Eleven na ako ng makarating sa Pampanga, traffic kasi hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na binalak na isurprise sila kasi gabing gabi na, baka ako pa ma-surprise pagbiglang may humigit sa akin dito at patayin ako. Lol. Mabuti na yung nag-iingat, noh.
Pagkarating namin ni Papa sa bahay, patay na ang ilaw. Tulog na siguro si Mama kaya nag good night na lang ako kay Papa kasi pagod narin naman ako, ang bigat na ng mga mata ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
9am
I woke up because my phone is ringing, again.Jusko! May trabaho na po ako hindi na ako tatanggap pa ng ibang offer, kaya pinatay ko ito. Hindi ko na tingnan kung sino yun at bumalik sa pagtulog
9:30am
Wala na yung antok ko, nakakaasar! Napilitan na akong bumangon at kinuha ang phone ko.Pagkatingin ko ang may five messages from unregistered number, kaloka! Mamaya ko na babasahin, kailangan kong ibalita kayna Mama at Papa ang blessings.
"Ma! Pa! Good morning!" Masaya kong bati sa kanila, tapos na si Papa kumain ganun din si Mama pero parehas lang naman silang nakaupo e
"Ganda ng gising mo anak ah" saad ni Mama
"Kanina pa natunog yang cellphone mo Ara, susko!" Saad ni Papa
"Oh baka trabaho yun. Bakit di mo sinagot?" Worried na tanong ni Mama
"Nako! No need na, Ma. Kasi...MAY TRABAHO NA AKO!!!!" I said happily
Kaagad lumapit sa akin si Papa at niyakap ako, "Wow naman anak, congrats! Proud ako sa'yo" saad ni Papa pagkatapos at kumawala na sa pagkakayakap.
Napatingin ako kay Mama at parang nakatulala lang sa kinauupuan nya, "Ma? Okay ka lang po?"
Biglang may tumulong luha, "Oh! Ma! Bakit ka naiyak?" Medyo natatawa kong tanong pero worried. Yumakap sya sa akin, "Ang laki mo na talaga anak. Dati lang hinahatid pa kita sa school tapos kapag mawawala ako ng saglit iiyak ka kaya hinahanap agad ako ng teacher mo"
"Tss. Ma? That's so long time ago" I replied habang magkayakap pa rin kami
"Kahit na. Pwede ka nang bumuo ng sarili mong pamilya anytime e" paghagulgol nya
Napabitaw naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Luh? Si Mama talaga, wala ngang manliligaw, pamilya agad? Okay ka lang? Tsaka di pa ready si Papa oh" sabay tingin ko kay Papa
"Aba't hindi pa talaga. Pwede ka magpaligaw kapag trenta anyos ka na" saad nya
"Kitams? Sabi sa'yo Ma e" natatawa kong sabi
"Hoy, Papa! Anong trenta anyos? Bulag ka ba and ganda ng anak natin tapos matalino at masipag tapos tatandang dalaga? Hello? Okay ka lang? Saad nya
"Ah! Basta! Princess ko kaya yan" laban ni Papa
HAHAHAHAHAHAHA natawa naman ako sa Mama at Papa ko parang bagets mag-away. Pinanlisikan pa ni Mama si Papa saying na, mag-uusap-tayo-mamaya-lagot-ka-sa-akin-look
"Hala sige kumain ka muna at kkwentuhan mo ako" saad ni Mama Maya nagpunta na ako sa lamesa
"Saan ka naman magtatrabaho?" She asked
Pangalwang subo ko pa lang nang fried rice at hotdog bang tanungin nya ako
"Amies sibiyen"
"Ano?!" She asked
Nilunok ko na yung nginunguya ko para maka-imik ng ayos
"ABS-CBN po" I answered
"ANO?!"
BINABASA MO ANG
Free Falling
FanfictionIt's hard to understand because it's all just happening in my head. Mahirap daw umintindi, pero mas mahirap manghula.