindi niya napansin na tumingin ako sakanya kasi he was so focused looking at the skies. Nagulat talaga ako sa sinabi ni Dino, and at the same time, medyo natawa din ako. I didn't know how to respond, so nag-kunwari na lang ako na, hindi ko narinig yung sinabi niya.

"Ha?" sagot ko. Tapos sa gilid ng mata ko, nakita kong tumingin sa akin si Dino. "Wala" sagot niya. I just nodded, and we continued to walk papunta sa bahay namin.

"Ilang years na kayo dito sa Canada?" tanong ni Dino

"Six years na, ikaw?"

"Bago pa lang. One year pa lang kami dito sa Canada" sagot niya. I nodded again. Tumingin ako sa nilalakaran namin. Ayos. Isang kanto na lang malapit na ako maka-uwi sa bahay.

"Nag-hahanap nga ako ng trabaho eh" sabi ni Dino

"Talaga!? Ako din eh!" pasigaw kong sinabi. 

Medyo na-excite ako, kasi totoo naman na these couple of days, months rather, nag-hahanap talaga ako ng part time job. Hindi agad sumagot si Dino. Tumawa lang siya.

 "Sus. Niloloko mo lang ata ako. Para masabi mo na destiny talaga tayo" sagot ni Dino.

 I can feel the blush creep into my cheeks. Tapos bigla akong natauhan. Aba. Ang kapal din ng mukha nitong unggoy na ito ah. Hindi niya ba alam na kamukha niya lang yung driver ni Coco Martin!?! Destiny? Destiny!!?! Utot niya destiny!! Sadyang nag-hahanap lang din talaga ako ng partime job, kung maka-ano naman siya. Hay nako. Masyadong feelingero. 

Finally, after minutes of walking nasa harap ko na yung bahay namin. "Kita kits na lang" sabi ko kay Dino, and he waved me goodbye. Tss. Akala mo ko sinong gwapo. Kamukha niya lang naman yung pwet ni Coco Martin. Kinuha ko yung susi ko sa loob ng bag ko, then I started to unlock the house. Papasok na sana ako nang bahay ng biglang,

"Katie"

Lumingon ako and as usual, It was Dino. Again.

"Oh?"

"Ano ulam niyo?" tanong ni Dino

"Ewan ko. Caldereta ata"

"Uyy. Sarap. Pwede mangi-ngain mamaya?" 

"Utut mu" sagot ko. 


************

Nung gabing yun, in-add ko si Emy sa Facebook. Yung profile picture niya, silang dalawa ng boyfriend niya. Ayy, ang sweet nila ♥. Nakaka-ingit. Sana mag ka-boyfriend na din ako. Napa-hinga ako ng malalim tapos humiga ako sa kama ko. Tulala. Kelan ko kaya makikita si Mr. Right? Sino kaya yung icing sa ibabaw ng cupcake ko? *Ding!* Nagising ako sa pag muni-muni ko nung biglang tumunog yung laptop ko. One notification. Binuksan ko ito at ang sabi: Emy Cruz accepted your friend request. Natuwa ako, and agad kong chinat si Besh.

Sana Crush Ako ni Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon