Chapter 1

157 12 0
                                    


So ayun! Nakagraduate ako ng college with  a degree.

Proud naman mga magulang ko sa akin dahil sa wakas napatapos nya kami ng kuya ko sa pag-aaral.

Anong ginagawa ng mga bagong graduate? Karaniwan, syempre magpapahinga muna kahit mga ilang buwan lang bago maghanap ng trabaho.

So heto ako ngayon, naghahanap ng magandang lugar kung saan masarap magrelax at kumawala sa stress dito.

Fourteen years old pa lang ako gusto ko na ulit pumunta sa lugar na 'to. Kung saan may masarap at malinis na hangin, kung saan may magandang tanawain, kung saan may malamig na simoy na hangin at kung saan may masasarap na bulalo. Gusto ko na ulit pumunta sa Tagaytay. Ang huling punta ko kasi sa Tagaytay ay no'ng dose anyos pa lang ako. Kasama ko ang pamilya ko at yung pamilya ng kapatid ng tatay ko. Nami-miss ko na ang Tagaytay pero hindi yung mga taong kasama ko dati do'n.

Nagpaalam ako kayna Mama at Papa na pupunta akong Tagaytay, syempre kahit malaki na ako kailangan ko pa rin ng permiso mula sa magulang ko kahit alam kong papayagan nila ako.

"Ma, pwede pahinga muna ako? Punta lang po akong Tagaytay." saad ko

"Anak, okay lang sa akin yun para makapahinga ka man lang kahit ilang linggo. Pero magpaalam ka rin sa Papa mo." saad sa akin ni Mama. Supportive talaga sya at mabait

"Sige po, Ma."

Naglakad ako papuntang terasa ng aming bahay dahil madalas doon nakatambay ang aking butihing Ama.

Pagakyat ko ay nakita ko na agad ang kanyang anino. Ang sipag talaga ng tatay ko, hindi ko alam kung ano na naman ang ginuguhit nya. Lumapit na ako...

"Pa..."

"Oh, Ara, kumusta ang buhay ng bagong graduate?" panimula nya

"Maginhawa po sa pakiramdam Pa." nakangiti kong sagot

"Mabuti naman. Halika ka nga rito at may ipapakita ako sa'yo." Utos nya sa akin

Lumapit ako at nakita ko ang drawing na...

Lagi na lang ako ang subject ng Papa ko kapag magd-drawing s'ya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lagi na lang ako ang subject ng Papa ko kapag magd-drawing s'ya. Maal na mahal talaga ako nito kaya sinuklian ko lahat ng paghihirap nya sa akin e.


"Pa, salamat po ah."

"Walang anoman anak. Bakit ka nga pala naparito?" tanong nya

"E kasi po. Magpapaalam po sana ako sa inyo. Pwede po ba ako magbakasyon muna bago magtrabaho?" tanong ko

"Ara, anak, malaki ka na. Pwede mo na gawin ang gusto mo." saad nya

"So, Pa. Aprub sa'yo?" nakangiti kong tanong

"Oo. Pero saan ka naman pupunta?" tanong nya

"Sa Tagaytay po. Ako lang po mag-isa." sagot ko

Free FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon