Panay ang hagod ng kamay ni Madison sa aking likuran habang nilalabas ko sa aking bibig ang kinain ko mula kaninang umaga. Lahat ng kainin ko ay hindi tinatanggap ng tiyan ko. Lahat pare-parehas ng lasa. Nang mahismasan ay kaagad akong nagtungo sa lababo upang magmumog. Ang matalik kong kaibigan ay nakamasid lang sa akin habang ginagawa ko iyon at hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko mawari kung galit ba siya o hindi sa paraan niya ng pagtitig sa akin.
Matapos ang pagmumog ay inabutan niya ako ng panyo at kaaagad ko iyong pinamunas sa bibig ko.
"Karleigh," kaaagad ko siyang tinignan ng tawagin niya ako at kasiyahan ang una kong nakita sa mukha niya.
"Buntis ka?"
Hindi ako nakasagot pero may mumunting ngiti ang sumilay sa labi ko. Hindi pa rin naman ako ganoon kasigurado pero may kutob ako. Hindi pa ako dinadatnan ng tatlong buwan at may ilang senyales ako tulad ng pagduduwal sa umaga at pagkahilo. Ang isipin pa lang na may buhay na unti-unting lumalaki sa sinapupunan ko ay natutuwa ako. Noon pa man ay pinangarap ko ng maging ina at kung totoo man na buntis ako ngayon ay napakalaking biyaya nito sa akin.
"Matutuwa niyan si Edward, Karleigh. I'm so excited for the baby!" Masayang pahayag ni Madison at hindi niya ako tinigilan sa kasiyahan niya hanggang sa magpaalam akong umuwi sa birthday party ng anak niya. Ayaw pa nga niya pero nagpumilit na ako dahil gabi na rin at kailangan ko na talagang umuwi.
"You're already having your own family! I'm so happy and proud, Karleigh. You deserve all the love in the world." She told me and I almost cried as I hugged my best friend. She is there for me for almost ten years. Lahat ng pangyayari sa buhay namin ay nasaksihan naming dalawa, we are always there for each other and I'm thankful to found a friend like her.
Hinatid niya ako sa labas ng venue at isinakay ng taxi. Habang nasa byahe ay hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. I am too excited to know that there is a child growing inside me. Kahit nga trapik ay hindi ko inalintana dahil iniisip ko na ang itsura ng baby ko. Sana ay lalaki para kamukha ng asawa ko.
At nang dahil doon ay naalala kong magpapasama ako sa kanya bukas para magpakonsulta sa doktor.
Nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa bahay namin sa loob ng isang exclusive subdivision ay nagbayad kaagad ako sa driver at bumaba ng taxi. Madilim ang buong bahay at sarado ang pintuan kaya hinanap ko pa ang susi ng pinto sa bag ko. Hindi pa nakakauwi si Edward.
Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw pagkapasok at dahan-dahan naglakad sa hagdan pataas ng second floor. Napakatahimik sa buong bahay kaya kaagad akong napakunot noo ng makarinig ng kaluskos sa itaas at nagkaroon ng takot sa aking dibdib.
Pagkarating ko sa itaas ay maghahanap na sana ako ng gamit na pwedeng gamitin as self defense habang nakatingin sa pintuan ng kwarto naming mag-asawa nang makarinig ako ng hindi kaaya-ayang tunog mula sa loob. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bumigat ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Parang naparalisa ang buong katawan ko habang naririnig ang boses ng babae at lalaki.
The happy bubbles on my head instantly disappeared. Kaagad na naguho ang saya at excitement sa katawan ko. Gumuhit ang matabang na ngiti sa labi ko. Sino nga ba ang pinagloloko ko?
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang buksan ang pinto o umalis na lang at magpanggap na hindi ko alam ang lahat.
I was too scared to even move because I don't have the courage to know who's the woman inside the room. I'm scared to get hurt deeply if I see the woman I hate the most with my husband.
I waited there like a fool in front of the door until I heard them finished. Until my ears finally filled in silence. Para akong tanga. Ako ba ang kabit dito para maghintay?
BINABASA MO ANG
Limitation of Love
General FictionEvery love has its own limitations. Iyon ang pilit na pinaniniwalaan ni Karleigh sa buong buhay niya bilang may asawa ngunit hanggang saan nga ba ang itatagal niya? Hanggang kailan niya kakayaning magtiis? Ano nga ba ang limitasyon ng tao sa pagmama...