8PM
So ayun nakahiga na kaming tatlo rito sa sala, ang mga loka dito raw matutulog para magdamag daw akong makapagkwento. Tinext kasi ako ni Ate Cyd na baka raw 10AM na ang start ng shooting bukas kasi busy pa raw si Direk pati yung ibang crew and casts. Kaya heto, andito tong dalawa.
"Ara, simulan mo na" panimula ni Mika habang kaming tatlo rito ay nakahiga at ako ang nasa gitna
"Ah eh paano ba?" medyo nahihiya kong sambit
Hindi naman kasi talaga ako pala kwentong tao, unless nasa mood akong dumaldal
"Planado bang magkikita kayo?" tanong ni Kim
"Hindi. Naguuli lang ako kasama si Ate Cyd tapos iniwan n'ya ako kasi kailangan na raw n'ya umalis. I think mga 20 minutes ata akong naka-upo lang biglang may tumabi sa akin." pagpapaliwanag ko
"Tapos hanggang sa ayain na n'ya akong kumain, syempre..."
"Syempre nung una tinanggihan mo" sabat ni Mika
"Ay naku Ara ganyan ka na talaga dati pa" dagdag n'ya
"Eh sa nahihiya ako e. Hindi lang naman sa kanya 'pag minsan sa inyo rin" pagsagot ko
"Hay nako Ara, dapat hindi ka na nahihiya sa amin ni Kim, hindi ba bruh?" saad ni Mika
"Tama si Yeye. Di ko alam kay Tita Betchay kung bakit ka n'ya pinalaking mahiyain. Pero kapag nasa mood naman, hala sige halos mabaliw na! Tawa dito, tawa doon, kulit dito, kulit doon" pagkkwento ni Kim
Aba, ewan ko rin ba kung bakit ako ganun hahahahaha
"Sorry na. Sa ganun ako e, buti nga tanggap nyo ako e" saad ko
"Iiyak na, yan" pagbibiro ni Kim
"Heh!"
"S'ya tuloy na ang pagk'kwento" utos ni Mika
"So ayun, pumayag naman ako, nilibre nga n'ya ako ng sundae eh. Tapos ayun kilala na pala n'ya ako matagal na" pagk'kwento ko
"How come?" tanong ni Kim
"Eh kasi kapag may play kaming ginagawa nanunuod pala s'ya. Tapos yung kaklase kong si Jollo, pinsan pala n'ya yun" pagpapaliwanag ko
"Tadhana nga naman. Kalimutan mo na raw yung dati mo" saad ni Kim
"Sira ka! Tadhana ka dyan. Ang gaan nga ng loob ko kay Thomas, feeling ko magiging matalik kong kaibigan yun..."
"Hindi mo ba kami matalik na kaibigan?" may takang tanong ni Kim
"Hindi...." tipid kong sagot
"Kasi kapatid na ang turing ko sa inyong dalawa" dagdag ko
At feeling ko napa-sigh of relief naman sila
"Alam n'yo kasi nung mga panahong na ngungulila ako kay na Mama, Papa at Kuya kayong dalawa at yung pamilya n'ya yung pumupuno. Hindi man kayo yung tunay kong pamilya at least medyo napapagaan n'yo ang loob ko." pagpapaliwanag ko sabay umupo ako
Naramdaman ko namang niyakap ako ni Mika at Kim
May times kasi dati na gustong-gusto ko makita sila Mama, Papa, at Kuya kaso hindi pwede bukod sa distansya e maraming ginagawa. Ultimo ngayon, may nangyari pa man din sa bahay wala ako, gusto kong tumulong. Buti tumulog 'tong dalawa 'to para hindi ko masyadong ma-miss sila.
"Victonara, nagda-drama ka naman" saad ni Kim
"Cry baby award goes to Ara" nangasar naman si Mika
"Asar pa" medyo pinunasan ko yung luha ko, nagiging emotional talaga ako pag minsan, di ko alam kung bakit
"Pero thank you sa inyong dalawa ah, di ako masyadong malulungkot ngayong gabi, sana nandun ako sa amin ngayon" saad ko
BINABASA MO ANG
Free Falling
FanfictionIt's hard to understand because it's all just happening in my head. Mahirap daw umintindi, pero mas mahirap manghula.