Umupo ako sa pinaka likod ng classroom, at duon ko inob-serve yung mga classmate ko. Halos lahat Canadian, Puti. Pero may nakita din akong dalawang itim, taga Nigerian siguro sila, tsaka isang babaeng mukhang Iraquian pero ang galing niya na mag-english kaya parang she was born here in Canada. Lumingon ako sa left side ng room at may napansin ako na mukhang filipina. Naka bright yellow sweater siyang damit. I felt relieved. Hayy, buti may pinoy dito. Pero nung, tinignan ko siya mabuti, nung inobservahan ko kung filipina ba talaga siya. I was unsure. Baka malaysian siya.
Lumipas ang oras, at sa wakas na tapos din ang first class ko, at nag-simula na ako mag-lakad pa punta sa sunod kong klase. Pumasok ako sa room. This time hindi ako umupo sa dulo ng classroom. Pumuwesto ako sa second row. Tahimik akong naka-upo sa seat ko, hinihintay yung teacher nang biglang.
"Ate, tama ba tong classroom na napuntahan ko?"
Tumingin ako. Siya yung babaeng naka bright yellow sweater nung first class. I guess hindi pala siya Malaysian. I was right. Filipina nga pala talaga siya. "Ano ba naka-lagay sa schedule mo?" tanong ko. Tapos binigay niya sa akin yung papel kung saan naka sulat yung schedule niya. "Tama. Sabi dito Room 2. Eh Room 2 naman ito" sagot ko. Ngumiti lang siya, tapos umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo, akala ko hindi ka filipina" sabi ko. Tumawa siya. "Actually, hinihintay ko nga na ikaw mag-approach sa akin eh. Kaso ang tagal mo teh" Tumawa ako. Feeling mag cli-click kami nito. Mukhang may pagka-joker siya eh. "Ako nga pala si Emy" sabi niya, while fixing her backpack. "Ako naman si Katie"
"Wow. Sosyal naman ng name mo"
"Anong sosyal duon?" Tanong ko
"Eh, Katie sabi mo, diba? Eh yun yung name ng asawa ni Prince William. Si Katie Middleton"
"Besh. Kate Middleton yun. Hindi Katie Middleton"
"Ay, Kate Middleton ba?"
Sabay kaming tumawa. Medyo napalo ko nga siya sa sobrang tawa ko. Duon nag-simula yung friendship namin. Ang bilis talaga. Nag-click agad kaming dalawa. Kasama ko si Emy the whole day. Actually, para nga kaming conjoined twins. Pupunta ako ng CR, sasama si Emy sa akin sa CR. Pupunta ako sa office to talk about the student loan, sasama si Emy sa akin. Ang saya kasi sa isang pitik. Close na agad kami ni Emy.
Sabay kami nag-lunch. Yung ulam ko Carbonara tapos siya, beef-steak. "Ang bano naman tong school natin" sabi ni Emy. Napatingin ako sakanya habang kinakain yung Carbonara ko. "Bakit mo naman nasabi yun?" Tanong ko
"Tumingin ka nga sa paligid mo" sagot niya. At tumingin nga ako around the cafeteria. "Oh. Anong meron?" tanong ko. "Anong meron?? Anong meron!!?! Besh ano ka ba! Wala mang pogi dito sa school na ito, lahat sila mukhang abnoy" sigaw ni Emy. Muntik na ako mabulunan sa sobrang tawa ko. Grabe. Medyo harsh din itong si Emy eh. Nilunok ko yung kinakain kong Carbonara tapos uminom ako ng tubig. "Hoy!" sabi ko, habang nag-titinga
"Wag ka nga besh. May na-meet akong lalaki kanina" sabi ko
"Pogi ba?" tanong ni Emy
"Hindi siya gwapo. Pero may dating naman"
"Mukhang Coco Martin ba yan, besh?"
"Umm.. Mukhang driver ni Coco Martin. Ganern" sagot ko.
Tawa nanaman kaming dalawa. Tapos I looked around the cafeteria. Looking for him. Ano nga pala pangalan nun? Diego ba? Hindi ehh. Darren? Basta alam ko simula ng name niya Letter D. Ay wait. Ahh! Nalala ko na. Dino. Yoown. Nasaan na kaya yung unggoy na yun? Don't tell me naliligaw nanaman siya. Ay nako. Anyway, who cares about him. Who cares about Dino the Dinosaur.
Naubos ko na yung Carbonara ko, pero gutom pa rin ako. So, binuksan ko yung baonan ko, looking if I still have some food left, and luckily may nabaon ako na Chocolate Muffin. Ewan ko ba sa sarili ko, pero gusto ko yung mga cookies, or puto or like this chocolate muffin, gusto ko mainit sila. So, before ko sila kainin, mini-microwave ko sila.
BINABASA MO ANG
Sana Crush Ako ni Crush ♥
Fiksi RemajaPag may crush ka sa isang tao, para kang tanga. Everyday sa school, ginagawa mo ang lahat para lang maka-silay kay crush. Stalker. Ikaw yun eh. Isang magaling na stalker. Inii-stalk mo lang si crush palagi at nagpapatansya na magiging kayong dalawa...