"Seryoso ka na ba sa desisyon mo?"
"I am. Tapos naman na ang kaso kaya panatag na akong umalis." Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko. Inayos ko ang headset sa tainga ko para mas marinig ko ng maayos ang sinasabi ni Madison.
"Paano ang business ng parents mo?"
"I already asked my business partners to tell me every week what's happening on the business. Besides, they manage the hotel even when I'm here. I trusted them."
"Alright."
"I'm just fixing some stuffs them I'm free to go." I sighed. "You can visit me there with your family. I decided last month when I visited my relatives, iyon ang kailangan ko ngayon sa buhay ko."
"I know! If that's what will make you happy again, so be it. Alam mo namang iyon lang ang gusto ko para sa'yo. Okay na ba ang mga gamit mo?"
"Nakaempake na lahat ng gamit ko sa condo. Ako na lang talaga ang kulang at pwede na akong isakay sa eroplano."
"Aba excited ka na talagang umalis ha!" sarcastic niyang sinabi. Hindi pa rin niya gustong doon na ako titira ng permanente sa New York kahit sinabi ko naman na sa kanya last month pa bago ako magpabalik-balik ng Pinas at New York.
"Hm." Nangiti lang ako at nagpatuloy ng muli sa pagtakbo. Maganda ang araw ngayon para mag jogging. "Love you, friend. Thank you for being with me through thick and thin."
"Don't say something like that! Gaga ka ba? Aalis ka lang pero hindi ka mamamatay!" galit niyang sigaw sa akin at binabaan ako ng tawag. Napangiwi ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo.
I was shocked when I saw my mother-in-law waiting for me in the lobby when I got back in one hour jog outside. Nagpunas ako ng pawis sa noo at nilapitan ang biyenan ko.
"Ma," pagtawag ko sa kanya at tumayo siya ng makita ako. "Ano pong sadya nyo?"
"Alam kong may di tayo pagkakaunawaan pero may kailangan akong pakisuyo sa'yo."
"Gusto nyo po bang umakyat muna sa taas?" pag-aalok ko sa kanya at tumango naman siya bilang pagpayag. Pagdating namin sa condo ko ay pinaupo ko siya sa sofa sa mini living room ko.
"Gusto nyo po ba ng juice, coffee-" itinaas niya ang kamay niya bilang pagputol sa sinasabi ko at pinaupo ako sa tabi niya. Inabot niya sa akin ang isang brown envelope.
"Is this annulment papers?" I asked her coldly. Kung iyon ang pakay niya ay hindi ko ibibigay.
"No. Why would I intervene with your marriage to my son? I like you as my daughter-in-law." pasuplada pa ang pagkakasabi niya dahil na offend yata siya sa sinabi ko. "Alam kong may tampuhan tayong dalawa pero naiintindihan mo naman siguro kung saan nanggagaling ang galit ko. Galit ako sa ginawa ni Edward. Walang tama sa ginawa ng anak ko. Hindi ka dapat niya sinaktan pero sobra ang mga threats at pinapadala mo sa kanya noon. It puts so much stress not just to him but to us."
"I understand, Mama. It's too much, I know and I'm sorry." I honestly apologized. Sobra naman talaga ang ginawa ni Madison kung tutuusin kaya lang ako na lang ang sumalo ng ginawa niya dahil ayoko ng lumala pa ang issue na 'yun.
Binuksan ko ang envelope nang matapos kaming mag-usap at pinapanuod niya lang ako habang nilalabas ko ang papel sa loob noon. It was a DNA result.
"My husband secretly run a test to know if Ophelia is your husband's daughter and the result came out the day we were in court. After we got home he told me, I can't say it to my son because it will definitely break his heart but I can't also let that woman deceive Edward anymore. She broke your family. Hindi ko mapaniwalaan na magagawa iyon ni Denise lalo pa na lokohin ang lahat ng tao sa paligid niya! She even lied to me! She really has no shame."
BINABASA MO ANG
Limitation of Love
General FictionEvery love has its own limitations. Iyon ang pilit na pinaniniwalaan ni Karleigh sa buong buhay niya bilang may asawa ngunit hanggang saan nga ba ang itatagal niya? Hanggang kailan niya kakayaning magtiis? Ano nga ba ang limitasyon ng tao sa pagmama...