Nahihirapang pumili si Zyan

10 2 0
                                    

JAN. 20,2017 12:56AM

Nahihirapan akong pumili.

Ngayon ko lang narealize na masyadong palang mahirap pumili. Para kang magbabawas habang nakabitin sa puno. O kaya naman ay matulog habang nakatayo. 

Kasing hirap gaya ng paghuhugas ng pinggan ng madaling araw kahit sobrang naghihilik kana habang gising. O kaya naman ay kung matutulog ka pa ba kung alas kwatro na ng madaling araw o hindi nalang pero may trabaho kapa.

Grabe.

Dati akala ko masayang magkaron ng malakas na internet connection. Yun pala hindi.

Isang buwan at mahigit na akong nagpapakasasa sa mabilis naming wifi ngayon na ako lang naman talaga ang halos gumamit. Mapaumaga man o madaling araw. 

Dati palagi akong nagrereklamo kasi ang hirap ng buhay ko. Kasi ang hirap magsulat sa note pad at ittransfer sa cellphone na iccopy paste sa wattpad app at magreredeem ng points at tadahh may update na.

O kaya naman ay sumuong sa nakakamatay na gyera laban sa bulok kong cellphone na kahit mukha ko eh hindi ko na makita ng maayos sa sobrang puti ng screen. 

Ewan ko ba.

Sabi sa napanood ko. Kailangan kong pumili at isakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng isa.

Ganun ba talaga kasama ng mundo?

Ganun ba talaga sila kaunfair?

Ganun ba talaga ang buhay?

Kung pipiliin mo silang dalawa, lumalabas na wala kang pinili. 

Kaya heto ako ngayon. Minumura ang sarili kong mga kamay, pinipigilang magsulat magscroll ng kung ano-ano.

Ala una na pero dilat parin ako kahit may mahalaga akong gagawin bukas.

So ganun nga.

Gusto ko lang humingi ng paumanhid sa mga taong naglaan ng effort na iadd ang mga gawa ko sa library nila. Gusto kong yumuko at lumuhod at magmakaawang sapakin nila ako kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mahal ko ang pagsusulat, mahal ko ang pagddrawing, mahal ko ang pagkanta, mahal ko ang pagsayaw, mahal ko ang lahat.

Pero bakit nawawalan nako ng gana sa kanila?

Gustuhin ko mang magpacheck-up pero hindi pwede. Hindi pa pwede.

Nakakalungkot lang isiping, inadd na nila sa reading lists yung story pero heto ako. Nakatitig lang sa screen at nagdarasal kung kelan ako sasapakin ni lord para bumalik ako sa dating abnormal na wp writer na puro kabrutalan lang ang iniisip.

Minsan naiisip kong patayin ang wifi kasi siya ang may kasalanan.

Pero naisip ko na baka test to sakin. Kung saan susubukin ang katawan, isip at talento ko sa mga bagay-bagay. Siguro dahil sa pagkakaroon ng wifi sa bahay ay dapat na akong gumawa ng time management plan.

Wow chura ko naman.

Ah.

Naka400 words na ako.

So meaning ba nito magsusulat na ulit ako?

Hindi,

ito na talaga yung totoong problema ngayon.

Akala niyo siguro tungkol sa love ano? Yung tipong mahal ko o mahal ako ang drama wahahaha.

Parang ganun na nga.

Pero hindi din,

Nasa kasagsagan ako ng gyera ng katawan at isip.

Pagdedesisyon at pagpili.

Napakahirap.

Matutulog naba ako o magsusulat pa?

Magsusulat nalang ba ako o hindi?

Lahat ng bagay mayroong kinalalabasan.

Pero bakit hindi ko magawang piliin yung tama at mabuti?

Ayan na.

Masyado nga akong selfish.

Para lang sa isang gabing katuwaan ay isasakripisyo ko ang tumataginting na perpek score.

Ay nako.

Kailangan ko na talagang matulog.

Isang gabi nalang baka madedo nako.

Mukha na akong kyutipatuti panda.

Comment na kasi kayo.

Yung "HOY ZYAN MAG UP KANA NAGHIHINTAY AKO SA UD MONG HINAYUPAK KA KAPAG DI KA NAG UD SUSUGUTIN KO ANG LUNGGA MOT IHAHAMPAS KITA SA PADER GALUNGGUNG KA!" yung ganun wahaha. Gusto ko kasi talagang tinatakot ako XD.

Masokistang sadista,Zyan.

JAN. 20,2017 1:14AM

Bakit mahapdi ang pimples sa noo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon