Edward didn't leave the old house for weeks. He didn't go to work and drunk himself in our old room. Iyon ang sabi sa akin ni Leighton ng bisitahin niya ang kuya niya sa bahay dahil nag-aalala sila para rito. Ayaw daw nitong kumausap ng tao at sumagot sa mga tawag nila kaya sinadya niya isang araw at ang nadatnan niya ay magulong bahay at si Edward.
Sobra ang pag-aalala ng pamilya niya para sa kanya. Sapat na iyon. Hindi ko na kailangan pang sumali.
"Akala ko ba aalis ka na?"
"Bakit atat na atat kang paalisin ako? Parang nung nakaraan ayaw mo pa ngang doon ako tumira sa New York." salita ko kay Madison habang nasa hotel kami dahil katatapos ko lang maasikaso ang pagbebenta ng condo unit at ilang negosyo namin na hindi ko naman matutukan dahil titira na ako ng permanente sa New York.
"Para kasing nagdedelay ka lang ng alis para makita mo ang kalagayan ng asawa mong demonyo lalo pa ngayon."
Napairap ako sa kanya at naupo sa magkabilang silya. "Oh please! Bukas na nga for real di ba. Kakain na ako. Bahala ka dyan."
Tumayo na rin ako para kumuha ng pagkain dahil hindi pa ako kumakain ng breakfast tas lunchtime na. Sumunod din naman sa akin si Madison at kumuha kami ng pagkain.
"Libre 'to ha." aniya pagbalik namin ng table."Ganyan tayo eh. Kahit may pera papalibre."
"Ay grabe ka ha? Parang ikalulugi mo ang paglibre sa akin sa buffet ng hotel nyo!" Nagkatawanan kaming dalawa sa huli at nagkwentuhan habang kumakain. After lunch, we get a full body massage and relax ourselves in jacuzzi. It's one of our recreational things to do in our hotel. Syempre libre na rin iyon dahil kuripot ang kaibigan ko at bukas na rin ang alis ko talaga. Totoo na iyon dahil tapos na ako sa mga unfinished business ko sa Pinas.
"I badly wanted to stay with you till tomorrow but you know my son, he can't sleep without me and he has a play in school tomorrow."
"I understand. Ayoko rin naman umalis ng nandoon ka, baka mag-drama pa ako sa airport."
"Gaga! Always call me if you need anything or you just want someone to talk to."
"Thank you." Niyakap ko siya at ganoon lang din siya. Hinatid ko siya palabas ng hotel at sinundo siya ni Albie. I waved them goodbye. Nang mawala na ang sasakyan nila sa paningin ko ay pabalik na dapat ako sa loob ng makita ko ang pamilyar na pigura na papalapit sa akin.
"What are you doing here?" tanong ko kay Edward nang makalapit siya sa akin. Mukha namang hindi siya lasing ngayon at hindi siya amoy alak pero para siyang kinulang sa tulog, may itim sa ilalim ng mga mata niya at may tumutubong balbas. For short, he looks like a mess.
"Is this your first time being out for two weeks, hermit?" biro ko pero nang hindi natinag ang pagiging seryoso niya ay natahimik ako. Napakrus ako ng braso. "Kung nandito ka para awayin ako, pwede ba, tama naman na! Oo ang sama ng dating ko nung nakaraan pero hindi mo ako masisisi-"
"Can we talk?"
Matagal akong nag-isip hanggang sa hinayaan ko na siyang sumama sa suite ko. Nakaupo kaming dalawa sa balcony kung saan kita ang buong ganda ng lugar kapag gabi. "What do you want to talk about?"
"I heard you are leaving." simula niya. Tumango ako at itinaas ang paa ko sa mesa habang may hawak na wine glass.
"Tomorrow."
BINABASA MO ANG
Limitation of Love
General FictionEvery love has its own limitations. Iyon ang pilit na pinaniniwalaan ni Karleigh sa buong buhay niya bilang may asawa ngunit hanggang saan nga ba ang itatagal niya? Hanggang kailan niya kakayaning magtiis? Ano nga ba ang limitasyon ng tao sa pagmama...