Pramis,ignorante si Zyan

23 4 0
                                    

Oct. 23,2016 07:33am

Nagsimula ang araw ko sa pagkain ng macaroni na nasobrahan sa mayo. Uminom ng wine (wow pinangalandakan talaga) at makinig sa remix music ng mga pinsan ko. Kung hindi lang ako mabait ay baka sinira ko na ang halos pito nilang speakers. Oo pito. PITO YUNG UMAANDAR AT SINISIRA ANG BUHAY KO!

Joke. Hindi naman tuluyang nasira. Lamniyo kung bakit?

Kasi nakapag-igib ako ng tubig sa balon por da pers taym at nakahawak ako ng mga sisiw na sa tingin ko eh may breed. Nakagat pa ako ng lamok at naligo sa tubig balon na medyo malabo dahil natural pram da below op da eart este galing daw talaga yun sa ilalim ng lupa. Ang astig talaga nun para sa taong kwartong tulad ko.

Simula ng makapagsulat ako dito sa wattpad. Sinimulan ko ng palawakin ang mundo ko. Bukod sa sinusubukan ko ng memorizin ang spellings ng mga english words eh natuto na ako ng right grammaring. Well nag-aaral pa lang naman Ako :3

Para sa mga nature lover na katulad ko. Heaven na yata ang makapunta dito sa lugar ng mga pinsan ko. Masubukan mo ba namang tumawid ng ilog gamit ang parang pinagdikit-dikit na kawayan lang,magpigil ng hininga para di lumubog at magmadaling maglakad kasi walang makita wahahaha.

Syempre,bukod sa kakyutan kong taglay,ipinagmamalaki ko din ang may kahabaang stamina pagdating sa paglalakad at pag-akyat sa may kataasang kalsada. Pero lahat naman yata napapataas ang stamina kung nagppractice. (Wow Zy ano meaning ng stamina aber?)

Wag kanang umangal. Basta stamina yun.

Alam ko. Sa mga nagbabasa nito na sa pagkakakalkula ko eh isa palang at ako yun. Eh alam kong iniisip niyong inaamag na ang utak ko at wala na akong pag-asang maging malaya mula sa kapangyarihan ni Lucifer. Jan kayo nagkakamali.

Nung isang araw nag school visitation kami. Tatlo ng kami ng mga tamad kong kaklase. Mga walangya nga sila. 7:30 ang usapan. Syempre 7:31 ako umabot para sa grand entrance. Pero mga tirik na mata ng mga pusang may sore eyes lang pala ang naabutan ko sa meeting place.

Oh diba. At dahil gentleman Ako. Gumastos pa ako ng pera para lang masiguradong pupunta sila. Aba naman. Hahalikan ko pa sana yung Lion sa panaginip ko kung di lang ako nagising at naalalang may pupuntahan pala Ako.

Ayun nga. Dahil sa mga magagandang babae sila(wat masasapak ka ng isa dun) wag ka hindi niyato mababasa. 9am kami nagkita. Take note. Ako pa mismo ang pumunta sa bahay nila. Lugar pa naman ng mga astiging bystander yun.

Hindi ako pumasok sa mismong lugar. Naghintay lang ako sa may bukana. Malay ko. Baka may makasalubong ako dung kasuntukan ko pala nung elementary. Tyugi ako pagnagkataon.

Yun nga ano ba kung san san ako napupunta eh.

Pumunta kami sa isang Chinese school. Labas palang it took my heart away na. Woah English. Kasi naman. May lion dun at Buddha.

Baliw pa naman ako sa Chinese culture. Ewan. Kahit sa pagkakaalam ko wala naman akong Chinese blood eh tinatawag yata ako ng kalangitan. Mala mandate of heaven lang. Uy alam yan ng mga second year este mga grade 8 students. Diba diba naituro ba yan sa inyo? Nakalimutan ko na yun eh huehue

Yun nga. Ang ganda dun. Ang tahimik,organisado,ang kkyut ng mga bata kasi nag good morning sakin. May nahawakan nga akong pure Chinese grade 1 dun.

Pakiramdam ko gusto ko ng magpakalbo at maging monghe nalang. Kaso naalala kong may pamilya pa ako at ayokong balatan ni Lola nang buhay. Lol

Ignorante ba talaga ako? Pero bakit natutuwa sila kapag nagiging hyper ako? Mga tao talaga ang hirap intindihin. Patas lang silang lahat. Babae lalake pareparehong magugulo.

At nakalimutan ko ang sunod kong sasabihin dahil dumaan ang pinsan kong kita ang boxer short. Halatang pagod at puyat. Syempre wala akong pakialam. Natawa lang ako kasi pareho kami ng kulay ng boxers. Black :3

Ano nga dapat ang sasabihin ko? Ahhh yung mga sisiw kanina. Ang kyut nila. Sabi ni tatay ibibigay niya sakin. Kaso naalala kong napatay ko yung 17 naming sisiw dahil in one move... Pinaliguan ko silang lahat. Isa isa silang namatay at umiiyak akong inilibing sila habang ang tatay ko ay nagpapakasarap sa panonood ng TV habang nakajersey shorts lang.

Kasalanan ko naman. Pero hindi ko naman alam na bawal pala liguan. Mga kapatid pa naman ang turing ko sa mga yun.

Hay. Sayang nga. Kasi hahawak-hawakan ko sana yung mga sisiw dito kung di lang ako nangangati sa mga garapata. Natrauma yata ako dun sa napanood ko last time. Huehue censored na yun. Baka masuka kayo.

Wala pa akong kaing kanina. Mag aalas otso na pala. Mukha parin akong model dito sa sofa na nakabulagta. Wala akong magawa. Nakakahiya kasing tumayo at makisali sa kanila..baka makagulo lang ako.

Yun na Muna. Ito paunang silip. Mag sswimming kami. Yayks may oras na kami para magdate ni abs. Palalaguin ko siyang mabuti. Sa dagat lang kasi ako nakakapagtalon talon kasi natutuod Ako kapag nasa tubig ako. Wahahaha. Abs! Here I gooo!!
Excited,
Zyan

Oct. 23,2016 07:52am

Bakit mahapdi ang pimples sa noo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon