Feb. 9,2017 08:34am
Dapat kasi ngayong oras palang ako magigising. Sa mga 'normal' kong ayaw ay gabi ang umaga at umaga ang gabi. Lamyo niyo yun? Yung mas active Ako sa gabi pero antok na antok Ako sa umaga.
Sa loob ng dalawang taon ay madaming nabago saakin. Mula sa ugali hanggang sa body clock.
Well ano nga bang sasabihin ko?
Ahhh.
Sabi nila malakas daw ang dugo ng Chinese. Bakit? Kasi kahit isang porsyento lang ang dugo mo eh lalabas parin sa pisikal mong katawan yung pagiging instik mo XD
Ganun din ang pamilya ko.
Nakakatawa lang isiping halos magkakamukha kami ng mga kapatid ko kasi sa lolo ko ako nagmana.
Hay.
Ito pa.
May nakakatawa akong problema.
Dati nangako Ako sa sarili kong Hindi ako gagaya sa mga magulang ko.
Ililihis ko ang landas ko.
Pero anak ng hopia naman bakit ganun?
Hindi ko mapigilang kumanta. Hindi ko din mapigilang sumayaw.
Why why why?
Sabi ko sa sarili ko kahit ano sa arts basta wag music.
Pero hahahaha nakakatuwa na nakakaiyak at nakakainis.
Pakiramdam ko tiyan ko ang kinakawawa ko.
Kasi alam niyo yun kakakain ko lang. Makikita ko nalang ang sarili kong sumasayaw at pagsisisihan ko yun kasi kinakabag ako hahaha.
Ahhh ano pa ba?
Yung tatay ko sa bahay natulog. Bwisit. Papa's alien ako. Kahit hindi Ako spoiled dun hinahanap hanap ko siya. Shh. Baka mabuking ako. Mawawasak ang reputasyon ko bilang cold alien. Nakow.
So ayun nga.
Masaya Ako o naiinis?
Well both.
Masaya kasi binibiyayaan Ako ni God
Naiinis kasi ako nanaman ang maghuhugas ng pinggan.
Hahaha ang cute lang. Ang pula pala ng dugo ko. Dahil sa katangahan naihampas ko ang paa ko sa pinto. Kaya dumanak ng dugo hihihi
Yun lang! Late happy Chinese new year! Pengeng siomai! Bawal nako sa tikoy eh hihihi
Feb. 9,2017 08:45am
P.s: Sumasakit nanaman ang ngipin ko.
P.p.s: Ang sakit talaga.
Maka-Diyos,
Zyan.
BINABASA MO ANG
Bakit mahapdi ang pimples sa noo?
RandomHindi ito istorya,hindi mga koleksyon ng mga tula o kanta. Walang plot at kasiguraduhang update. Siguro matatawag na koleksyon ng mga saloobin ng inyong ugok na otor. Oo,may saloobin ako. Nakakagimbal 'yon pramis. Ito na last na. Wala itong kwenta :D