Special Chapter: ii

936 22 54
                                    

"Are you even sure? Hindi na ba talaga namin magbabago ang isip mo?" Madison asked me. Kahit hindi siya sang-ayon sa sa kasal na ito ay nandito pa rin siya para sa akin. It means a lot to me.

"I love him."

"You do." She sighed. "I am sorry if I'm going to say this, I bet you're going to hate me but I am your friend and I should not tolerate you. This is so sudden. Hindi ba pwede pag-isipan mo muna ng maraming beses ang bagay na 'to?"

"Nandito na ako suot ang wedding gown ko, ngayon pa ba ako tatanggi?" Napabuntong hininga siya nang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"You're so perfect in your wedding dress." Parang bigo pa niyang sinabi at nailing na lamang ng yakapin ako.

Naalala ko si Ate Carline na nasa New York. She was against this decision from the start that we even fought. Isang buwan na kaming hindi nagkakausap. Malinaw pa rin ang huling sinabi niya sa akin ng huli kaming mag-usap. 'I would not go home just to watch you enter a miserable life, Karleigh. I'm sorry.'

Masakit iyon para sa akin pero matigas ang ulo ko. Papatunayan ko kay ate na hindi iyon mangyayari. Alam kong may magandang outcome ang lahat ng ito at kung suswertehin ako ay ang pagmamahal ni Edward iyon.

I only joked about it to Tito Christopher, pinahihiram ko kasi siya ng pera dahil alam ko ang sitwasyon ng kompanya nila, they need some assistance that's why I'm willing to help pero tinatanggihan ni Tito kaya nasabi ko iyon. Hindi ko naman alam na seseryosohin pala niya.

Hindi lang naman pagmamahal ang rason ko para pumayag. Maraming beses ko itong pinag-isipan at hindi lang naman ang pamilya ni Edward ang may pakinabang sa kasal na ito. I even asked my life adviser about this and she told me that it's too early but good for my sake and my father's business.

Higit sa lahat ay kasundo ko naman si Edward at kilala mula noon pa. My parents were fond of him. I trust him and I know he will never hurt me for no specific reason. Tahimik siya but he cares. He also came form a good family. And I'm in good terms with his parents. Hindi ko na kailangan pang makisama dahil kilala ko na sila.

And he is also a sole heir of his father's inheritance and company. May problema man ito sa ngayon ay kampante akong malalagpasan nila iyon. Kapag nagkaanak kaming dalawa, our children will inherit both companies of their grandparents. They will continue my father's legacy in business world.

I don't want any drama involving money on my marriage and Edward is qualified on that matter. Hindi naman siya tulad ng ibang lalaki na ang habol sa akin ay ang mana ko.

And lastly, he has a heart. I can make him fall in love with me. Maraming arranged marriage ang nadedevelop after ng kasal at nagiging successful. Pwede kaming makabilang doon.

"Hindi na kita mapipigilan kaya maging masaya na lang tayo ngayon sa kasal mo." salita pa ni Maddy at natutuwa ako dahil minsan lang lumabas sa bibig niya ang mga ganoong salita. Nangiti ako.

"Thank you so much, Maddy."

***

Our church wedding is simple and intimate. We only invited close relatives and friends. The ceremony went smoothly and peacefully. I can't believe I'm married at age of twenty-three. Hindi ko naman kasi iyon plano.

Limitation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon