Chapter 9

63 5 0
                                    

So after naming kumain nina Mama, Papa at Kuya ng tanghalian bumalik na ako sa kwarto ko para ituloy yung ginagawa kong draft. 

Undersatanding naman si Mama e, alam nyang para sa trabaho na'tong ginagawa ko, hindi tulad dati na requirements lang sa school.

Shoot! 1PM na pala sakto, kailangan ko na talagang gawin yung draft ko, wala pa ako sa climax no'ng kumain ako yung parang nasa unang conflict palang.

Ngayon ko lang na-realize anong connect ng production sa paggagawa ko ng draft? Ano yun trip lang?

Sa bagay, hindi ko ba alam pero no'ng nasa college pa ako, hindi naman pure acting lang ang ginagawa namin e. We also critique some plays and some of us were picked to create the concept and the dialogue or scripts of the actors and actresses. 

Minsan lang kasi akong pinaggawa ng concept ng play namin, tapos may competition kami buti na lang nanalo. 

Pagkapasok ko ng kwarto, wala na akong ibang inatupag kung hindi ang patatype lahat ng nasa isip ko.





Ang sakit na ng pwet ko, nasobrahan na sa pagkakaupo, manhid na. Huhuhuhuhu. Tatayo nga muna ako, medyo inaantok na rin ako. 

O.O

4PM na agad?! Bakit feeling ko, 30 minutes pa lang akong nakaupo at nagtatype do'n? Tunay ba'to? Grabe naman, nakakaiyak wala parin ako hanggang ngayon sa climax. Inaantok na talaga ako. I'll take a nap. Medyo masakit na mga mata ko.

Inalarm ko yung phone ko ng 30 minutes.

Yup! 30 minutes lang. Kasi kapag lumagpas yan sa 30 minutes hindi ako makaaktulog mamayang gabi, aatakihin ng insomnia tapos iiyak. Hahahahahahaha

Paghindi ako nakakatulog, naiyak talaga ako. Parang yun lang ang pinaka-worst feeling sa lahat. Yung tipong lahat ng kasama mo sa bahay mahimbing na ang tulog tapos ikaw, mulat na mulat. Kaya pagnangyayari yun sa akin umiiiyak talaga ako. Nakaka-stress!

Pati pagtulog ko nagiging cause ng stress ko. Promise! No joke

.

.

.

.

.

.

Gising na ang huwisyo ko,  pero inaantay ko pa rin yung alarm ko.

Siguro 5 minutes na ang nakalipas, hindi pa rin nag-aalarm.

Minulat ko na ang mata ko, pagtingin ko sa oras...

Anak ng tinapa! 5:30PM na! Huhuhuhuhu sayang yung 1hour na pagtatype ko.

Kainis naman!

Wala para medyo mawala yung inis ko bumaba na muna ako, hindi ko kayang mainis sa sarili ko ngayong araw na'to.

Bahala na, mamaya ko na itutuloy yun. Magpupuyat na lang ulit ako.

At dahil nga 5:30 na, pagbaba ko kita ko naman si Mama na nag-gagantsillio, akala mo naman matanda na s'ya. Hindi ko na lang pinansin at nagsaing na ako, para naman may partisipasyon ako sa bahay kahit kaunti lang.

Pagkasaing ko, pumunta na muna ako sa garden namin, maliit lang naman. Umupo muna ako at kinuha yung phone ko dahil nagvibrate na naman.

From: Thomas (Gasoline station) 

"Hi Victonara! Busy day?"

Yan lang naisip ko na ipangalan sa kanya, para kasing yun lagi yung palatandaan para matandaan ko kaagad sya, hahahahaha. Ano bang magagawa ko hindi ako magaling sa names e. Simula nang malaman kong s'ya pala yung nagtetext sa akin kanina pa nawala na yung inis ko. 

Free FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon