I checked my phone and it's already 7:08 am nagising ako sa hilik ni Mika, himala wala na si Kim sa kama. Makabangon na nga at makapag-ayos na. Mamaya ko na gigisingin si Mika, pagod 'to sa pagmamaneho eh.
I immediately go to the CR so I can wash my face and brush my teeth, mamaya na lang siguro ako liligo ang lamig kasi umaga pa lang.
Pagkatapos ko maghilamos at magtoothbrush ay nagpalit na ako ng damit at inayos na ang pinaghigaan ko, nilingon ko yung kama ni Kim at ayos na rin, may himala talaga ngayong araw na 'to, nasaan naman kaya yun?
Bago ako lumabas ng kwarto ay nagtingin muna ako sa bintana, ang ganda ng sikat ng araw. Mukhang magiging maganda ang araw na'to at nilingon ko si Mika na sarap na sarap talaga sa pagtulog, "Dyan ka na lang muna, Daks. Alam ko namang pagod ka sa pagmamaneho kagabi at mahaba pa ang araw natin ngayon mamaya na lang kita gigisingin" parang tanga kong kinakausap si Mika
Lumabas na ako sa kwarto.
Dumiretso ako sa sala pero wala si Kim. Pumunta akong kusina, wala rin. Lumabas ako sa bahay wala rin. Inikot ko ang bahay at ayun nakita ko sila nina Tito, Tita Janet at Kim nasa likod sila nakaupo at nag-uusap.
"Good morning" bati ko sa kanila at napalingon naman sila
"Good morning, Ara" bati ni Tito at Tita
"Magandang umaga, Victonara" bati naman ni Kim
Naglakad ako papalapit sa kanila
"Himala. Ang aga mo yata magising, Kim" saad ko
"Ganun talaga. Si Mika asan?" tanong nya
"Ayun, tulog mantika pa. Pinabayaan ko na muna at pagod yun kagabi" sagot ko
"Gutom na ba kayo?" tanong ni Tita Janet
"Hindi pa naman po masyado, Tita" sagot ko
"Medyo po. Hehehe" sagot ni Kim
"Osya, magluluto na muna kami ng Tito nyo" saad ni Tita
"Sige po" sagot namin ni Kim
"Ipapatikim ko sa inyo ang luto ko" pagbida ni Tito\
"Sige po" sabay naming sabi ni Kim
"S'ya, maiwan na muna namin kayo d'yan" saad nila
"Sige po, Tita. Magiikot-ikot po muna kami rito" sagot ko
Pumasok na sa loob sina Tito at Tita.
"Tara, Kim!"
"Saan?" tanong nya
"Dito lang tayo, maglilibot ang tagal ko ng hindi nakikita 'to e" sabi ko
"Eh, paano si Mika?" tanong nya
"Mamaya na yun pagbalik natin. Mahimbing pa ang tulog" sagot ko
"Oh sya, tara!" sagot ni Kim
----
Inikot namin ni Kim ang bakuran ng rest house na 'to.
Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ang bakuran na 'to, kasi last time na pumunta kami rito ng family ko di kami masyadong nakapag-ikot. Isang gabi at isang araw lang kasi kami rito dati.
"Ara, anong plano?" tanong ni Kim
"Kahit saan na tayo pumunta, okay lang pero may listahan ako ng mga pwede nating puntahan" sagot ko
"Sige. Pupuntahan natin 'yan para sa ikakasaya ng ekonomiya mo" saad ni Kim
"Sira ka talaga" matipid kong sagot
BINABASA MO ANG
Free Falling
FanfictionIt's hard to understand because it's all just happening in my head. Mahirap daw umintindi, pero mas mahirap manghula.