"ANNOOOOOO?!?!" OA na sigaw ni Bobby nung sinabi kong personal kong kinausap si Jimin at hindi sa panaginip.
"Saka ano payag na rin siya don sa kasal-kasalan." Inaantok kong sabi sa kanya dahilan para mapaawang ang bibig niya sa gulat.
Ilang segundo lang siyang parang tangang naka nganga at hindi umiimik kaya napagpasyahan ko nang humiga at magpahinga.
Ngunit bago pa man mangyari ang pagpapahingang yon ay agad niya akong hinila patayo at niyugyog.
"Totoo?! Di nga? Pero paano?" Sunod sunod at 'di makapaniwala niyang tanong na para bang sinabi kong mas malaki ang earth sa araw.
Bigla siyang napahinto na parang may pumasok na ideya sa isip niya kasabay ng mas lalong panlalaki ang kanina niya pang nanlalaking mga mata.
"Kaya bang kumontrol ng isip ng mga multo?" Aligaga niya paring sabi.
"Dude unang una ang OA mo, pangalawa inaantok na ako at gusto ko ng matulog. Haler! Umaga na nga eh matulog na muna tayo." pagod na pagod kong sinabi sa kanya dahil di ko na talaga kayang pigilan ang pagbagsak ng mga talukap ko.
"Don't dude me! Pagkatapos kitang antayin 'di mo manlang ako kukwentuhan?" Dismayado niyang sabi ng mapagtanto niya sigurong wala talaga akong balak magkwento ngayon.
"Ang daya nito!" pahabol niya pang sabi bago ako tuluyang nakatulog.
- - - - - - -
"Zeeeeeeeeennnnn!!!!" sigaw ng kuneho sa tenga ko.
"Gising na!!!!! Magkukwento ka pa sakin!" Pambubulahaw niya pa.
"Okay, ano na lang, knock knock" sabi niya pa habang sinusundot sundot yung pisngi ko.
Bumalikwas ako ng tayo sa kama ko bago siya kutusan.
"Utang na loob Jiwon ha! Inaantok pa ko" sigaw ko pa sa kanya.
"Sige na nga" pagsuko niya.
Bumalik na ko sa pagkakahiga ko ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Pero pagtapos ng knock knock ko" sabi niya pa na ngiting ngiti dahil sa pagkaasar ko.
Kinginang kuneho 'to.
"O sige na sige na nang matapos na yang kakornihan mo. Who's there?"
"UST" sagot niya na para bang excited na excited siya sa sasabihin niya.
"UST call me to my cellphone. Late night when you need my love~" pakanta at patatawa tawa niya pang sagot.
Hayop! Sumakit ata ulo ko sa kakornihan niya. Nawala antok ko pisti!
"Hindi na nga lang ako matutulog peste ka. Ang aga-aga ginigigil mo ko." naiirita kong sabi sa kanya.
"Yehey! Magkukwento ka na?" sabi niya na para bang hindi natitinag kahit naman pinapahalata ko sa kanyang naiinis na ko.
Hayop na kuneho 'to parang kahapon lang aburidong aburido siya ayaw niya pa nga akong samahan tapos ngayon pakwento ng pakwento.
Para magtigil na siya kinwento ko na sa kanya lahat ng nangyari as in detailed na detailed para itahimik niya na yung bibig niya.
"Oh eh okay naman na pala eh, yun nga lang, hindi na siya yung una mong plinano." Sabi niya na parang wala lang.
"Yun na nga eh, Di ba alam mo naman kung bakit ipinipilt ko na sa panaginip na lang?" nag aalala kong sagot.
"Alam mo kasi ganito yan eh. Kunwari sumakay ka sa bangka na nagpapalutang lutang sa malakas na agos ng ilog. Akala mo masaya lang kasi smooth yung ilog eh yun pala may mga madadaanan kang mga bato bato. Ngayon kahit anong gawin mo kung nadaanan mo na yung mga bato at nayupi yupi na yung bangka mo hindi mo na yon maibabalik sa dati. Ang magagawa mo na lang ay sumabay sa agos at umasa na walang masamang epekto yung nangyari sa bangka mo. Sana hindi butas para hindi ka lumubog."
Mahabang paliwanag pa niya.
BINABASA MO ANG
Love Afterlife | pjm [Slow Update]
Fanfiction[Jimin FF] An ordinary ghost got stuck on this world just because of her one and only dream, to be Park Jimin's wife. Can she accomplish her unfinished business? Or will be stuck on this world forever. (This story is not yet finished. I keep editin...