24: The day she knew it

1.2K 43 2
                                    


Flashback.....


Ang mga matang nagmamahal, mga matang kumikislap tuwing ako'y tinitignan ang mga matang aking hinahanap hanap at mga matang aking kinasasabikan tanging sa mga mata nya lamang, ko nakikita ang mga bagay na syang nagpapabilis ng kabog ng aking dibdib, nagpaparamdam ng kakaibang kiliti sa aking tyan at nagpapasaya ng aking mga araw ngunit iba ang nasaksihan ko sa ngayon ibang mga mata ang aking nakita iba ang naging epekto nito sa akin ibang iba mula sa mga matang aking kinahuhumalingan sa ngayon ang aking nakita ay mga matang nasasaktan mga matang puno ng luha mga matang puno ng hinagpis mga mmatang puno ng pagmamahal na unti unti kong pinapatay at sa paglisan nya sa akin ay para na akong napugutan ng hininga walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha tila may sariling buhay na ayaw umampat hanggang sa maramdaman ko ang bagay na di ko aasahan at ito ay ang pagkirot ng aking tyan at ang pag agos ng masagang dugo pababa sa aking mga binti hindi ko alam ang gagawin ng mga panahong iyon sinubukan kong tawagin si Stuart subalit wala na sya wala na sya.





Nagising ako sa isang kwarto na puro puti at nasisiguro ko na nasa ospital ako nagulat pa ako ng bumungad sa akin ang aking ina maya maya ay pumasok ang mga doctor at tinignan ang kalagayan ko.

"Misis ingatan nyo na po ang sarili nyo dahil kung maulit pa po ito ay baka hindi na kayanin ng bata at tuluyan ng mawala. Iwasan nyo po ang ma stress at kumain po kayo ng masustansyang pagkain reresetahan ko nalang po kayo ng mga vitamins para sa inyong pagbubuntis."

Pagka alis ng doctor ay sinampal naman ako agad ng aking ina.

"Sino ang tatay nyan?! Napaka haliparot mo talaga! Wala ka ng magawang matino sa buhay mo at ngayon nagpabuntis ka pa!!"

"Wala na po kayo doon sa kung sino man ang tatay ng anak ko problema ko ito at haharapin ko itong mag isa."

"Hu! Akala mo ba kakayanin mo? Huwag kang magmalaki dahil wala ka pa sa kalingkingan ko ni hindi mo pa nga nailuluwal ang bata eh tapos sasabihin mo kaya mo na sige nga kung kaya mo na edi sana magisa kang pumunta dito sa ospital eh hindi eh naabutan lang kita sa condo mo na wala ng malay gag*! Ayusin mo yang gusot na ginawa mo ipakilala mom sa akin ang tatay nyan!"

"HIndi na po kailangan dahil aalis nalang po ako."

"Anong sinasabi mo anong katangahan yan!"

"Napag isip isip ko po na sa ibang bansa nalang ako titira doon na po ako mamumuhay kasama ang anak ko at wala ni kahit sino man ang makaka alam ng pag alis ko o ng anak ko."

"Mabuti naman at may isip ka pa dahil nakakahiya ka pabor sa akin yan ang umalis ka na!"


Matapos akong sermunan ng aking nanay ay umalis na sya akong mag isa ang nag asikaso sa sarili ko hanggang sa makalabas ako ng ospital at ayusin ang mga papeles na dapat ayusin hanggang sa malaman ko na ikakasal na sya oo masakit ngunit kailangan kong harapin ito dahil sooner or later hahantong din naman sa ganito ang lahat.

The Uncommitable Woman *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon