Risk It: 10

1.5K 50 5
                                    

"True love is selfless. It is prepared to sacrifice."

Lumipas ang isang buwan at ito na ang huling buwan ko sa mundong ito. Naging masaya ang nga nakaraang araw namin lalo na ng malamang buntis ako at dahil rin doon ay itinigil ko lahat ng gamot na iniinom ko puro tiis lang ang ginawa ko kapag masakit ang ulo ko kapag nagsusuka ako lahat ng iyon ay tiniis ko alang alang sa batang nasa sinapupunan ko naalala ko pa noong pumunta kami sa doctora ko ang sabi nya ay pwede naman daw ipa abort nalang ang bata para matuloy ang pag inom ko ng gamot at isa pa doon din naman mapupunta ang lahat mamamatay din ang anak kong kasama ko pero tumanggi ako dahil hanggat kaya ko hanggat buhay pa ako ay dito lamang sa aking sinapupunan ang anak ko hinding hindi ko sya sasaktan hanggat kaya ko.

Nakatanaw ako ngayon sa teresa ramdam ko ang simoy ng hangin na napakalamig niyakap ko ang aking sarili at kinausap ang anak ko.

"Anak ano kaya ang gender mo noh?? Sana girl ka kasi may kuya ka na eh alam mo bang matigas ang ulo ng kuya mo pero mahal na mahal naman nya ako siguro kung lalabas ka sa mundong ito mamahalin ka rin nya anak kasi alam mo ba matagal na nyang gustong magkaroon ng kapatid. Patawarin mo si mommy ah" hindi ko mapigilang maiyak tuwing naiisip kong dahil sa akin ay mamamatay rin sya na hindi manlang sya maipapanganak sa mundong ito kung sana ay maayos lang ang lagay ko. "Anak mahal na mahal ka ni mommy at ni daddy sorry anak sorry dahil sa akin ay hindi mo mararanasan ang mabuhay sa mundong ito pero lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin."

"Hon, umiiyak ka nanaman ba?"

Niyakap ako ni Stuart mula sa likod at ipinatong nya ang baba niya sa balikat ko

"Hon tama na sige ka nakasimangot din si baby"

"Stuart naman eh!"

"Oh tignan mo napaka moody talaga ng mahal ko"

"Ang dami ko lang talagang iniisip"

"Ano nanaman ba ang iniisip mo? Alam mo wag mo kasing isipin ng isipin yun dapat ako lang nasa isip mo"

"Nako nag selos naman sya"

"Syempre noh ikaw nga ikaw lang laman ng isip ko palagi eh tapos ako hindi mo manlang ata ako maisip"

Hinarap ko si Stuart at pinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya at tinitigan ko naman sya nakanguso pa sya akala mo bata eh

"Nag seselos ang mahal ko, alam mo Stuart kahit hindi ko naman maamin sayo isa parin naman ang alam ko iyon ay ikaw palagi ang nasa puso ko"

"Napaka sweet naman nun hon"

"Kinilig ka naman nako Stuart nababakla ka na ata eh"

"Hindi ah gusto mo patunayan ko sayo? Gusto mo dalawahin natin yang nasa loob mo?"

"Baliw ka talaga"

"Ito naman biro lang. Mahal na mahal kita Astrid mahal na mahal"

"Stuart mabuti at napakiusapan mo si Michelle"

"Alam naman nya ang sitwasyon mo"

"Stuart ipangako mo sa akin na hindi kayo mag hihiwalay ni Michelle alam kong maaalagaan ka nya at alam kong mamahalin ka rin nya."

"Pero hindi ko sya kayang mahalin dahil ikaw lang ang kayang mahalin ng puso ko"

"Stuart hindi na ako magtatagal wala ako sa tabi mo sa pagtanda mo kailangan mo ng kasama sa buhay"

"Kaya kong pakisamahan si Michelle pero mahal ko sya bilang kaibigan lang"

"Stuart ipangako mo sa akin na aalagaan mo rin ang anak natin huwag mong pababayaan si Robert tsaka si Mikaela mabait na bata si Mikaela at manang mana din sayo."

"Sana nagkaroon din tayo ng anak ng babae noh kasi si Robert sa akin nagmana tapos sana kung may anak pa tayong babae sana sayo nagmana"

"I'm sorry Stuart hindi ko naibigay ang pamilyang dapat ay nasa iyo. Siguro maigi parin na naghiwalay tayo noon dahil mauuna pala akong mamatay sayo atleast kahit mawala ako may kasama ka parin sa buhay mo nandyan si Michelle para sayo"

"Mahal na mahal kita Astrid"

"I love you too Stuart"

"A-anong sabi mo?"

"Sabi ko mahal kita"

"Paki ulit nga"

"Sabi ko mahal kita"

"Hindi ba ako nananaginip Astrid?"

"Para kang sira gising na gising ka kaya nako Stuart"

"Ang sarap pala sa feeling na sa unang beses ay narinig kong sinabi mong mahal mo ako, so mahal mo nga ako?"

"Oo nga"

"Gusto ko sabihin mo na mahal mo ko eh"

"Mahal kita"

"Mahal na mahal?"

"Oo mahal na mahal"

"I love you hon"

"I love you too hon"

"Yes! sa wakas! Siguro dapat kong irecord ang pagsabi mo sa aking mahal mo ako noh baka kasi malimutan mo bukas na mahal mo ako eh"

"Hindi ko yun malilimutan kasi noon pa man mahal na kita mahal na mahal"

"Pero bakit umalis ka parin?"

"Kasi hindi tayo ang nakatadhana, kasi hindi tayo ang wakas ng bawat isa siguro nakatadhana tayong mahalin ang isat isa pero hindi tayo nakatadhanang magkatuluyan. Maybe we are just destined to meet each other but we're not destined to be with each other. Pero mahal na mahal parin kita Stuart ikaw ang una at huling lalaki na minahal at mamahalin ko dahil alam kong ikaw ang wakas ko kahit na hindi tayo itinadhana para sa akin ikaw parin ang para sa akin. Mahal na mahal kita"

Niyakap ako ni Stuart ng mahigpit at niyakap ko rin sya pabalik ang sarap pala sabihin ng mga katagang iyon ang sarap ulit ulitin na sabihing mahal ko sya at hindi ako magsasawang mahalin ang lalaking ito we may not end up with each other but I must say that I found a true bliss in his arms.

The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon