Risk It: 3

1.1K 41 7
                                    

"In a choice between love and fear, choose love."





"Anak sure ka na ba talaga???"

"Yes Mom"

"Oh sya sige basta magpaka bait ka sa Ninang Stef mo"

"Ako pa ba Mom?? Napaka bait ko po kaya"

"At napakahangin rin"

"Tss whatever Mom"

"Nandyan na ba lahat ng gamit mo?"

"Opo"

"Mag iingat ka dun anak at palagi mo akong tatawagan"

"Syempre naman mom"

"Oh ayan na ang ninang Vivian mo sige na sumakay ka na sa sasakyan at ako naman ay papasok na sa office"

"Ingat ka dito mom lalo na wala ka pong kasama"

"Opo kaya ko naman po ang sarili ko at isa pa matanda na ako."

"Mom 48 ka palang at wala sa itsura mukha ka pong 18 years old."

"At talagang pinag lololoko mo pa ako ah huling bola mo na sa akin yan"

"Hindi kita binobola mom"

"Tse dun ka na nga mana ka talaga... Sige na inaantay ka na ng ninang mo."

"Mana kanino mom?"

"Wala wala by the way baka next month bisitahin din kita."

"Well that's cool Mom kala ko po di ka na pupunta sa Philippines eh siguro mom may tinataguan ka dun noh."

"A-ano?"

"Just kidding mom... Bye love you mom"

"Ok bye son"

...................................................................

It's been a week since umalis ang anak ko at nag aral sa Pilipinas sabi nya ayos na daw yung school na papasukan nila ni Tanya nakapasa daw sila sa UP nakilala na rin daw nya ang childhood bestfriend nito. Mukhang masaya naman doon ang anak ko at so far so good dahil wala namang aberya.

"Ano na Astrid magpapakabulok ka na ba dyan? Baka gusto mo namang umuwi dito."

"Stef uuwi naman ako dyan eh pero tatapusin ko muna ang trabaho ko dito."

"Alam mo bilib ako sayo lahat gagawin mo takasan lang si Stuart huwag kang mag alala hindi ka na nya hinahanap duh 18 years syempre napagod din yun noh."

Sa nalamang hindi na kami nito hinahanap ay parang may parte sa akin ang nasaktan, nasaktan sa nalamang baka nakalimutan na nya kami.

"Hoy nandyan ka pa ba?"

"Oo"

"Ano nanaman ang iniisip mo?"

"Wala"

"Wala daw pero natameme ka dyan? Truth hurts ba?"

"Anong pinag sasasabi mo?"

"Wag ako ang lokohin mo Astrid maaaring maloko mo ang sarili mo pero hindi kami malamang sa malamang mahal mo pa yun sya ba naman ang one great love mo"

"Tumigil ka na nga Stef"

"Oh kita mo natamaan ka? Umuwi ka na kasi dito isa pa miss ka na namin lalo na ng inaanak mo."

"Oo na asahan nyo nandyan na ako next month."

"Siguraduhin mo lang"

"Oo nga. Sige ibababa ko na to marami pa akong gagawin."

......................................................................................

"Hi Tanya... Hi Robert"

"Hi Mikaela"

"Samahan nyo naman ako please"

"Saan ba girl?"

"Sa mall nood tayo sine"

"Sine nanaman nung nakaraan nag sine na tayo tapos ngayon sine nanaman?"

"Wala akong kasama sa bahay kaya nga pumunta ako dito sa bahay nyo Tanya nasa Palawan si Dad si Mom nasa Malaysia kaya sige na please bored na bored na ako eh"

"Well may magagawa pa ba kami syempre sasamahan ka namin basta ba libre mo."

"Ok walang problema."

Si Mikaela ang childhood best friend ni Tanya mas matanda kami ni Tanya sa kanya ng 3 years ang mommy ni Tanya at Mikaela ay magkaibigan na noon pa kaya naging magkaibigan din sila lalo pa at pareho silang only child habang nanonood ng sine ay tumawag ang daddy nito at excited ito na umuwi na sabi nya ay doon na raw kami kumain sa kanila iyon din daw ang sabi ng daddy niya ngayon ko palang makikilala ang daddy ni Mikaela at ewan ko ba pero kinakabahan ako mas kinakabahan pa ako sa ngayon kesa noong makikilala ko ang daddy ni Tanya. Nang makarating kami sa bahay nila ay tumakbo agad agad si Mikaela sa loob ng bahay nila at nakita namin sila ng daddy niya sa sala nakayakap sya rito na parang batang naglalambing nakatalikod ang daddy nito sa amin kaya hindi ko parin ito makilala pero noong humarap ito ay parang nakita ko ang sarili ko rito may pagkaka hawig kami natatawa pa ako sa naiisip na kung tumanda pala ako ay may itsura parin pala ako.

"Hi tito"

"Hello hija."

"Tito meet Robert  boyfriend ko po"

"Wow dalaga ka na talaga Tanya... Hello hijo"

"Good evening po Sir

"Well you can call me Tito Stuart"

"OMG dad alam mo ba tawang tawa ako nung unang pinakilala ni Tanya sa akin si Robert know why??? Ang second name nya ay Stuart din how great is that?"

"Really?? Kaya pala may binatbat din ang itsura niya talagang pag may Stuart sa pangalan ay paniguradong gwapo hindi ba Robert?"

"Ahh.. Opo Tito"

"Dad may pagkakahawig kayo ni Robert noh? Grabe dad siguro nung teenager ka pa ganto din itsura mo?"

"Aba oo nga sabi ko naman kasi sayo anak iba talaga pag may Stuart sa pangalan."

"Well sige sabi mo dad eh.. tara na po nagugutom na ako"

Habang kumakain ay tuloy parin sila sa pag uusap..

"Sya nga pala may nabanggit ba ang mommy mo kung kelan sya uuwi?"

"Wala naman po.. Alam mo naman dad hindi kami magkasundo ni Mom"

"Hay nako paano kayo magkakasundo nun eh pareho kayang brat. Sya nga pala Robert nasaan ang mga magulang mo?"

"Sa London po talaga kami nakatira so nandoon po ang mommy ko ako lang po ang pumunta dito sa Philippines."

"What about your dad?"

"Hindi ko po alam wala naman pong nasabi ang mommy ako about sa kanya"

"So single mom pala ang mommy mo?"

"Opo"

"Saan ka tumutuloy ngayon?"

"Sa Ninang ko po yung best friend po ng mommy ko"

"So wala talaga kayong kamag anak dito sa Philippines?"

"Maliban po sa ninang Stef ko wala na pong iba"

"Stef? hmmm... May I know your mom's name?"

"She's Astrid... My mom's name is Astrid"

"Astrid...."



The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon