Chapter 5

583 12 0
                                    

"Wag mo akong kausapin" pataray kong sinabi kay Emy

"Beshie naman eh, Sorry na"

"Bakit hindi  mo sinabi sa akin agad na hindi ka makakapunta! Bakit hindi mo alam na monthsary niyo pala ng boypren mo! at na, hindi ka makakasama sa group study natin!"

"Ehh kasi......" sabi ni Emy. Tinignan ko si Emy, basang basa sa mukha niya na disappointed din siya sa sarili niya. "O sha sha. Tapos na yun. Basta next time wag mo na uli gagawin yun ah" sabi ko, tapos tumingin siya sakin. For a few minutes, nag katitigan lang kami, then maya maya ngumiti na siya at ningitian ko na din siya. Tapos niyakap ako ni Emy. "Sorry talaga besh ah." sabi ni Emy

"Oo na nga. Tapos na yun" sagot ko

"Anyway, so ano ginawa niyo ni Dino kahapon?" tanong ni Emy

"Besh. You dont wanna know"

"Sige na. Ang arte naman nito oh" sabi ni Emy sabay batok sa ulo ko. Grabe din tong bestpren ko makabatok eh noh. "Close na sila ng tatay ko." sagot ko. Halata sa mukha ni Emy na medyo hindi niya naintindihan. So, mas lalo kong inexplain sakanya. "Diba nga kasi, hindi ka sumipot. So sinabi ko kay Dino wag na lang kami mag aral. Next time na lang, pag kasama ka na."

"Ay girl. Bobo ka talaga" sabi ni Emy, sabay sa pangalawang beses na, binatukan niya uli ako. "Tanga ka ba!?" pagalit na tanong sa akin ni Emy. Tapos tumayo siya, at humarap sa akin. "Moment niyo na yun ni Dino. Gets mo ba besh!? MOMENT NIYO NA YUN! Dapat tinuloy mo pa rin. Dapat nag paturo ka pa rin sakanya ng Accounting. Kung iimagine mo...." tapos tumingin sa akin si Emy. "Pikit mo yang mata mo dali! Tapos iimagine mo eto" 

Ako naman tong si tanga at pinikit ko nga talaga yung mga mata ko.

"Besh eto, mag imagine ka, na kayong dalawa lang ni Dino. Nag aaral. Nag papaturo ka sakanya ng accounting, Tapos habang nag susulat ka, si Dino nakatingin sayo. Tapos eto pa beshie. Imagine mo, may hindi ka nagets tapos stress na stress ka na, pero si Dino handa pa ring gawin ang lahat para maintindihan mo yung hindi mo magets kaya habang hawak mo yung lapis hinawakan din ito ni Dino. Hawak hawak niya yung kamay mo. Tapos tintulungan ka niya kung pano isolve or gawin yung hindi mo magets. Tapos beshie, eto pa! Imagine mo ---"

Binukas ko na yung mga mata ko sa sobrang diri ng imagination ko. "Tama na nga! Nakakasuka!" Huminga ng malalim si Emy, at umupo uli siya sa tabi ko. "Pero diba, ang sweet" sabi ni Emy. Hindi ko siya sinagot. Pero sa totoo lang, kung iisipin mo, kung iimagine mo. Tama naman si Emy. May point siya. Medyo sweet nga.

Nagising ako sa mga iniisip ko ng biglang nag salita si Emy. "So, anyway... sabi mo close na sila ng tatay mo. Paano nangyari yun?"

"Ganto kasi beshie, Nung pumunta kasi si Dino sa bahay nanunuod kami ng movie yung Purge. Eh diba nga hindi natuloy yung group study natin kaya ayun."

"Tumambay siya sainyo?" sabi ni Emy

"Oo" sagot ko. "Tumambay si Dino sa bahay namin. Tinapos namin panuorin yung The Purge: Anarchy. Akala ko nga, after nung movie uuwi na si Dino. Pero hindi beshie! After nun nag movie marathon pa sila ng tatay ko!"

"OMG! Talaga! Ano naman pinanuod nila!?" tanong ni Emy

"Naku beshie! Pinanuod nila lahat ng purge na movies yung unang purge tapos yung The Purge Election Year! Jusko beshie. Halos 1 a.m. na nakauwi si Dino sa bahay nila!" Nung tapos na ako mag kwento, yung tingin sa akin ni Emy, napaka seryoso. "Feeling ko he is the one." sabi ni Emy sa akin. 

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Si Dino!? Ang THE ONE!? ULOL! I can never imagine. Si Dino at ako!?! Oh please. What a joke. I dont think and I am positively sure na Dino is not the one. He is absolutely not the guy for me. I mean, first of all. Hindi ko siya crush. Yes. I dont have a crush on Dino. I think na he is very immature, very annoying, very pa cool and mostly very feelingero. So ewan ko ba kung ano pinag sasabi nitong best friend ko sa akin na si Dino ay ang natatanging, "The One" pero ang alam ko sa sarili ko, Dino and I will never be a thing. 

"Besh. Listen to me, I really feel na si Dino na talaga ang icing sa ibabaw ng cupcake mo. Kasi kung iisipin mo, everyone in your family really loves him. Mama mo bet si Dino, yung ate mo halos palagi siyang disagree sa lahat pero never mong narinig sakanya na ayaw or disagree siya kay Dino. Yang kuya mo naman, ka online gaming pa niya, tapos ngayon, you just told me, na close na sila ng tatay mo" sabi ni Emy, yung ngiti niya abot hanggang tenga. Kilig na kilig siya. At inirapan ko siya. "Ayoko kay Dino" sabi ko

"Sa una lang yan, pero trust me. Mag kaka crush ka din kay Dino."

Sana Crush Ako ni Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon