Risk It: 4

1.1K 39 8
                                    


"Death is not the opposite of life but a part of it"


"What the hell Astrid!!!!!"

"Stef!!!!"

"My gosh kala ko ba ext month pa eh parang nung nakaraang linggo lang kausap kita tapos ngayon nandito ka na"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto"

"Nasan si Robert?"

"Nako wala maagang umalis kasama ang girlfriend nya maglalaro daw ata sila ng golf kasama yung tatay nung Mikaela"

"Sayang naman na mi miss ko na yung anak kong yun eh"

"Alam ba ni Bea na nandito ka?"

"Oo at pupunta daw sya dito next month"

"Oh sya magpahinga ka muna mabuti at naayos yung guestroom."

"Aayusin ko muna itong gamit ko tapos aalis din ako"

"At saan ka pupunta?"

"May titignan lang"

"Baka naman puntahan mo si Stuart?"

"Baliw ka ba? Hindi ko yun pupuntahan noh"

Matapos ayusin ang aking gamit ay nagpaalam na ako kay Stef sumakay ako ng taxi at muling tinungo ang daan papunta sa dati kong condo lingid  sa kaalam nila ay hindi ko hinayaang mawala sa akin ang condo ko hanggang nagyon ay sa akin parin iyon oo ako na ang dakilang martyr ako na ang dakilang hindi makapag move on kahit walang kami ay nag mo move on ako oo na ako na ang tanga. 




Pagkapasok ko sa condo ko ay parang bumalik lahat ng napagsamahan namin dito ni Stuart lahat ng masasakit at masasayang pangyayari lahat iyon ay naalala ko. Naaalala ko pa ang panahong para akong pinatay sa sobrang sakit ng lahat ng nangyari sa amin mga panahong hindi ko matanggap na hindi maaring magkaroon ng kami dahil duwag ako mga panahong iniisip ko na paano kung ako ang pinakasalan nya, mga what ifs ng buhay ko sa bawat araw na ginawa ng dyos walang araw na hindi ako nadurog nadurog ako ng umalis sya sa buhay ko at nadudurog ako araw araw tuwing iisipin na wala na sya sa akin nadurog ako at nadudurog ako nadudurog ako ng nadudurog sa katangahang ako ang may gawa ipokrita nga siguro ako dahil hanggang ngayon mahal ko parin sya pero ganun naman ang tunay na pag ibig hindi ba? Mawala man sya sayo umalis man sya sa tabi mo mamahalin at mamahalin mo parin sya kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko na mahalin ko na sya sa huling pagkakataon pagkatapos ay bumitaw na ako ay hindi ko magawa hindi ko magawa kasi wala ng ibang minahal ang puso ko kundi sya lang.





Nang mag alas dose na ay nagpasya na akong umalis at kumain nalang sa restaurant paglabas ko ng condo ay saktong sakto ang lahat parang itinadhana nandun sya sa kabilang condo katapat ng condo ko nakatayo sya doon sa may pinto sa wakas nakita kong muli ang mga matang iyon ang mga matang aking araw araw na hinihiling na makitang muli sa wakas nakita ko na syang muli. Naputol ang pagtitinginan namin ng biglang lumabas sa condong iyon ang isang babae na kumapit sa braso nya.

"Dad kukunin ko na po itong condo"

Dad?? Anak nya?? Anak nila ni Michelle? Nawala ako sa pag iisip ng muling may lumabas sa condong iyon si Tanya at si Robert.

"Mom?? Anong ginagawa mo dito?"

"Tito she's my mom"

"Hi Tita kala po namin next month pa kayo susunod?"

"I change my mind hija"

"umm tita si Mikaela po bestfriend ko at si Tito Stuart po daddy nya"

"Astrid..."

"Stuart..."










AN: At dahil bitter si author bibitinin ko kayong muli :-D pasensya na hahahaha bitter lang talaga hahaha charot lang echosera talaga si author

The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon