Jace

466 58 7
                                    

3 months after our wedding, something happened to my body. And si Leah ang lagi kong kinukulit. One day, pumunta siya ng bahay. Nasa opisina si Levi noon.

"O ayan, 3 magkakaibang kit yan ha. Dali na bes!!!!" Mas excited pa siya sa'kin.

"Oo na. Saglit."

Pumasok ako ng CR and I peed on the specimen bottle. Pagkatapos ko, binuksan ko ang pinto at pinapasok si Leah. Isa-isa niyang binuksan ang packaging ng pregnancy kit. Isa-isa ko namang pinatakan ito and we waited.

About 30 seconds, lahat. Double line!

"Leah!!!! Magiging mommy na ko!!!!"

Nagtatatalon si Leah. "Bes! Congrats!!! Waaah! Magiging ninang na ko! Oi, ninang ako ha! Wag na si Gio. Sa next niyo nalang na anak! Bes! Magkakababy na kayo!!!! Ang saya naman!!!!"

Maski ako. Di ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

That night, I planned to surprise Levi. Tinawagan ko sila Kuya Erwin at Kuya Eren, para magsalo-salo kami. Leah didn't stay kasi may dinner daw sila ni Gio.

Bago pa dumating ang aking asawa, inihanda ko na ang aking surpresa. I put the kits in a box. Tapos, tinalian ko ito ng ribbon at nilagay sa dresser ni Levi. Siguradong masosorpresa siya!

Nagluluto na ko ng dumating si Levi. Naabutan niya ko sa kusina.

"How's my beautiful wife?" Agad niya kong hinalikan.

"Hmmm."

He chuckled. "What's for dinner?"

"Yung paborito mong caldereta. Musta work? Si kuya Eren? Akala ko sasama siya sa'yo ngayon?"

"Yup. Bumili lang siya ng wine. Binaba niya lang ako sa gate."

"Ah. Sige. Levi, paabot naman ng patatas sa counter."

Inabot niya sa'kin 'to at niyakap niya ko. "I miss you."

I smiled. "I miss you baby. Sige na magpalit ka na ng damit. I'll make you tea. Ok?"

"Ok." He gave me a peck in my cheek at pumasok na ng kwarto namin.

"Hintay lang." I whispered to myself.

Maya-maya pa'y nakarinig na ko ng sigaw sa kwarto namin. Ako naman, tawa ng tawa. He came running to me and he almost bump me when he hugged me.

"I'm going to be a father??????" Excitement in his voice.

Humarap ako sa kanya. "Yes daddy." I smiled.

Nagtatatalon siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito na parang batang nabilhan ng paborito niyang ice cream.

"Oh my God! Oh my God!" Niyakap niya ko ulit, at pagtingin niya sa'kin lumuluha siya.

"Levi. Thank you." Sabi ko while I wipe away his tears.

"No. Thank you Rae. I found the purpose of my life. Salamat, you made me complete. Thank you. Thank you. I love you." He hugged me again.

"I love you. Hmm. Let's tell them about it this dinner. Ha? Pupunta din sila kuya Erwin."

"Ok. Ok." Pinunasan niya ang luha niya. But he can't wipe his smile away.

"Sige na. Hahaha. Magbihis ka na!" Pagtawa ko.

"Ok." He smiled.

Nasa loob siya ng kwarto ng dumating sila Kuya Erwin at Ate Isabel, kasama si Clary.

"Tita!!!!" Pagbati ni Clary. She's about 4 years old, with cute, rosy cheeks at mapupungay na mata na katulad ni Kuya Erwin. She's very cute in her pigtail hair. She wears a pink dress and sandals.

Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon