10 PM
Nakarating na kami rito sa rest house ng pamilya ni Papa, medyo makapal na ang fog dito kasi gabi na. Nakaktuwang makita ko 'tong rest house na 'to. Walang pinagbago ang bahay.
Nagbukas ang pinto ng bahay ay lumabas si Tita Janet
"Tita Janet!" galak kong pagbati sa kanya at nagbaba ako sa sasakyan at naglakad ako para salubungin s'ya. Nakakuha naman ako ng isang mahigpit na yakap mula sa kanya.
"Ara, kumusta ang byahe? Kanina ko pa kayong alas nuweba inaantay" bungad nyang tanong sa akin
"Oks, lang naman ang byahe, Tita di masyadong traffic kasi gabi na. Kaya po kami natagalan kasi nagdrive thru po kami, tapos ayun, pinagsaktan ng tyan yung kaibigan ko. Tinawag ng kalikasan" medyo natawa sya sa sinabi ko
"Oh, ilan kayo pakilala mo naman mga kasama mo" saad nya
"Ay saglit lang po, Tita. Ibaba lang po namin yung gamit namin" sagot ko
Inayos muna ni Mika ang pagkakaparada ng kanyang sasakyan at ayun si Kim tulog mantika, parang hindi pinagsaktan ng tiyan...ay mukha palang pinagsaktan ayan nga at knock out eh.
Matapos magparada ni Kim ay ginising ko na si Kim.
.
.
"Kimmy, andito na po tayo" walang response ang hirap gisingin! Kaloka!
"Kim, gising na", "Kim, bahala ka baka manigas ka sa lamig dito" wala paring kibo, matinde!
Lumapit ako sa kanya at inilapit ko ang bibig ko sa mukha nya "Kim, gising na" hiningahan ko sya sa mukha at...
"Langya naman Ara, baka lalong hindi yan magising baka mabuhat pa natin yan. Ayusin mo naman" sabi ni Mika
"KIM! Gising na!" Kinurot ko ang ilong nya
"Ara-ara-araaay!" sagot nito
"Ayun sa wakas. Mahal na prinsesa, andito na po tayo. Maaari mo nang ibaba ang gamit mo" saad ko sa kanya
Kumilos na sya at mukha syang naglalakad habang natutulog, HAHAHHAHAHAHAHAHHAHA
"Wow Kim, parang mas pagod ka pa sa nagdrive ha" sarkastikong imik ni Mika
Syanga naman may point si Mikang HAHAHAHHAHAHHAA lakas tama talaga nitong si Kim. Kaya sinama ko rin 'to e para may clown kami, para laging masaya, may mauutusan at mapaglalaruan. Char! Joke lang di ko kayang paglaruan si Kim, di nya deserve ang mapaglaruan.
"Bilisan nyo na dyang dalawa" saad ko kay Mika at Kim
"Tita, andyan na sila" sabi ko kay Tita Janet
"Tita Janet, meet Mika. Mika meet Tita Janet" saad ko
"Nice meeting you, Mika" at nakipagbeso si Tita kay Mika at ganun rin naman ang ginawa ni Mika kay Tita
"Good evening po, Tita Janet" nakangiting bati ni Mika
"Oh, nasaan yung isa?" tanong ni Tita
Oo nga ano, ang tagal ni Kim baka nadapa yun. Naku! Madilim pa man din.
Sa medyo kalayuan ay may nakikita kaming aninag na parang lalaking naglalakad na may dalang itak.
"Ara, pasok muna kayo ni Mika sa loob baka kung sino 'to" may pangamabang sabi ni Tita sa amin
Maya-maya'y lumalapit na nga papunta rito sa amin at kinabahan ako ng konti at napahawak si Mika sa akin
"Ars, pasok na kayo" saad ni Tita
BINABASA MO ANG
Free Falling
FanfictionIt's hard to understand because it's all just happening in my head. Mahirap daw umintindi, pero mas mahirap manghula.