Kapag masakit ang bagang ni Zyan

27 2 0
                                    

Nov. 12,2016 3:27pm

Masakit ang mukha ko. As in. Namamaga ang magkabilang mukha ko at ayoko ng maingay kasi mas sumasakit lalo. In short. IRITADO AKO NGAYON.

Napagbuntungan ko pa ang mga makulit kong pinsan. Kasi naman alam nilang sobrang nagtitiis Ako sa sakit tapos nag-iingay pa sila. May kasamang sipa pa sa mukha ko kaya nahilo ako.

Gustuhin ko mang gumanti at ihambalos sila sa skeleton na aircon ni mameh pero hindi ko magawa. Ayokong marehab amp.

Ngayon hinihintay kong gumising ang bunso kong kapatid. At dumating ang nakababa kong kapatid.

Wala akong maisip na gawin. Kahit may libreng wifi eh di ko naman magamit kasi tinotopak ang bulok kong phone. Sabi nila may blue screen of death daw sa computer.

Sabi ko naman may white screen of death din. Kapag nagsimulang pumuti ang screen ng phone ko lumayo-layo ka sakin at baka mapatay kita ganun.

Wala talaga akong maisip gawin. Nasa laptop kong may virus ang mga naisulat kong updates. Hinihintay ko lang na gantipalaan ako ng libreng pera para makapagpaload.

Kaya ito. Free style at walang matinong plot ang sinusulat ko. Ayteka. Hindi naman kasi to story wahaha. Padang online diary ko lang pala to.

Oh ayan. Umiyak na yung maldita kong kapatid. Kahit itinatanggi kong nagmana siya sa kasamaan ko ay di ko yun matatago.

Masyado siyang nagmana sakin. Amp.

Yun lang! Sumasakit nanamn kasiiii!!!

Naiinis,
Zyan.

Nov.12,2016 3:37pm

Bakit mahapdi ang pimples sa noo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon