*Dino's point of view*
Nandito ako sa sarili kong kwarto ngayon. Nag-lalaro ako ng DOTA kasama yung kuya ni Katie, pero pucha natalo kami. "Ang bobo mo kasi eh!" asar ni Kaden. Kung hindi niyo alam, Kaden nga pala yung pangalan ng kuya ni Katie. Hindi ko siya pinansin. Iniisip ko kasi kung ano susuotin ko sa Halloween party ni Emy. Humiga ako sa kama ko, tapos si Kaden nililigpit niya na yung laptop, mouse tsaka keyboard niya.
"Uwi na nga ako. Ang bano mo kasi eh!" sabi ni Kaden
Mag-superhero costume na lang kaya ako? Ano kayang maganda. Batman? Superman? Spiderman kaya? Tsk. Yoko na lang pala. Panigurado madami akong makakaparehas. Napatulala ako sa dingding ng kwarto ko. Ano kaya susuotin ni Katie? Ternuhan ko na lang kaya siya para cute. Pa-alis na sana yung kuya ni Katie pero tinawag ko uli siya.
"Kaden ano halloween costume ng kapatid mo?" tanong ko
"Chewbacca" sagot niya, tapos umalis na siya. Nag-isip ako. Ano kaya magandang partner kay chewbacca? Yoda kaya? Tama. Yoda na lang! Agad akong bumalik sa computer ko. Nag-hanap ako ng yoda costume. Tignan ko sa kijiji, sa garage sale, lahat pero tangina ang mahal. Nung pumunta ako sa amazon, may nakita akong mas mura ten dollars lang yung costume, medium pa, kaya okay na okay.
Chineck-out ko na yung binili ko online, mura nga yung costume pero ang mahal ng handling fee fifteen dollars. Yung shipment naman ten dollars agad, pero pabayaan mo na. Cute naman ito pag suot ko na kasama si Katie.
Tinignan ko yung receiving date, November 14 pa makakarating, kaya no choice ako. Kailangan ko na tong costume bukas kaya nag-bayad ako ng extra para fast shipping. Ang mahal grabe. 20 dollars para sa fast shipping. Tangina. Tuwang tuwa nga ako kasi ten dollars lang tong yoda costume eh pucha naman, in total nagastos ko - 55 dollars. Pero wala eh, binili ko na.
Bakit kaya naisipan ni Katie mag chewbacca costume? Star wars fan kaya siya? Kung ganon kailangan ko na pala manuod ng star wars. Ano kayang reaction niya pag nakita niya akong naka yoda costume. Magagalit kaya siya? Matutuwa kaya siya?
***************
Halloween Day. October 31
Buti na lang dumating talaga agad yung inorder kong costume ngayon. Dinala ko agad yung package sa kwarto ko, tapos binuksan ko yung kahon. Tangina, bat ang pangit. Sinuot ko yung yoda costume, okay naman siya saktong sakto lang. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Wow. Mukha akong tanga.
6:30 na, at balak kong umalis ng 6:45 since seven yung start ng party ni Emy. Kinausap ako ni Katie kanina na sasabay siya sa akin papunta sa party. Excited na akong makita ni Katie yung costume ko. Hahaha panigurado matutuwa yun. Ano kayang itsura niya na naka-chewbacca costume? haha ang cute siguro.
Tinextsan ko si Katie.
Me: Punta ka na dito.
Katie: Aalis ka na?
Me: Oo. Mag seseven na diba
Katie: Papahatid na lang pala ako kay kuya
Me: Bakit naman? Sumabay ka na sakin.At yun. Hindi na siya nag-reply. Bahala siya sa sarili niya, pabebe siya. Sumakay na ako sa kotse at nag drive na papunta sa bahay ni Emy. Hindi naman gaano kalayo yung bahay nila mga 20 minutes drive lang kasama na traffic dun. Wala pa ako sa loob ng bahay ni Emy pero rinig na agad yung malakas na music. Nung pumasok na ako, ang dami nang bisita. Yung mga babae mga naka sexy costume.
"Oh Dino! Nandito ko na pala"
Lumapit ako kay Emy, tapos binigyan niya ako ng isang latang beer. "Asan si Katie?" tanong ni Emy. Sinabi ko sakanya na hindi siya sumabay sa akin at magpapahatid na lang daw siya kay Kaden. Umakyat si Emy kasama yung dalawa pa niyang kaibigan. Lumabas muna ako ng bahay ni Emy. Maya maya nag ring na yung telepono ko at sinagot ko ito.
BINABASA MO ANG
Sana Crush Ako ni Crush ♥
Fiksi RemajaPag may crush ka sa isang tao, para kang tanga. Everyday sa school, ginagawa mo ang lahat para lang maka-silay kay crush. Stalker. Ikaw yun eh. Isang magaling na stalker. Inii-stalk mo lang si crush palagi at nagpapatansya na magiging kayong dalawa...