Nauna akong nakaalis dun sa panaginip ni Jimin. Di pa nga din siya gising hanggang ngayon eh.
"Hyyuuuunnnggg!! Gising na ano ba?" Pangungulit pa din ni Jungkook.
"Oo na nga eto na babangon na." Sabi pa ni Jimin bago tumayo.
Nag-inat siya at saka pinunasan yung tulo pa niyang laway kanina.
Para namang biglang nawala ang antok na kanina lang ay mababakas mo pa sa mukha niya at ngumiti siya ng nakakaloko.
"Jungkookieee~" pagtawag niya sa nakakabata.
Agad namang bumalik sa kwarto ni Jimin si Kookie na parang naiinis pa.
Nang makalapit na si Jungkook ay mabilis na tumayo si Jimin at saka ipinahid sa braso nito ang kamay na kanina ay pinamunas niya sa kanyang bibig.
Bago pa man makapagreact si Jungkook ay mabilis itong tumakbo papunta sa banyo saka ito isinara.
"Aiiisssshhh!!!!" Sigaw na lang ng nakababata sa sobrang inis.
Sumilip si V sa kwarto na nagtataka dahil sa pagsigaw ni Jungkook.
"Oh ano pang ginagawa mo dyan?" Tanong niya pa.
"Hyung kadiri talaga yang best friend mo!" Reklamo ni Jungkook bago ipinagpapahid kay V ang braso niya.
"Yuuuucccckkkk!!! Kookie ano ba yan ang lagkit!!" naiinis na tanong ni V.
"Tanong mo kay Jimin!" sigaw niya bago lumabas ng kwarto.
"Jimin ano ba to!" sigaw ni V habang ipipunas sa bedsheet yung pinahid sa kanya ni Jungkook.
"Laway ko" sagot niya na patawa tawa pa.
"Baboy!" Bwisit na sabi ni V bago lumabas rin ng kwarto.
Medyo nawala na ang pagkahilo ko dahil sa mga nakita ko. Grabe ang kukulit parang mga bata.
Lumabas na rin ako ng kwarto niya saka dumiretso sa kusina kung saan naroon na sila Jin, Moni, V , Hobi at Jungkook.
Nagluluto si Jin ng Bacon at hotdog. Habang sila V at Jungkook naman ay nagtotoast ng tinapay. Si Jhope naman ay busy sa paghahanda ng mga pinggan habang si Rapmon ay nakatulala sa kanilang lahat.
"Ang daya talaga Jin Hyung bakit siya walang gagawin?!" reklamo pa ni V.
"Ok na yan kesa masira pa yung mga gamit natin" sagot naman ni Jin na siyang nagpasimangot kay RM.
"Grabe ka sakin ha" himutok niya pa.
Saktong pagkatapos nilang magluto ay dumating na si Jimin.
"Nasaan na si Yoongi hyung?" tanong niya ng di niya ito makita pag pasok sa kusina.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang tingin naming dalawa.
Holy cow! Nakikita niya ba ako?
Kinusotkusot naman niya ang mga mata niya ng makita niya ako.
Kinuha ko yong pagkakataon para makapagtago. Tangina?!
Paano? Bakit niya ko nakikita?
Nakita ko pa siyang inilibot ang mga mata niya sa paligid bago maupo.
Namumutla pa ang kanyang mga labi ng makita ko.
"Jimin, anyare sayo? Okay ka lang ba?" Pang uusisa ni V.
"May n- ... nakita kasi ako." nauutal niya pang sagot.
Omg! Nakita niya nga ako pero paano eh hindi ko naman ako nag aparisyon at mas lalong hindi silver code ang aga aga pa eh.
"Jimin huwag mong sabihing multo?!" Naghihisterikal agad na sigaw ni Hobi.
"Ano ba ang aga aga eh tinatakot mo sarili mo" sabi naman ni Rapmon na natatawa tawa pa.
"Totoo nga kasi nakita kong lumulutang yung brief ko kahapon! May multo dito sa Dorm." Giit pa niya.
" Hoy! Hyung Anuna?!" sabi ni Jungkook kay Jimin na hanggang ngayon ay di pa rin ata nahihimasmasan.
Napalingon naman siya sa mga ito na bakas pa rin ang takot sa mata.
"May nakita akong babae" sabi niya sa mga ito.
Napatawa naman si V.
"Baka naman si Jin hyung lang yung nakita mo. Nice one pre tama na acting takot na si Hobi hyung oh" natatawa pang sabi ni V at pang aasar kay Jhope na ngayon ay nakayakap na sa braso ni Jin.
"Hindi ako nagbibiro V may nakita nga ako" nanginginig ang mga labi niyang sinabi bago tumumba.
Agad silang nagkagulo kay Jimin at napatakbo pa nga si Suga na kararating lang.
Shit?! Anuna? Bakit? Pano?
BINABASA MO ANG
Love Afterlife | pjm [Slow Update]
Fanfiction[Jimin FF] An ordinary ghost got stuck on this world just because of her one and only dream, to be Park Jimin's wife. Can she accomplish her unfinished business? Or will be stuck on this world forever. (This story is not yet finished. I keep editin...