Risk It: 5

1.2K 37 6
                                    

Dedicated to : Marrich_11 

                                           Thank you sis sa pag comment, pag vote at pag basa sa story ko :D




"7 billion smiles and yours is my favorite"


"MY GHAD!!!  Astrid are you f*cking kidding me? Seriously??"

"Shut the f*ck up Stef mamaya nyan ay may makarinig sayo."

Nandito kami sa kusina nila umiinom ng wine wala ng ibang gising pa bukod sa aming dalawa.

"So ano nangyari sa muli ninyong pagkikita?"


Flashback....


"Astrid..."

"Stuart..."

"Hello po Tita nice meeting you po"

"Hi hija"

"I'm Mikaela po"

"Nice meeting you Mikaela"

"Umm Tita sama ka na po sa amin mag lunch sa labas."

"Akala ko ba anak bibilhin na natin itong unit?"

"Balik nalang po tayo bukas gutom na po kasi ako eh."

"Ok"

"Let's go Mom"

Sumakay kami sa kotse ni Stuart sa unahan pa ako pinaupo ni Mikaela at silang tatlo sa passenger seat

"Mom ano po palang ginagawa nyo dun?"

"May binisita lang"

"Sino po?"

"Y-yung old friend ko"

"Really mom??? Hindi nyo po ba ipapakilala sa akin yung old friend nyo?"

"Sa susunod na anak"

"Saan nyo gustong kumain?" nagulat ako ng magsalita si Stuart nagkatinginan kami muli at ibinalik na nito ang tingin sa kalsada.

"Alam ko na Dad dun nalang tayo sa favorite mo kainan"

"My gosh Mikaela dun nanaman sa Italian restau??"

"Oo naman Tanya bakit ayaw mo ba?"

"Pag tayong tatlo nila Tito ang kumakain palagi nalang dun sa Italian restau na yun ano bang meron dun?"

"Eh doon ang fave ni Dad kaya pabayaan mo na Tanya"

"Ano bang special dun Tito?"

"Wala naman masarap lang ang mga pagkain nila dun"

"Oh basta dun na tayo ah"



Kumain kami ng lunch sa Italian restau na sinasabi nila at nabigla pa ako dahil ang sinasabi pala nilang kakainan namin ay ang paborito naming kainan ni Stuart noon dati rati dito nya ako dinadala pag kakain kami dahil paborito namin ang mga pagkain rito kilala na nga kami ng ilang staffs sa restau na ito. Paalis na kami sa restaurant ng biglang may bumati sa amin.

"Stuart, Astrid!!

"Chef!"

"Uy ang tagal na nating di nagkita ah"

"Oo nga chef dito ka parin ba nag tra trabaho?"

"Hindi na Astrid sa katunayan kababalik ko lang sa Pilipinas dahil sa ibang bansa na ako namamalagi"

"Well good for you lalo pa at tumatanda na tayo kailangan na nating magpakasaya sa buhay."

"Tama ka dyan, so nagkabalikan kayo ni Stuart? Anak nyo na ba tong mga to?"

"Umm..." hindi ko alam ang isasagot ko kay Chef wrong timing talaga

"Chef mauuna na kami"

"Sige Stuart"

Pagkapasok sa kotse ay tahimik ang lahat hanggang sa ihatid nila si Tanya sa bahay nila nagpaiwan naman sila Mikaela at Robert doon daw muna sila kila Tanya ang nangyari tuloy ay naiwan kami ni Stuart sa loob ng kotse.


"Kamusta?" pagbabasag ni Stuart sa katahimikang namamagitan sa amin.

"A-ayos lang naman"

"Saan kayo nagtago? Bakit hindi ko kayo mahanap?"

"S-stuart.."

"Just answer my f*cking question!"

"S-sa london simula ng malaman mong may anak tayo lumipat kami sa london"

"Bakit ang sinabi ng mga imbestigador ko ay wala kayo doon?"

"H-hindi ko alam" ayaw kong sabihin na dahil iyon sa asawa nya ayaw ko namang mag away sila ng dahil lang sa nakaraang tinatakasan ko.

"Ako Astrid hindi mo ba tatanungin kung kamusta ako?" Napaka lamig ng pakikitungo nya sa akin wala akong mabakasang emosyon sa pananalita nya

"Alam mo ba Astrid ang lahat ng pinag daanan ko simula ng umalis ka at malamang may anak tayo? Alam mo bang araw araw kong sinisisi ang sarili ko kung bakit wala ako sa tabi ng anak ko kung sana hindi ako nagpakasal siguro sinabi mo pa sa akin ang totoo pero naalala ko wala ka palang puso dahil selfish ka siguro kahit nga hindi pa ako ikakasal noon ay hindi mo parin sasabihin sa akin ang lahat sabihin mo nga sa akin kaya ka ba nakipag hiwalay ay dahil buntis ka? natakot ka ba na pipilitin kita magpakasal? Ang selfish mo! Wala kang kwentang ina! sarili mo lang ang iniisip mo! Wala kang kwenta Astrid!"

Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang muling bumagsak sa aking mga mata nakahinto na pala kami at nakarating na pala kami sa bahay nila Stef bago ako lumabas ay hinarap ko sya at sinampal.

"Wala kang karapatang husgahan ako, ako ang ina nya, ako ang nagpalaki sa kanya kinaya ko lahat ng mag isa kaya wala kang karapatang sumbatan ako ng mga panahong hindi mo sya nakasama wala kang karapatan na sabihan akong walang kwenta dahil kung papipiliin sa ating dalawa kung sino ang mas walang kwenta ikaw yon STuart ikaw ang walang kwenta dahil wala ka sa tabi ng anak mo simula pa noon!"

Matapos noon ay lumabas na ako sa kotse nya agad naman nyang pina andar ang kotse nya....

End of Flashback


"Stef wala ba akong kwenta?"

"Ano ka ba Astrid! Sa dami ng sinakripisyo mo para kay Robert sa tingin mo ba wala kang kwenta?"

"Pero kasalanan ko naman kasi kung bakit hindi nya nakasama si Robert kung bakit hindi sya naging ama para sa anak namin"

"Maaaring kasalanan mo nga iyon pero hindi na natin maibabalik pa ang mga bagay na nangyari na ang magagawa mo nalang ngayon ay itama ang mga ito."

Niyakap ako ni Stef hanggang sa maramdaman ko na para akong nasusuka agad akong tumakbo sa lababo at sumuka doon ng sumuka.

"Ano yan teh tinitigan ka lang ni Stuart nabuntis ka na agad?" natatawang biro ni Stef

"Siguro nalamigan lang ang sikmura ko"

"Nako siguro ka ba na hindi ka buntis?" pagbibiro ni Stef

"Tumahimik ka nga dyan matulog na tayo anong oras na."


Bago matulog ay hindi mawala wala sa isip ko ang mga bagay na nakakapag pabagabag sa akin sunod sunod ang mga pangyayari sa buhay ko kailangan ko ng harapin ang lahat ng ito I should take the risk bago pa mahuli ang lahat.





AN: WAHAHAHAHHA asan ang hustisya ang ganda ni Mama sa Star Magic ball ghad nakaka inlove talaga sya tapos ang gwapo din ni Papa Anton bagay na bagay shems <3 <3 #lovelovelove 

The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon