Death

66 0 0
                                    

OMG!!! YES! eto na! Naupload na yung bagong MV!

Ilang beses ko munang tinitigan ang icon ng video saka huminga ng malalim.

You know it takes a lot of courage for fangirls to click the icon of the newest MV of our faves. Our life depends on it, nobody knows we might choke in the middle of shrieking.

But, kidding aside.

Alam niyo ba yung feeling na gusto mo pero ayaw mo din?! Pero gawwwd nakakalss talaga kasi yung mga bago nilang kanta huhu. Mah heart and mah souuul~

Bago pa ako maaning dito sa sobrang curiosity ay pinindot ko na yung play button at asjdfaddghfaaha! Ilang minuto lang matapos ko yong gawin ay umalingawngaw ang malalakas kong tili sa buong bus stop. Jusq tinakasan na ata ako ng katinuan ang sexy ni Jimin Aff. May paflip flip pa ng balikat tapos yung ibang members lahat pang bias wrecker. Shemay! Y so rude and illegal?!

At, oo nasa bus stop ako ngayon may free WiFi dito kaya bigla na lang tumunog yung notification ng youtube. Nakakaloka magpigil ng feels kaya sige gora na lang sa pag tili. Feeling ko nga mukha akong baliw dito. What is dignity??

After minutes of shookt moments, I decided to go home. Kailangan ko nang umuwi para maituloy ko ang pags-stream at panonood ng di nagmumukhang baliw sa kalye.

Tinignan ko yung traffic light at may limang segundo pa namang natitira para sa mga pedestrians. Ayoko namang maghintay pa uli ng matagal kaya kahit konti na lang ang oras ay tinakbo ko na.

"Ahhhhhh"

"Yung babae!!"

Sunod sunod na sigawan ang narinig ko. Lumingon ako at sumalubong sa mga mata ko ang isang nakakasilaw na ilaw at isang mahabang busina. Para akong napako sa aking kinatatayuan hanggang sa naramdaman ko ang malakas na pagbangga ng kotse sa akin at ang pagtilapon ko sa ere. I felt pain all over my body after hitting the ground. All I can see were foots rushing and running towards me. I hear muffled sounds, shouts and beeps from cars. Everything is blury and I felt so dizzy, the pain becoming more unbearable.

I blinked my eyes repeatedly, the last one i did was slow and when I opened my eyes again the pain was gone but, what I saw horrified me.

"Hala!!! Puta panaginip ba to?!!"
Sigaw ko.

Maraming tao ang nakapalibot sa katawan ko na nasa sahig. Nilapitan ko sila ngunit kahit isa sa kanila ay tila walang nakakapansin sa akin.

Jimingina hindi pwede to! Hindi pa ko pwedeng mamatay.
Marami pa kong hindi nagagawa magpapakasal pa kami ni Jimin.

Ilang sandali lang ay may dumating na ambulansya. Dali- dali nila akong isinakay sa stretcher saka isinakay sa ambulansya at pilit na inirerevive.

They worked hard for me, so this soul must work harder.

Dali dali akong umakyat dun sa stretcher at nahiga dun sa katawan ko.

Sana gumana tong naiisip ko. Hindi pa talaga ko ready'ng mamatay. Napanuod ko to dun sa movie eh. Sana umepekto. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid.

Sa muli kong pagdilat ay naging blurred ang paligid at nakita ko na nagkaroon na ulit ako ng heartbeat. Bumalik man ang sakit ng katawan, napangiti ako hanggang sa tuluyan na kong mawalan ng malay.

- - - - - - - -

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa isang madilim na lugar ako. Nakasuot na ako ng isang kulay puting bestida na may mahaba at maluwag na sleeves.
Hindi ko na rin maramdaman ang sakit na dulot ng pagkakabangga sakin.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may bigla akong may nakitang liwanag sa di kalayuan kasabay ng pag dapo ng isang napakagandang paruparo sa kamay ko.

Lumipad ito patungo sa liwanag na para bang sinasabing sumunod ako sa kanya. Pabilis ng pabilis ang paglipad nito papunta don at habang papalapit ako ng papalapit ay ang mas lalong lumalaki ang liwanag.

Nang makarating ako sa tapat nito ay biglang huminto ang paruparo sa paglayo sa akin at sa halip ay paikot ikot na lumipad sakin.

Muli siyang lumayo sakin at pumasok sa liwanag. Tinangka kong ipasok ang kamay ko rito para abutin siya ngunit tila ba may salaming naghihiwalay sa amin.
Wala akong ibang nagawa kundi tumayo na lamang doon at pagmasdan siyang lumipad sa harap ko.

- - - - - - -

Nagising ako sa ingay ng mga doctor at nurse sa paligid ko. Lalo na sa nakakatakot at matining na tunog ng makinang yon.

Sa pangalawang pagkakataon nakita ko na naman ang sarili ko.

Nakaratay sa kama, nag iisa at wala ng buhay.

Gaya nung ginawa ko nung una ay umakyat ulit ako sa higaan saka pumikit at nagconcentrate. Ilang beses ko itong paulit- ulit na ginawa ngunit, di tulad nung una, hindi na ko nagtagumpay.

"Doc!!!" Isang umiiyak at humahangos na babae ang nakita ko.

Si Lisa. Bestfriend ko.

"Doc!! Bat niyo naman tinatakpan yan ng ganyan" Napapaos niyang sabi sa doctor habang inaayos nito ang pagkakatakip ng kumot sa bangkay ko.

" Alam ko mukhang zombie yan pero buhay pa yan!" Pangungulit niya pa don sa doctor.

Grabe talaga to patay na nga ko't lahat nilalait pa din ako. Napangiti na lang ako ng mapait dahil alam ko sa sarili kong mamimiss ko tong bruhang to.

Malungkot siyang nginitian nung doctor at tinanggal yung kamay niya sa mga braso nito.
Natigilan naman siya at saka tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha niya.

Paalis na sana yung doctor ng pigilan niya nito.

"Doc naman oh! Kahit kamukha mo si Hong Ji Hong masasapak kita! Di magandang biro yan ah" Sabi niya pa sa pagitan ng mga hikbi niya.

"The injuries she got are fatal but I must say she has fought a hard battle. In fact, making it here in the hospital is already a miracle."malungkot na ngumiti ang doctor kaya umiiyak siyang dumiretso sa bangkay ko.

"Gaga ka talaga papahirapan mo na rin lang yung sarili mo di mo pa nilubos lubos. Sana lumaban ka na hanggang mabuhay ka!" Desperada niya pa ring tangis habang niyuyugyog ang katawan ko.

"I'm sorry we already did our best pero hindi na talaga kinaya ng katawan ng pasyente" huli pang sabi ng doctor bago siya umalis.

Hindi na siya naintindi pa ni Lisa dahil busy ito sa pagtulak sa mga nurse na maglilipat sana ng katawan ko sa morge.

"Walanghiya naman eh! Akala ko na mamamatay ka lang pag kasal na kayo ni Jimin?!"

"Bat mo ko iniwan? Sino na lang kasama kong magfangirl? Isa pa nga lang napupuntahan nating concert na magkasama tayo eh" dagdag niya pa.

Kasabay ng pagbanggit niya sa mga bagay na gusto ko pang gawin ay ang pag agos ng luha sa aking mga pisngi.

Para namang gusto ko ng mamatay.

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras kahit maghintay pa ako ng ilang oras bago tumawid okay lang kesa ganito.

- - - - - - -

Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos akong ilibing. Paikot ikot lang ako dun sa apartment ko at sa puntod ko.

Nagtataka nga ako kung bakit wala paring liwanag o grim reaper ang kumukuha sakin kagaya nung sa mga palabas. Siguro may unfinished business pa ko. Ganon naman yon eh diba?

Kanina ko pa nga iniisip yon kaso wala na kong ibang maisip kundi ang mapakasalan si Park Jimin.
Masaya naman kasi yung naging buhay ko eh. Siguro wala akong mga magulang o pamilyang maituturing pero kuntento ako sa lahat ng bagay na meron ako. Well, pwera sa isa yung love life, feeling ko kasi si Jimin talaga yung destiny ko.

Jimingina multo na nga ko't lahat ambisyosa pa rin ako.

Di ko na alam kung anong gagawin sa kaluluwa ko. Heol~

Love Afterlife | pjm [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon