Dream

28 0 0
                                    

Nasa panaginip ako ni Jimin ngayon.

Sabi kasi nung mga friends kong multo dati kung ayaw ko daw masyadong magambala o matatakutin yung pagpaparamdaman ko sa panaginip na lang ako magpakita.

Hindi nga lang nila namention sa akin na nakakahilo pa lang pumunta don. Para kong hinigop ng black hole.

Kanina pa rin ako dito. Nakaupo lang ako sa gitna ng kawalan na pinapalibutan ng kung ano anong abstract shapes.

Hindi pa ata ganon kalalim yung tulog ni Jimin kaya kung ano ano pa lang yung nakikita ko.

Sinubukan ko ring kontrolin yung paligid kaso hindi ko pa kaya.

Pumikit uli ako at inimagine yung lugar na gusto ko.
Imbes na yung buong lugar ang lumabas. Isang aso ang tumambad sakin pagdilat ko.

"Hi Miri!" bati ko sa aso at agad siyang sinalubong.

Kasama ni Miri ay para ring nabubuo na yung lugar na gusto ko. Para siyang oil panting na unti unting lumilinaw.

Nagpalit din muna ako ng damit bago ko hanapin kung nasaan si Jimin.

Isa rin kasi to sa nga bagay na pwede kong galawin dito. Ang bukod tanging hindi ko lang kayang kontrolin ay ang emosyon at ang mga gagawin ni Jimin.

Hindi ko rin masisiguro kung maaalala niya to pag gising niya.

Mabuti na sigurong dito na lang ako at kalimutan niya sa paggising niya.

Iyon nga yung dahilan kung bakit dito na lang ako magpapakita kasi delikado pag sa totoong mundo baka mapagkamalan pa siyang baliw.

Bukod pa ron kung magtatagumpay ako ayaw ko namang iwan si Jimin ng mabigat na alaala sa pag alis ko.

Habang naglalakad lakad ako, nakita ko si Jimin na nakaupo sa may merry go round habang nag-sasoundtrip.

Dahan dahan naman akong lumapit habang bitbit ko si Miri at yung apat na version ng Wings album.

Pagkalapit ko ay mahina kong inuga yung inuupuan niya.

Napalingon naman siya kaya awkward akong kumaway saka ngumiti ng malapad.

"Hello!" bati ko pa.

Ngumiti naman siya nung nakita niya yung mga dala ko saka niya tinapik yung space sa may tabi niya.

Nung nakalapit na ko sa kanya ay kinuha niya sa akin yung dala kong aso.

Umupo agad ako sa tabi niya habang tinatanggal niya naman yung mga earphone sa tenga niya.

Nakangiti niyang nilaro laro si Miri saka lumingon sa akin.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sakin.

Gawwd! Bat ganto to ngumiti natetense ako.

"Z-zenobia, Zen na lang for short" nauutal kong sabi habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Ahh, Hello Zen!" Sabi niya habang nawawala na naman yung mga mata niya.

"Anong pangalan ng aso mo? Ang cute cute naman niya." Nakangiti niya pa ring tanong habang nakikipag high five kay Miri.

"Miri" tipid kong sagot habang nakangiting pinagmamasdan siya sa pakikipaglaro kay Miri.

Inilahad niya naman yung kamay niya sa harap ko na siya namang ipinagtaka ko.

Kinuha ko yon at nakipagshake hands sa kanya.

Bigla siyang tumawa pagkatapos ay binitiwan niya ang mga kamay ko saka kinuha yung mga album na nasa kabila ko pang mga kamay.

Napatulala naman ako sa sobrang kahihiyan. Pucha epic!

Pero in fairness ah mas malaki yung kamay ni Jimin sa kamay ko kahit na ang cute cute noong tignan pag nasa screen lang.

Kumuha siya ng pentel sa may gilid niya saka isa-isang pinirmahan yung mga album na dala ko.

"S-sorry akala ko kasi gusto mong makipagshake hands. Hindi rin ako nananching ha! A-"

"Your cute" putol niya sa sasabihin ko saka iniabot sakin yung mga album na kakatapos niya lang pirmahan.

"Don't me ahh baka maniwala ako" sabi ko with matching pahampas hampas pa sa hangin.

Kailangan kong magpacute lalo. Lol. Wala ng hiya hiya pero seryoso feeling ko nagbablush ako.

"I'm not even kidding" he said while chuckling.

Jusko! Pigilan niyo ko marerape ko to!

Pero syempre kahit na naghuhurumentado na ang sistema ko kailangan ko pa ring kumalma. Ayoko namang magmukhang sasaeng no that's a no no kailangan kong magpaimpress.

"Hyung! Hyuuuunnnggg!!" sigaw ng boses ni Jungkook.

Umaga na agad?!?! Nag eenjoy pa ko eh atsaka parang kararating ko lang dito.

Bakit Jungkook?! Bakiiiiiiitttt?

Tumayo si Jimin sa tabi ko at binitbit yung mga gamit niya. Kasaby non ay ang pagbagsak ng mga balikat ko.

"Alis na ko." sabi niya sabay saludo bago tumakbo palayo.

Kumaway ako sa kanya at habang lumalayo siya ay lumabo yung paligid niya kasabay ng muling pag ikot ng paligid ko.

Love Afterlife | pjm [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon