Bumangon ako sa higaan ng marinig ang sasakyan sa labas ng bahay at isinuot ang roba na nakatupi sa mesa. Pagkababa ko ng hagdan ay saktong pagbukas ng pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ng asawa kong pagod na pagod ang itsura. Tinignan ko lang siya hanggang sa makalapit sa akin pagkatapos isara ang pinto.
"May uwi akong pagkain, tara kumain tayo." aya niya sa akin at dumiretso ng kusina upang ihain ang uwi niya. Panigurado ay Chinese food iyon. Paborito niya kasi ang mga ganoon.
Bago ako sumunod sa kanya sa kusina ay nahagip ng mata ko ang orasan sa sala. Alas dyes na ng gabi. Kaagad akong naupo sa harap ng mesa at binigyan niya ako ng plato at chopsticks.
Wangton, dumplings at spring roll ang dala niya this time.
Kaagad siyang naupo sa katapat kong silya at pinauna akong kumuha ng pagkain. Una kong sinubo ang dumplings pagkatapos noon ay hinayaan ko na siyang ubusin iyon. Busog na rin naman ako dahil kumain na ako kasabay ng anak namin kanina. Pinagmamasdan ko lang siyang kumain at gustong-gusto talaga niya ang pagkain ng dayuhan. Siguro sawa na siya sa pagkaing pinoy.
"You didn't eat dinner again." nasabi ko matapos naming kumain at pinakatitigan lang siya ng hindi siya nagsalita. Sa huli ay napakibit balikat siya. "Maraming ginagawa sa opisina."
"Pero hindi ka dapat nagpapagutom. Mahirap na magkasakit." Mataman ko siyang tinitignan habang nililigpit ang pinagkainan naming dalawa. Madalas gabihin ng uwi si Edward ngayon dahil sa problema sa kompanya at pambawi niya ang pag-uuwi ng pagkain. Madalas ay dinner niya iyon habang ako ay midnight snack na lang.
Naghuhugas ako ng pinggan ng umakyat siya upang magbihis at panigurado ay titignan ang anak naming natutulog na sa kanyang sariling kwarto. Anim na taon na ang nakalilipas at masasabi kong okay naman na ang pagsasama namin ni Edward. Pagkatapos ng gabing iyon ay tinapos na niya ang relasyon niya sa best friend niya dahil ayaw niyang masira ang binubuo naming pamilya. Ayaw niyang masaktan ang anak namin. Iyon ang sabi niya sa akin at pilit ko naman iyong pinaniniwalaan dahil asawa ko siya. Dapat akong magtiwala sa kanya at hanggang ngayon naman ay hindi niya sinisira ang pangako niyang iyon kaya kampante ako. Hindi ko masasabing nakalimutan ko ang nangyari noon pero isinantabi ko iyon para sa anak ko, para sa maliit naming pamilya.
Nang matapos ako ay siya rin namang pagbalik niya sa kusina upang uminom ng tubig. Nakasuot na lamang siya ng pantulog niyang itim na sando at sweatpants.
"Hindi ko na naman naabutan si Drei. May uwi pa naman akong laruan." salita niya ng makatapos uminom ng tubig. Ako naman ay nagpupunas ng kamay sa basahan.
"Bukas mo na lang ibigay. Maaga natulog. Napagod sa kakalaro."
"Kamusta ang exam niya?"
"Nakakuha ng A+. Tuwang-tuwa nga dahil may three stars siya sa kamay. Ayaw niyang paalis ng paliguan ko dahil ipapakita sa'yo." pagkwento ko at nangiti siya sa narinig. Para bang nawala ang pagod sa mukha niya ng marinig ang achievement ng anak niya.
"He has my genes. Hindi na nakakapagtaka." pagbubuhat niya ng bangko pero hinayaan ko na dahil totoo naman iyon. Cum laude noong college si Edward. Matalino talaga siya. Isa iyon sa rason kung bakit patay na patay ako sa kanya noong nasa kolehiyo pa kami.
"Are you finish? Let's get to bed. I'm so tired." pag-aaya niya at isinara ko na lang ang ilaw sa kusina at dumiretso na kami sa itaas. Habang umaakyat sa hagdan ay naalala ko bigla ang pagtataksil nila sa akin noon. Natulala ako ng ilang segundo hanggang sa tawagin na lang ako ni Edward dahil nahinto ako sa may pintuan.
"What's wrong?"
Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko at inangat ko ang tingin sa mukha niyang nag-aalala at nagtataka sa kinikilos ko. Matagal akong nakatitig sa mukha niya hanggang sa tumulo ang luha sa mga mata ko. Nandito pa rin ang sakit. Kahit anong pilit kong isantabi masakit pa rin. Hindi na naghilom iyong sugat.
BINABASA MO ANG
Limitation of Love
General FictionEvery love has its own limitations. Iyon ang pilit na pinaniniwalaan ni Karleigh sa buong buhay niya bilang may asawa ngunit hanggang saan nga ba ang itatagal niya? Hanggang kailan niya kakayaning magtiis? Ano nga ba ang limitasyon ng tao sa pagmama...