vii

4.1K 83 53
                                    

"Mommy, look po oh! Yung plant ko lumalaki na like me."

Itinuro sa akin ni Drei ang tinanim niyang halaman at nangiti ako. "Kaya palagi mo siyang didilagan para lalo pang lumaki."

Tumango si Andrei at saka niya kinuha ang laruan niyang watering pot na may lamang tubig at diniligan ang mga halaman. It is Sunday morning and it is part of our weekend to water and tend the plants in our mini garden in front of our house.

Nakuha ng atensyon ko ang paparating na taxi at tumayo ako ng maayos ng huminto ito sa harap ng bahay namin. Lumabas doon ang isang asungot at umalis na ang taxi. Kumaway pa ang tao na yun at tinanggal ang shades na suot. "Di mo ko pagbubuksan ng pinto?"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagwawalis ng mga nalaglag na dahon sa damuhan. "Andrei."

"Hm?"

"Hello."

"Hello po, Tito stranger." Binati siya pabalik ng anak ko tapos ay nagpatuloy sa pagdidilig ng halaman. Asa siyang papasukin ng anak ko.

"Fine." Narinig kong sinabi niya at maya-maya ay umakyat sa hanggang bewang na pader. Tinalon niya ang halaman at muntik ko na siyang hambalusin ng dustpan dahil sa konting usog na lang ay matatapakan niya ang halaman ni Andrei na katutubo pa lang.

"Don't you dare step on it or else you'll be ruined by my son's wrath."

"Oh. Sorry, Drei. I didn't step on it, swear." Itinaas pa niya ang kamay niya dahil nakatitig sa kanya si Andrei. Hindi naman masama ang tingin ng anak ko pero nakakatakot iyong tingin niya kay Kian. Natawa ako dahil natakot rin ang asungot.

"He didn't step on it." I assured my son, hindi niya kasi inaalis ang tingin kay Kian na nandito.

"Bakit ka ba nandito? Wala si Edward."

"I am here to grab our things."

"Mabuti naman. Malapit ko na kasing maisipan sunugin." Walang emosyon kong sinabi at tatawa-tawa lang siya. Tinapos ko kaagad ang pagwawalis at pinapasok sa loob si Andrei para kumain ng breakfast. Kahit hindi ko naman ayain iyong isa ay papasok talaga siya. Ganoon kakapal ang mukha niya katulad ng pinsan niya.

Mas malala lang talaga yung isa.

Pinakain ko muna ng cereal at milk si Andrei saka ako dumiretso ng sala kung nasaan si Kian na nakaupo sa sofa. "Kuhanin mo na sa itaas. Baka gusto mo pang ako ang magbaba?"

"Hm, pwede rin." pabalang niyang sagot at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Napailing na lang ako. Sinundan niya ako sa pag-akyat saka ko binuksan ang pintuan ng iisang guest room na gusto kong sigan lahat ng gamit sa loob. Kinuha niya lahat ng gamit ng pinsan niya at iyong kanya.

"Siguraduhin mong walang naiwan dyan," paninigurado ko nang lumabas na siya ng kwarto dala ang mga gamit.

"Wala. Kung meron man, sunugin mo na lang katulad ng gusto mo." Nakangisi niyang sinabi at inirapan ko lang siya. Nauna akong bumaba at hindi ko talaga siya tinulungan. Bahala siya dyan.

Bumalik ako kay Andrei na umiinom ng gatas sa dining area. "Kain lang ng kain," I told him and I just smiled at my son.

Pinagmamasdan ko lang siya nang maibaba na ni Kian ang mga gamit at dumiretso sa kusina kung nasaan kami. "Pwede bang makahingi man lang ng tubig dyan?"

"Ay pagod na pagod? Parang kay daming binuhat."

He looked at me with amusement tapos ay natawa. "Bakit ka ba inis na inis sa akin? Ako lang yata ang binabara mo ng ganyan."

Naawa naman ako sa kanya kaya kinuha ko siya ng baso at tubig sa fridge. Inabot ko sa kanya iyon at tinitigan niya ang kamay kong napipilitan siyang bigyan ng tubig. "Why do you hate me so much?"

Limitation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon