Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. Patay na ako pero di pa din ako makatawid dahil sobrang ambisyosa ko.
Nung buhay nga ko hirap na hirap akong lumapit kay Jimin. Ngayon pa kayang multo na ko?
Pero kung iisipin may perks din pala hindi na ako makikita ng mga guards or staffs kung lalapit man ako sa kanila.
Natigilan naman ako sa naisip kong iyon. Oo nga multo na ko. Sa mga napapanuod kong drama kayang makapagteleport ng mga multo.
Pumikit ako at umisip ng isang lugar na pwedeng puntahan.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong lumakas ang hangin at parang umaandar ang paligid ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko.
Voila olah Dora! Nasa star city na ko. Galing!
Humayghad, aym so magaling!
Hindi ko mapigilang maging masaya at magtatatalon na parang bata dahil sa accomplishment na nagawa ko.
Ilang minuto pa akong nagtatatalon at tumakbo paikot ikot para masiguro kong nandito nga ako at hindi ako niloloko ng aking mga mata.
Pagkatapos kong mamangha sa ginawa ko ay muli akong pumikit at sunod ko namang inisip ang Namsan tower. Kagaya kanina lumakas ang hangin at umandar ang paligid.
Yaaass! Sa wakas The land of my dreams, the land of oppas. Here I come~
Dahan dahan at excited kong minulat ang mga mata ko para lang makita ang napakalaking poster ng Namsan tower sa Korean cultural center.
Pusang gala. Panglocal destination lang ata ang powers ko.
--------
Ilang buwan na ang lumipas mula nung matutunan ko yung tungkol sa teleportation powers ko. Palayo na rin ng palayo ang nakakaya kong puntahan.Sa totoo lang sobrang hirap niya at nakakadrain ng energy. Hindi ko nga inakala na napapagod din pala ang mga multo, nakakaramdam ng gutom at inaantok. Kung tutuusin parang walang nagbago bukod sa nakakapagteleport ako at walang nakakakita sakin.
Last last day tinry kong magteleport mula Tawi- tawi hanggang Batanes.
Okay naman. Dalawang araw akong tulog actually kakagising ko lang ngayon.
Marami na din akong friends na multo. Yung iba nga sa kanila nakatawid na. Ako ito naiwan padin taas kasing mangarap eh.
Marami na rin akong natuklasan. Gaya ng kaya naming humawak ng mga gamit kung kinakailangan, makapag aparisyon, paano gumawa ng nakakatakot na aura at higit sa lahat ang silver code na kinatatakutan ng mga tao.
Iyon yung mga pagkakataong nakakakita ng multo yung mga tao dahil sa takot.
By the way, napagdesisyunan kong mag-ikot-ikot muna ngayon at mamayang hapon pag nabawi ko na lahat ng lakas ko ay saka na lang ako magteteleport papuntang Korea.
Gawd. Di ko alam na ganito pala talaga kahirap at sobrang nakakapagod pumunta don.
-------Hapon na at ngayon na ang oras para magpunta sa bansang pinapangarap ko lang mapuntanhan noon.
Sa bansa ng mga oppang nagliliyab sa kasexyhan. Yieee kinikilig ako.
Okay tama na harot.
Tumalon talon muna ako at nagstretching para sa gagawin ko. Pinikit ko ang mga mata ko at umisip ng lugar na pwedeng puntahan sa Korea.
Muling humangin at umandar ang paligid. Mas matagal ito kumpara sa mga nauna kong pinuntahan. Nang maramdaman kong huminto na ang paligid ay nanatili akong nakapikit sana hindi na poster o tarpaulin ang nasa harap ko.
Unti-unti at marahan kong idinilat ang mga mata ko.
"Hummmaaayyyyggghhhaaadd! I succeed. Yehet Ohorat"
Nagtatalon ako sa sobrang tuwa tutal wala namang makakakita sakin.
Napagawi ang tingin ko sa isang bus na dumaan. May mukha yon ni Yoongi at may happy birthday greetings.
Birthday na pala namin.
Parehas kasi kami ng birthday ni Yoongi kaso mas bata ako sa kanya ng 6 years.Kaya nga support na support ko ang Yoonmin nung buhay pa ko.
Syempre kasi di ba kung parehas kami ng birthday baka may mga pagkakaparehas kami. Tapos kung may similarities kami at nagclick sila ni Jimin. Malay mo kami rin diba?
Syempre pa dahil birthday ko ngayon saka ko na iisipin ang pagtawid sa kabilang buhay.
Nababaliw na nga siguro ako kung icecelebrate ko pa din to kahit patay na talaga ko pero paki nyo trip ko to eh.
Nag isip na ako ng pupuntahan at habang nag iisip ako ay biglang nagbago ang suot ko.
Isang oversized T-shirt na kulay itim at maong na shorts na tinernuhan ng itim na sneakers but wait there's more may bonus pang imitation ng peaceminusone na cap.
Siguro bigay ni Lisa to. Napanood kasi namin yon sa isang kdrama. Nanapapalitan yung damit ng nga kaluluwa pag sinunugan mo sila ng damit.
Palagi niya rin akong nireregaluhan ng damit pagbirthday ko kaya sigurado akong siya ang may gawa nito.
Masayang masaya akong pumikit at pumunta sa susunod na destinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Love Afterlife | pjm [Slow Update]
Fiksi Penggemar[Jimin FF] An ordinary ghost got stuck on this world just because of her one and only dream, to be Park Jimin's wife. Can she accomplish her unfinished business? Or will be stuck on this world forever. (This story is not yet finished. I keep editin...