5 days after Jace's 3rd birthday, nagkaroon ng project sila Levi at Kuya Eren sa Boracay.
"Baby, 1 week lang yun. Kasama ko naman si Kuya Eren." Nagtitimpla siya ng gatas ni Jace.
"Ok lang yun Levi. Basta mag-iingat kayo dun ha."
"Oo naman." Inabot na niya sa'kin ang gatas at ibinigay ko na ito kay Jace na nasa crib niya. We still keep him in the crib lalo na kung tuwing hapon.
"Daddy, alis ka?"
"Oo nak. Pero saglit lang ako. Promise me, babantayan mo si Mommy ha?"
"Opo. Protect ko po si mommy." He smiled. At isinubo na niya ang kanyang bote.
"Mag-iingat ka ha. Hayaan mo ng si Ate Leonora ang gumalaw sa bahay. Magpahinga ka Rae." I'm on my 3 months now at medyo maselan ang pagbubuntis ko. Tumataas kasi ang blood pressure ko this past few days kaya naman tutok sa'kin si Levi. Yun nga lang, importanteng kliyente kasi ng kumpanya ito kaya hindi niya mahindian.
"Opo. Ikaw din. Ihahanda ko na rin yung mga gamot mo ha. Ano? Nakaayos na ba yung mga gamit mo?"
He sighed. "Di ba kakasabi ko lang? Magpahinga?"
Umupo ako sa kama, nakapikit na rin naman si Jace at mukang patulog na. "Gusto ko rin namang asikasuhin ka Levi." Pag simangot ko.
He smiled kindly. "Hai talaga naman. O sige, ikaw magtupi. Ha?"
"Ok." Napangiti naman ako.
____________
Kinabukasan, dumating si Kuya Eren after breakfast. 11 AM kasi ang flight nila to Boracay. "Rae, wag kang mag-alala, akong bahala kay Levi."
Natawa ako. "Kuya naman, pamilyado na kami. Wala na sa isip niya yang mga yan. At to think na hindi naman talaga siya mahilig sa babae. Ano ka ba?"
"Ang laki ng tiwala mo sa kapatid ko ah." He smiled. Umupo siya sa sofa.
"Oo naman. Yun ang pinakaimportante sa isang relationship di ba? Tsaka, kuya.. Nakita mo naman kung gaano niya kamahal ang pamilya niya."
Kuya Eren smiled. "Ang swerte ng kapatid ko sa'yo. You love him so much."
"Kuya talaga. Siyempre." I chuckled.
Lumabas na ng kwarto si Levi kasama ang anak naming nakasakay sa maleta niya. Msayang-masaya si Jace dahil iniisip niyang laruan ang maleta. "Tito Pogi!!!!!" Bumaba siya sa maleta at tumakbo kay Kuya Eren.
Niyakap siya agad ni Kuya. Mas nagiging kamuka na siya ni Levi. "Hi!!!!! Sinong pogi?"
"Tito Eren!!!!" Pagyakap ni Jace sa kaniya.
"Kuya, tinuturuan mong maging sinungaling anak ko ah!" Pagtawa ni Levi.
"Hindi ah. Bakit? Pogi naman talaga ako di ba nak?"
"Yes!" Jace answered enthusiastically.
Natawa kaming mag-asawa. Niyakap ako ng Levi. "Tatapusin kagad namin ni Kuya yung project para makauwi agad kami. Ha?"
"Wag kang magmadali Levi. Ano ka ba?" Natawa ako.
"Mamimiss kita eh." Then he rub my stomach. "Pati si Baby mamimiss ko. Pati si Jace!"
"Andami namang mamimiss." Pagtawa ni Kuya Eren.
" Ako ng bahala Levi. Don't worry too much."
Tumango siya. "Ok."
Humalik na siya sa'kin. Ako na ang naghatak ng bag niya habang karga niya si Jace palabas ng bahay. We waved goodbye to them as they drove away.
____________________
5th day na ng nasa Boracay sila Levi. Malaking project nga ito at isang restaurant ang ginagawa nila. VIP restaurant ito at medyo strikto ang may-ari. Nakailang proposal na rin silang naipakita at ilang palit din sila ng designs hanggang sa wakas, nakapili na sila ng theme for the restaurant.
"Sorry Rae kung hindi kita masyadong matawagan." Nakaskype kami.
"Ok lang." Tinignan ko siyang mabuti. "Nakakatulog ka ba ng maayos?"
Napakamot siya ng batok. "Hindi nga eh. Busy kami ng team ni Kuya sa pagretoke ng designs. Ang arte-arte kasi nung asawa nung may-ari. Nako."
Natawa ako. "Hayaan mo na. They want it to be perfect, tsaka alam ko namang magagawa niyo rin naman yung gusto nila eh. Tamoo, di ba? Nagustuhan nila yung huli niyong proposal."
Umunat siya. "Pagod na ko."
"Then sleep." I smiled. Pumasok sa kwarto si Jace. "Nak, si daddy o!" Kinandong ko siya at may hawak siyang papel.
"Dadddyyyy!"
Kita ko ang pagliwanag ng muka ng asawa ko. "San ka galing nak? Kanina pa kita hinihintay."
He put up the paper he's holding. "Daddy, kinuha ko to. For you!"
Nagdrawing ang anak ko ng 3 stick people. "Ako, ikaw, mommy!" Pagpaliwanag niya.
"Wow naman! Ang galing naman ng anak ko." Naluluha si Levi.
"Kelan uwi daddy?" Inosenteng tanong ni Jace.
"Lapit na nak. Tas mag-drawing ulit tayo ha?"
"Opo. Daddy, uwi ka na. Miss na kita eh."
"Miss na rin kita nak. Tatapusin ko lang work ko ha, tas uuwi na ko. Ok?"
"Ok po. Mwaaaaah!" Pagflying kiss ng anak namin.
Sinagot naman ito ni Levi. At ngumiti ang anak namin. "Mommy nood lang ako ha."
"Sige nak." Bumaba na siya sa kandungan ko at tumakbo palabas ng kwarto. "Miss na miss ka na ni Jace."
"Ako rin naman, miss ko na kayo. Hai. Yaan mo, tatapusin ko agad ha. Konting details nalang naman 'to eh."
"Ayos lang Levi."
"Iniinom mo ba mga gamot mo?"
"Opo. Tsaka mababa na BP ko this past few days."
"Mabuti naman. Pag-uwi ko, babalik tayo sa OB mo para masigurado natin yang kalagayan niyo. Ok?" Humikab siya. "Uhm. Nga pala. Nagkita kami ni Sarah."
Sarah, his ex-girlfriend na girlfriend ng namatay na si Hopper.
"Rae? Don't worry, kasama ko si Kuya Eren nung nagkita kami. We just talked. Kinamusta ka nga niya eh."
I smiled weakly. Bakit ganun, para akong nakaramdam ng selos. "Ayos lang Levi. May pinagsamahan naman kayo di ba?"
"Ok ka lang ba Rae?"
Tumango ako.
"I shouldn't have told you that."
"No. No. It's ok. Mas magagalit ako kung di mo sinabi sa'kin." I smiled weakly.
"Baby? Hey. Nagseselos ka ba?" Maloko ang ngiti niya sa'kin.
"No." I half lied.
"Nagseselos ang baby ko!!!!!" Mas nagliwanag ang muka niya. He's definitely mocking me.
Feeling ko namumula ang pisngi ko. "Ano ba!"
"Hey. I'm serious. Wala na kong nararamdaman para sa kanya. Kaya, relax. Ok? It's in the past. Ikaw ang pinakasalan ko. I love you." His eyes softened as he said he loves me.
"I just miss you. Please. Uwi ka na." Naluluha ako.
"2 days nalang Rae, I promise. 2 days. Hm?"
"Ok. I'll be waiting. Mahal na mahal kita Levi."
"I love you even more Rae, Always."
BINABASA MO ANG
Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)
RomanceSometimes the one we love the most is the ones who are taken away from us. Sacrifices should be made.