After three days ng pagbabalik ng normal na buhay namin sa sarili naming bahay, Niyaya ko na si Leah na mamili while Levi went to Captain's kasama si Jace. Si Kuya Erwin naman, bumalik na ng La Union and Ate Isabel had known about what happened between us Levi.
Walang kaalam-alam sila mama na nasa London. But they will have a vacation this Christmas.
"Bibilhan mo ba siya ng bagong crib? Ang ganda nito bes!" She's talking about the pink crib na may mosquito net pa. May baby mobile din ito na may sun, moon and stars.
"Pwede na yung kay Jace. Mahalaga may crib. Tsaka sayang pambili. Sa gamit nalang ni Raelie natin ibili." Pag ngiti ko kay Leah.
"Tipid lang ang peg?"
"Oo naman. Dalawa na pinapagatas namin, tsaka nag-iipon din naman kami para sa future nila no. Kailangang magtipid."
She laughed. "Kami kaya ni Gio, kelan kaya?"
"Ano ba sabi ni Gio?"
"Well. Nagpaparamdam na siya bes. Sa'kin, ok lang dahil may stable na kaming trabaho. Pero, siyempre kelangan parin naming ievaluate kung kaya na naming magpamilya."
"Alam mo, pangalawa na namin ni Levi 'to. Baka mamaya, kolehiyo na inaanak mo di pa kayo nagpapakasal."
"Wag ka nga. Basta, darating nalang yun."
Namili kami ng mga damit ni Raelie. She insisted na dapat kahit papano, may bagong damit siya.
"Tapos, papaburdahan ulit natin yung pang balot niya. Personalized parang kay Jace. Pwede nilang maging souveneir yun paglaki nila." She said.
"Sige. Ikaw naman nagpagawa nun eh."
Nasa maternity section na kami ng makita namin si Sarah na may kasamang lalake. Nakapulupot siya sa braso ng lalake and I don't think nakita niya kami.
"Tignan mo. Ang landi talaga. Yan siguro tatay nung pinapaako niya kay Levi."
Tinignan ko lang si Sarah. She looks happy naman sa kasama niyang lalake, pero bakit ganun? Bakit kailangan niya pang sirain yung pamilya ko?
"Tara bes bago pa niya tayo makita."
"Wait. Sasabunutan ko lang yang malanding yan."
Hinatak ko si Leah. "Ano ba. Pabayaan mo na siya. Baka sabihin tayo pa 'tong nanggugulo. Bayaan mo na siya." Hinatak ko siya ng mas pwersado ng ayaw niyang maglakad. "Halika na kasi."
"Isa lang bes!" Naglalakad na kami at tulak-tulak ko ang cart namin.
"Bes, may pinag-aralan ka. Wag mong sayangin."
Bumuntong hininga siya. At lumakad na kami palayo kay Sarah.
"Kain tayo?" Yaya ni Leah.
"Sa bahay nalang bes. Nagka-cramps nanaman binti ko."
"Sige. Ako ng magdadala niyan."
Naglakad na kami papuntang parking lot. Pag minamalas ka nga naman, nakasunod pala sa'min si Sarah. Wala siyang kasama.
"Andrea!" Maangas na sabi niya sa'kin. Pero patuloy kami sa paglalakad.
She caught up with me. Hinawakan niya ko sa braso.
"Ano ba Sarah! Nananahimik na kami. Ano pa bang gusto mo?" I shook her hand off me.
"Woah! Woah!" Nakataas pa ang kamay niya in surrender. "A little hot headed? How's my honey? Hmm?"
Agad na gumitna si Leah. "Honey ba kamo? Baka gusto mong sampalin kita dyan at ingudngod kita sa sahig ha? Ikaw pa naggagaganyan? Matapos mong reypin yung asawa ng may asawa? Itsura mo pang kama lang. Yang pinagbubuntis mo? Pag malaman niyang ipinapaako mo siya sa kung sino-sinong lalake, itatanggi ka niyan bilang nanay. Nakakahiya kang babae ka. Siguro nanay mo katulad mo? Noh? Kirida! Or.. Or.. Yung tatay mo may kabit? Tapos ikaw yung nakamana? Ano yan? More like a hereditary trait in your family? Sana hindi manahin ng anak mo yan. Nakakahiya ka."
BINABASA MO ANG
Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)
RomanceSometimes the one we love the most is the ones who are taken away from us. Sacrifices should be made.