11: The day he surprise her

1.3K 49 0
                                    


"Engineer Stuart hitting on an architect" yan ang headline ng balita at ang picture ako habang nasa catwalk at si Stuart habang nagbi bid seriously him hitting on me? That's a no, no magkaibigan lang kami so bakit nila ginawang big deal iyon isa pa para lang sa charity yun.

"Hi babe" bungad sa akin ni Bea nasa condo ako at meron naman siyang duplicate para mabuksan niya ang condo ko

"what brought you here?"

"Nabasa mo na siguro. God bagay talaga kayo."

"Yan lang ang pinunta mo dito?"

"Kasi gusto kang makita ni Tita Aleisha."

"Nanaman?"

"Oo, inimbitahan ako ng lunch sabi isama kita."

"Now na?"

"Yup kaya maligo ka na dali."

After maligo nagsuot lang ako ng sleeveless na dress na floral tinernohan ko naman ng puting sandals na flat lang naglagay din ako ng light make up at inilugay ko lang ang buhok ko. Sasakyan ni bea ang ginamit namin papunta well 30 minutes lang naman ang byahe at nakarating kami agad.

"Hello dear, mabuti at sumama ka"

"Hinding hindi ko po kayo matatanggihan tita Aleisha"

"How sweet"

"Aleisha nandyan na pala ang bisita mo. Hello ladies."

"Hi tito" nakipag beso si Bea bilang pagbati

"Hello po sir" hindi ko naman kasi alam ang itatawag sa kanya

"Hija hindi ako teacher para tawaging sir you can call me tito." Nakangiting saad nito sa akin

"Ok po tito"

"Nako kahit kailan Lucas napaka joker mo"

"Aleisha naman pinapatawa ko lang si Astrid dahil sobrang uptight nya."

"Nako tito nahihiya kasi itong kaibigan ko"

"Dear wag kang mahihiya alam nyo tara na kumain na tayo at ako ang nagluto kaya tiyak masarap."

Habang kumakain ay tuloy parin ang kwentuhan

"What a small world at nagkasama kayo ng anak namin sa isang proyekto."

"Oo nga po tito nagulat din po ako."

"Astrid alam mo bang itong si Aleisha ay botong boto sayo"

"Aba sino bang hindi nako Lucas kung nakita mo lang kahapon. Palibhasa umuwi ka kaagad."

"Alam mo namang sumama ang pakiramdam ko."

"Ay basta bagay sila."

"Hi mom, dad"

"Oh anak ang aga mo"

"Natapos po kasi agad yung meeting dad"

"Hi bea"

"Hi Stuart"

Aba hindi manlang ako binati talaga nga naman oh.

"Saluhan mo na kami anak"

"Tamang tama at gutom na ako mommy at tiyak masarap nanaman ang pagkain dahil ikaw ang nag luto"

Umupo namam agad si Stuart sa tabi ko at nagulat ako ng bigla niyang halikan ang gilid ng noo ko.

"Hello Astrid, makakalimutan ba naman kitang batiin."

"Lucas nakita mo ba ang nakita ko?"

"Oo aleisha may mga mata ako kaya nakita ko."

"Bagay talaga sila"

"Nako tita bagay na bagay"

Pagkatapos kumain ay nagpaiwan si Bea dahil may pag uusapan pa daw sila ni Tita Aleisha para sa damit na isusuot nito sa nalalapit na kaarawan ni tito Lucas at binigyan na nila ako ng invitation kaya dapat daw ay pumunta ako. Si Stuart tuloy ang naghatid sa akin pauwi.

"May dadaanan ka pa ba?"

"Wala na"

"Sigurado ka?"

"Oo nga, ikaw baka may dadaanan ka?"

"Oo"

"Yun oala eh ihatid mo nalang ako sa sakayan ng taxi para makapunta ka na sa pupuntahan mo."

"No, samahan mo nalang ako."

"Hu?"

"Samahan mo ako nakaka boring kasi kapag mag isa."

"Saan ba?"

"Secret"

"Anong secret, sabihin mo na"

"Mamaya pagdating natin doon basta matulog ka muna."

"Hindi mo naman siguro ako kikidnapin?"

"Nagpapatawa ma ba Astrid?"

"I'm dead serious Stuart!"

"Ok Astrid I promise you, you'll be safe with me."

"Ok you have my trust"

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta ang alam ko nakarating na kami sa pupuntahan namin dahil nakahinto na kami at pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Stuart nakatingin sa akin at nakangiti.

"Buti gising ka na sleepy head"

"Nasan na tayo?"

"Try to look at your window" and bang! Jusko totoo ba to?

"Taal Volcano? Nasa tagaytay tayo!"

"Yup, so tara na at iche check ko lang ang site tapos mag iikot na tayo."

Pagkalabas sa kotse ay sinalubong kami ng malamig na hangin and for Pete's sake naka sleeveless ako. Chineck agad ni Stuart ang site at wala namang problema kaya after an hour umalis na kami.

"Saan mo gusto pumunta?"

"Gusto kong tignan yung taal volcano."

"Tara I know a perfect spot" hinila niya ako papunta sa likod ng site at naglakad pa kami konti pagkatapos ay bumungad sa akin ang taal sobrang ganda ng view tamang tama at malapit lapit kami kaso lalo na akong giniginaw dah mga 5pm na.

"Giniginaw ka?"

"Yes naka sleeveless lang-"

Nagulat ako dahil biglang iniyakap ni Stuart sa akin ang suit nya at pati ako niyakap niya kumbaga nakasuot parin sa kaniya ang suit at iniextend niya lang at iniyakap sa akin. Ipinatong niya rin ang baba niya sa balikat ko, sobrang romantic lang ng ambiance and lahat naman kikiligin pero kahit na feeling ko secure ako sa mga yakap niya alam kong hanggang dito lang lahat at hindi na pwede pa lumalim.

The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon