Before I fall

190 8 0
                                    

Ano kayang pakiramdam nang lumilipad?

Nang pagbagsak ng katawan mo mula sa pinakatuktok hanggang sa baba?

Masarap ba? Malaya ba?

Gaano katagal ba akong nasa ere bago ako bumagsak at maggutay-gutay ang katawan ko sa sobrang taas ng pinanggalingan ko?

Gaano kalayo ang maaabot ng ilang parte ng katawan kong tatalsik dahil sa lakas ng pwersa ng pagbagsak ko?

Gaano kalaki ang masasakop ng dugo kong bigla na lang kakalat pagkabagsak ko?

Ilang tao ang dadagsa at makikichismis dahil sa isang babaeng makikita nilang nakahandusay sa lupa na halos wala ng pagkakakilanlan.

Ilang tao ang mape-perwisyo sa gagawin kong eskandalo? Ilang media ang magkakagulo para lang ibalita ang pagkamatay ko?

Ano ba 'yan? Tatalon at mamamatay na nga lang ako iisipin ko pa rin ang sasabihin ng iba sa akin at ang maaaring mangyari sa mga tao sa paligid ko?

Bakit lagi akong may pakialam sa maaaring mangyari sa iba? Bakit sila wala silang pakialam sa akin?

Unti-unti akong naglakad papunta sa pinakadulo ng rooftop ng condominuim na ito. Palubog na ang araw at magdidilim na, malakas at masarap ang simoy. Ganito ang mararamdaman mo kapag Disyembre na o kaya kapag dama mo na may pwersang nagtutulak sa'yo para gawin ang bagay naikatatapos ng buhay mo.

Tumingin ako sa aking paligid, walang tao. Medyo tahimik pero makikinig mo ang tunog ng mga sasakyang nagmamadaling umuwi dahil takot maipit sa trapiko. Tumungo ako ng kaunti at nakikita ko ang mga ilaw na nagniningning. Napakanda ng siyudad ng Maynila kapag gabi. Napakapayapang tingnan dahil sa mga naggagandahang ilaw na iyong makikita. May pula, may dilaw, may puti, may berde at asul. Tumingala ako at nakita ko ang mga grupo ng ibon na lumilipad—maaaring papunta na ito sa kanilang tirahan. Ang kalangitan ay unti-unting nagiging kulay itim. At may pailan-ilan na ring bituin ang nagpapakita sa akin.

Pag sapit lang ng dilim naganda ang siyudad na ito pero kapag umaga hindi mo lubos akalain na ganoon na lamang ang hitsura nito. Napakagaling magpanggap at magtago sa dilim ng siyudad na ito.

Napaisip ako na ang bawat lugar ay parang tao. May sari-sariling kapintasan, akala ng lahat na maganda ito. Pero kung lubos iisipin ito ay naghahangad lang din nag pag-aalaga at pagmamahal at nang pag-iingat.

Ito na. Limang hakbang bago ako lumipad; bago ako maging malaya; bago ako magpahinga. Sana wala ng buhay matapos nito. Dahil isang beses ko lang gustong gawin 'to at maranasan.

"Salamat sa mundong ito na laging nasa tabi ko, na nakakaintidi sa akin. Alam kong hindi ka nag-iisa at alam kong napapagod ka na rin. Salamat sa lahat ng sakit na pinaranas mo sa akin. Pero ang totoo ay wala kang kinalaman, dahil ang mga tao sa mundong 'to ang may kasalanan o kaya ay ako rin. Paalam na." Bulong ko sa sarili ko at sa hangin kasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Ito na ang huling iyak ko. Sawa na ako kakaiyak.

Humakbang na ako.
.
.
.
.
.

Isa. "Wala nang bawian."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Dalawa. "Konti na lang matatapos na."
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.

Tatlo. "Nakikita ko na."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Tatlo't kalahati. "May darating ba para sagipin ako?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Apat. "May naghahanap man lang ba sa akin?"
.
.
.
.
.
.
.

At isang malakas na pwersa ng hangin ang aking naramdaman.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lima ----

Free FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon