Dapat naman talaga sa panaginip lang ako but then whenever he is around it feels like stupidity is eating me. Parang hindi na ako, ako. Everything I've plan didn't came out like I wanted it to be.
Gusto ko sanang maging isang panaginip lang ako para sa kanya pero dahil sa kawalan ko ng ingat I break the limit I created. I unconsciously crossed the boundary that is prohibited for me. Naging isa ako sa realidad niya simula pa lang nung una ko siyang kinausap ng personal.
Medyo assuming siguro ako kasi iniisip kong baka masaktan ko siya pag nawala na ako kung sakali pero di ba pwedeng sigurista lang? Multo na ako at kung magiging close man kami siguro naman magkakaroon ako ng space sa puso niya. Be it as a friend or a lover masasaktan siya at iyon yung ayaw kong mangyari.
Gusto kong makaalis pero ayaw ko namang makasakit.
Pero ano pa bang magagawa ako nandito na to boboness overload kasi humayghad.
Mataman niya akong tinignan ng diretso sa mga mata.
"So, ano bakit ngayon ka lang nagpakita?" simula niya.
"Akala ko ba sa panaginip ko? Alam mo bang nag-ala- Yoongi hyung na ko sa pagtulog kakahintay sayo?!" saad niya na medyo bakas lang inis.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago pa siya muling nagsalita.
"Akala mo siguro makakalimutan kita no?" Tanong niyang mahinahon na.
Alangan akong tumango sa kanya bilang sagot.
"Pano naman mangyayari yon eh palagi kang nakasunod sa amin may kasama ka pa nga eh" sabi niya.
"Isa pa sinabi mo saking ako ang pakay mo sa pagpunta mo rito?"
"Alam mo okay lang naman sa aking makipagkaibigan sa multo eh. Friendly ko kaya saka yung tungkol sa unfinished business mo dito sa dorm pwede naman kitang tulungan."
Ito na nga bang sinasabi ko eh.
"Jimin, let's not be friends." sagot ko.
Nagulat siya sa sinabi ko kaya napatahimik na lang siya.
"Ang kapal ko siguro pero kahit na ayaw kong maging kaibigan mo sana tulungan mo pa rin ako." dugtong ko pa.
Akala ko aangal siya pero sa pagkakataong ito ako naman ang nagulat sa isinagot sa akin ni Jimin.
"How?" diretso at walang kagatol gatol niyang sabi.
"If it's about your unfinished business I'm willing to help kagaya nga ng sinabi ko kanina kahit na ayaw mo pa akong maging kaibigan." saad niya na mahahalata ang lungkot sa mga huli niyang sinabi.
"Bakit?" mahina kong tanong.
Masyadong mabait si Jimin kahit na pangalan pa lang ang alam niya tungkol sakin handa niya pa rin akong tulungan.
"Hindi ko naman kailangan ng kapalit, makatulong lang ako masaya na ko." Sagot niya sakin.
"Saka nararamdaman kong fan ka namin nung nabubuhay ka pa, alam mo bang gustong gusto kong makakilala ng fan namin sa personal?" Saad niya ng bahagya nang nakangiti.
"Gusto kong malaman kung bakit namin sila fan. Kung naiinspire ba talaga sila sa mga kantang ginagawa namin kasi yun naman talaga yung pangarap ko eh. Ang makatulong at maka inspire ng mga tao sa paraang alam ko " Dugtong niya pa.
Tahimik lang akong nakamasid kay Jimin. Namamangha sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko alam pero parang mas lalo ko siyang nagugustuhan.
"Ano na yung unfinished business mo?" tanong niya ulit.
Ghaaaadd!! Pano ko ba sasagutin to?
"Marry me" nakayuko ngunit may diin kong sagot.
Nanatili kaming walang imik sa mga sumunod na segundo.
Halatang halata ang gulat sa mukha ni Jimin at hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin siya nakakabawi.
Aisshhh!! Ano ba yan! Nakakahiya.
Sa sobrang kahihiyan ay napasabunot na lang ako sa buhok ko at saka tumagos papunta sa ilalim ng kama niyang inuupuan ko.
"Z- zen . . ." nauutal utal na tawag niya.
Inangat ko ng konti ang ulo ko sa higaan para makita siya.
"Okay" maikli niyang sagot.
Para namang nablanko ang utak ko sa sinabi niya. Tama ba ako ng rinig? O baka naman nabibingi lang ako?
"Okay?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Pumapayag ka?" Di makapaniwala ko pang tanong.
"Oo" maikli ngunit desidido niyang sagot.
Jusko si Jimin hnnnnggggg!!!! Tangina!!! Pumayag!!!
Parang tanga akong umalis sa pwesto ko saka naglilipad paikot ng kwarto niya. Huminto ako sa tapat niya saka ngumiti ng malapad.
"Thank you thank you thank you!!!" Paulit ulit kong sabi habang nakayakap sa kanya.
Kahit siguro nahahawakan niya ako ngayon at nangangailangan yon ng maraming energy. Feeling ko hindi yon mauubos dahil sa sobrang saya ko.
Kung ikukumpara sa phone hindi lang ako 100% charged baka 500% pa.
Nag aalinlangan namang inilagay ni Jimin ang mga kamay niya sa balikat ko at saka ako inilayo sa kanya.
Nginitian niya ako bago muling nag salita.
"Pero gagawin ko yon sa isang kundisyon." Sabi niya sa akin.
" Kundisyon? Ano namang kundisyon? Okay lang sakin kahit ano basta makaalis na ko dito" sagot ko naman sa kanya.
"Kwentuhan mo ako ng mga bagay tungkol sayo saka ng mga reasons para tulungan kita. Ayoko namang magpakasal sa taong hindi ko kilala" sabi niya na parang isang boss.
Wow ha parang kelan lang hindi siya makatingin sakin ng hindi nanginginig.
"Okay" pagsang-ayon ko naman.
"Kung ganon maghanda ka ng maging Misis Park" matamis ang mga ngiting sabi niya sa akin.
Jusko Mochi wag kang ngumiti ng ganyan baka madouble dead ako. Sobra sobrang fan service na itooo.
BINABASA MO ANG
Love Afterlife | pjm [Slow Update]
Fanfiction[Jimin FF] An ordinary ghost got stuck on this world just because of her one and only dream, to be Park Jimin's wife. Can she accomplish her unfinished business? Or will be stuck on this world forever. (This story is not yet finished. I keep editin...