Out of control

18 0 0
                                    

Isang linggo na simula nung magkausap kami ni Bobby ng matino at eksaktong 13 days na nung huli kong nakausap si Jimin.

Nagkaroon na sila ng mga photo shoots, shooting para sa trailer ng concert, fanmeets at marami pang iba sobrang busy nila kaya siguro naman hindi na ko natatandaan ni Jimin. Kaya nga pupuntahan ko na ulit siya eh.

"Bobby! Di ka ba talaga sasama?" Tanong ko.

"Hindi" diretso niyang sagot.

"Para ano, para makita kung pano ka magpacute kay Jimin? Ano suicide?"

"Hoy! Bobby kung may sasabihin ka laksan mo Hindi yung bumubulong bulong ka dyan." Inis kong sabi hindi ko kasi narinig yung huli niyang binanggit.

Tss pabulong bulong pa kasi hindi na lang umayaw kung ayaw.

"Tss, kala ko ba tutulungan mo ko?" sabi ko pa.

"Oo nga sabi ko tutulungan! Hindi sasamahan." Sagot niya naman.

"Ichi-cheer na lang kita. Moral support lang kaya ko dude! Saka kaya mo na yan."

"Sige na bahala ka. Alis na ko" sabi ko na lang sa kanya.

-------

Tahimik na pagdating ko sa dorm ng Bangtan. Tulog na ata silang lahat. Dirediretso akong pumunta sa kwarto ni Jimin.

Sobrang dilim sa loob ni wala man lang nakabukas na ilaw o lamp.

Biglang may umilaw na isang maliit na bagay cellphone ata.

Mga ilang segundo pa narinig kong magsalita si Jimin.

"Pano nyo nalamang ako to?" Tila takang taka niyang tanong.

Luh! Sinong kausap nito.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at sinilip kung anong ginagawa niya.

Nagvi-Vlive pala siya pero ano kayang trip nito bakit patay ilaw?

Haluh?? Omayghad baka mags-strip to!

Joke! Manyak ko naman.

"Pangalan ko pala yung nasa title, di ko napansin" sabi niya ng patawa tawa pa.

"Everyone"

"Nandito ako ngayon"

"sa isang abandonadong bahay"

"para subukin ang tapang ko." Paputol-putol at medyo husky niyang bulong.

"Ayy wow! Koya talaga ba?" pabulong kong comment sa kanya.

"Gusto niyo ba akong samahan?" Sabi niya na naman sa camera.

"Parang may nakita akong multo" ang chaka pala kapag nanonood ka ng nag-v- vlive sa personal mukhang ewan kasi wala namang nasagot sayo.

"Nasa likod mo kaya ako pano mo ko nakita? Duh~" pabulong ko na namang comment. Hindi na naman siguro ako naririnig o nakikita nito.

Kinuha niya yung isa niya pang cellphone saka itinapat yung flashlight sa mukha niya at ngumiti ng maigi sa camera.

"Bubuksan ko ba yung ilaw o wag na?" Paulit-ulit niyang tanong.

" Ang putla kong tignan pag ganto, mukha ba kong bampira?"

Naupo ako sa kama sa likod niya at nanonood na lang ako sa mga pinaggagagawa niya sa harap ng camera.

"Ganito na lang kaya? Pakinggan niyo na lang yung boses ko parang sa radio" daldal niya pa.

Matapos ang ilang pagpapaligoy-ligoy ay binuksan na rin niya ang ilaw.

Ilang sandali pa ay umalis ulit siya sa harapan nito at saka pumunta sa pwestong hindi hagip ng camera.

Ang mga sumunod niyang ginawa ang nagpataranta sa akin. Diretso siyang tumingin sa mga mata ko saka ako sinimangutan. Hinubad niya ang suot niyang sweater at mabilis na bumalik sa harap ng camera.

Teka ibig sabihin ba nito hindi niya pa din ako nakakalimutan? Nakikita niya pa rin ako?

Pano na? Itutuloy ko pa din ba yung plano ko kahit na may posibilidad na masaktan siya pag nawala na ko o tanungin ko na lang agad siyang magpakasal kuno sakin?

Kahit hindi naman siguro legit basta iconsider niya lang akong asawa niya? Kahit walang feelings?

Hnnnggg!!! Dapat talaga gumawa ko ng plan B eh! Pero hayaan mo na. Nandito na ito bahala na si Batman.

Napakacareless ko talaga! Nakakainis! Nagawa ko pang bumulong bulong kanina sa likod niya ni hindi ko naisip na pwedeng nakikita o naririnig niya pa rin ako.

Naputol ang pag iisip ko at bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"Pwede naman akong makipagkaibigan sa multo nalulungkot ata siya eh." sabi niya saka tumawa sa harap ng camera.

Ilang minuto rin siyang dumaldal at nagmadaling tapusin ang plano niya sana para sa live na ito. Samantalang ako ay tahimik na nagmamasid sa kanya.

Kinulayan niya yung coloring book na dala niya. Natatawa nga ako dahil sa pagmamadaling ginawa niya eh letter a lang yung nakulayan niya dun sa drawing niyang Army.

Mula sa mga naisip ko kanina parang mas maganda yung pangalawa na yayain na lang siyang magpakasal tutal yun lang naman talaga ang pakay ko sa kanya eh. Wala pang hassle. Papayag naman siguro siya pag nalaman niya yung reason ko.

Siguro naman pwede ko na siyang kausapin. Hindi na ko magpipigil. Hayaan na andyan na eh. Gagana naman siguro.

Sana.

Nakita kong tatapusin niya na sana yung live. Kung ordinaryong fan pa rin ako siguro sobrang iksi pa lang para sakin nung ginawa niya.

"Jimin! Nakalimutan mo pang tignan yung mga gawa nila, yung hashtag chuchu mo pang sinabi kanina, saka magkulay ka pa ng isa." suggest ko para tumagal pa siya sa ginagawa niya.

Kawawa naman kasi yung mga fan. Kasalanan ko kung bakit mapapaikli yung live na dapat mapapanood nila diba?

At isa pa medyo kinakabahan din ako sa ginagawa ko baka nagiging impulsive na naman ako sa mga desisyon ko.

Sana tagalan niya pa kasi kinakabahan talaga ko. Yari ako nito kay Bobby pag nalaman niyang hindi ko sa panaginip kinausap tong si Jimin.

Pero syempre dahil isa akong malas na kaluluwa bigo ako. Isang maliit na heart lang yung pangalawa niyang kinulayan.

Maya-maya pa ay nagbigay na siya ng farewell speech niya sa mga ARMYs.

Ito na pakshet pinatay niya na yung camera bruh anuna?!

Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga nangyayari. Kung buhay pa ako siguro ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at namamawis na ang mga palad ko.

Dahan dahan niyang iniikot yung upuan niya na siyang lalong nagpatense sa akin.

Mataman niya akong tinignan ng diretso sa mga mata.

"So, ano bakit ngayon ka lang nagpakita?" simula niya.

"Akala ko ba sa panaginip ko? Alam mo bang nag-ala- Yoongi hyung na ko sa pagtulog kakahintay sayo?!" Dugtong niya pa saka ako sinimangutan.

Kikiligin ba ako kasi hintay niya pala ako o kakabahan sa mga susunod na mangyayari.

Fuck it! Everything is beyond my control now.

-------
Belated Merry Christmas and advance happy new year.
Mag-a-update sana ako nung pasko kaso wala talaga akong maisip. Ayun yung mga nagbabasa nito sana magcomment kayo, wala lang suggestions ganern.

Love Afterlife | pjm [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon