Dorm

45 0 0
                                    

Dumiretso ako sa Octagon nung birthday ko. Isa yung sikat na club sa Korea.

Nakita ko nga dun kagabi si Seungri kaso umuwi din agad. Siguro akala niya may sakit siya kasi nilalamig siya. Hindi ko kasi siya nilubayan eh.

Ang pogi niya pala lalo na sa personal. Kaya lang parang totoo talaga yung balibalita na playboy siya. Kawawang maknae di nakascore kagabi.

Papunta na ko ngayon sa Dorm ng Bangtan. Kailangan ko na kasing masimulan yung mga plano ko.

Pumikit na ko at pinakiramdaman ang paligid. Sa muling pagdilat ko ay nasa dorm na ko ng Bangtan!

Excited na excited akong nagtatatakbo at nagtatatalon sa loob nito hanggang sa mapunta ako sa tapat ng isang pinto.

Ayon sa mga nakikita ko sa pictures kwarto ata to ni Jhope. Dahil sa curiosity ay pinakialaman ko ang mga gamit niya. Malay mo may makita akong interesting o kaya makita ko kung itinatago ba nila yung mga regalo ng mga fansite noona.

Sorry na curious lang. Nagbukas ako ng nagbukas ng mga drawer hanggang sa-

"Pwahahahahahahahahahaha kingina bakit ganto yung nga brief ni Hoseok?! hayop hahahaha"

Tanginerns rainbow pa more!

Hindi ako matigil sa kakatawa habang hawak ko pa din yung makulay na brief ni Hoseok.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Napalingon naman ako dun sa pinanggalingan ng sigaw hanggang sa makita ko si Jhope na gumagapang palabas ng kwarto.

Dismayado ko namang binitawan yung hawak ko at isinara yung drawer
"Nag eenjoy pa ko eh" sabi ko pa at ngumuso.

Mayamaya pa ay bumalik si Jhope kasama si Taehyung na natumitili pa habang kinakaladkad siya ni Hobi.

"Hyung! Ayoko hyung! Takot ako sa multoooo!" naghihisterikal na sigaw niya

Nang makita niya na normal naman ang itsura ng kwarto ay biglang naging poker face ang kaninang takot na takot niyang mukha.

"Wala naman hyung eh" sabi niya pa at normal na bumalik sa pinanggalingan niya na parang walang nangyari.
-------

Lumipas naman ng normal yung araw nakasunod lang ako sa kanila kung san sila pupunta.

Hindi na din ako gumawa ng mga bagay na ikakatakot nila. Mamaya magkasakit pa sa puso si Jhope konsensya ko pa.

Kanina nagfilm sila para don sa ask in a box. Syempre sumama ko, experience din yun. Ang hirap nga lang bumiyahe kasi sa bubong ako nakasakay. Ayoko kasi sa loob baka lamigin sila tapos magkasakit.

Kinagabihan pagod na pagod silang umuwi sa dorm dahil pagkatapos nilang magfilm ay dumiretso sila ng practice.

Knockout nga agad si Yoongi pag uwi. Si RM nagpapractice pa din sa harap ng salamin. Ngayon ko talaga nakita kung gaano siya kasipag at kung paano siya nag eeffort para sa mga ARMY. Sexy niya lalo pag seryoso amp muntik ko na ngang makalimutang si Jimin pakay ko dito.

Si Jin nakita ko pa kaninang nagbabounce bounce na sayaw papuntang kusina.

Cute nga eh susunod na sana ko nung maalalala ko kung sinong ipinunta ko dito.

Nakita ko si Jimin na nasa tapat ng salamin nagpapatuyo ng buhok. Mukhang kakatapos lang maligo.
Kahit anong gawin kong tingin sa kanya kinikilig pa din ako huehue. Wala siyang make up pero ang gwapo gwapo pa din niya at lalo yong nangibabaw dahil sa natural niyang mga pink na pisngi.

"Jimin, tangina di ako aso pero bakit naglalaway ata ako" tila nahihypnotize ko pang bulong.

Nagulat ako nung bigla niyang hubarin yung T-shirt niya at bumalandra sa harapan ko ang bato bato niyang abs.

Napatulala naman ako sa nakita ko. Huwaw! I didn't expect that I can see this live. Like this close, shining, shimmering, fresh from the bath.

"Jinnnn! Pengeng kanin!" sigaw ko pa saka nagtatakbo papuntang kusina.

Pagdating ko don ay nakita kong nagpapahinga na si Jin sa upuan. Ubos este simot na simot na din yung nga lalagyan kaya malungkot akong bumalik sa kwarto ni Jimin.

"Yari sakin yung mga Mario mo Jin" himutok ko pa.

Nang makarating ako sa kwarto ay nakakumot at mahimbing na siyang natutulog.

Lumapit naman ako at tinitigan yung mukha niya. Sobrang gwapo niya kahit nakapikit.
Ang cute cute, bagay na bagay pa sa kanya yung gray niyang buhok ngayon.

Hinawi ko yung bangs niya saka kinurot yung pisngi niya. Taba kasi eh kagigil.

Tinrace ko din ng mga daliri ko yung pink niyang mga labi.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nasa harap ko na ngayon si Jimin at nahahawakan ko ngayon yung mukha niya omfg!!!

Ayun nga lang hindi niya ako nakikita at nararamdaman. Siguro kung may heartbeat pa rin ako hanggang ngayon baka nagising na siya sa sobrang lakas.

Napangiti na lang ako saka hinalikan ang mga mata niya.

"Good night Jimin. Dream of me"

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang epekto ng ginawa ko.

Love Afterlife | pjm [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon