July 6,2017 4:39pm
Isang napakagandang hapon. Umuwi ako kasama ang malaki at mabigat kong bag. Natripan kong kuhanan ng litrato ang daan at napamura ako sa ganda ng langit.
Kita niyo yan? Ang gondo diba?! Hahaha feeling ko tuloy ang galing kong kumuha ng litrato. Nasa daan palang ako suot ang pangdancer kong pants at all black outfit maliban sa sapatos kong nawawala na sa sibilisasyon XD. Eh pinagsesend ko na lahat ng photo sa lahat ng kaibigan ko HAHAHAHA
Ay oo nga pala. Sabi ko nga walang kinalaman ang photo sa sasabihin ko. Ito na nga. Nahuli na'ko. Huling-huli nako.
Kasi last month, nagreport ako. At tyambang nadulas ang dila kong palaging tuyo eh nasabi kong writer ako sa wattpad. Wala na kasi akong ibang maisip na example. Blocked na blocked ako that time. Hindi ko naman inakalang may magtatanong kung anong pangalan ko T^T
Kaya ito ngayon. Dumami ang mga nagtatanong. Hindi ko naman sila matanggihan kasi baka akalain nilang feeling ako porket writer ako. Ito na nga. Huli nako mga pips.
Kumalat na sa room yung screenname ko. Ang masaklap pa, eh hindi ko pa tapos maedit ang mga akda ko.
Yun nga. Pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko.
Sa dami ba naman ng mura sa akda ko tapos iba yung ugali ko sa personal 😭😂 help me and my reputasyong dirty.
Kaya ito ngayon, nagsisisi ako HUHUHU seryoso. Bakit ako tanga? Ganun na ba ako katanga? HUWAAAHHHH
Oh sige babye na. Kakain muna ako ng nilagang saging na niluto daw ni mama para sa'kin :D hehe nasira ata tiyan ko sa kinain ko kanina.
Hello pala mga classmeyts! Sana kapag di niyo nagustuhan yung mga gawa ko eh burahin niyo na ang lahat ng traces ko sa wattpad niyo huhuhu. Nakakahiya, kunware hindi ako yung writer niyo. Plisth kalimutan niyong kaklase niyo'ko huwaahhh!
Nagsisisi,
Zyan.
4:50pm
BINABASA MO ANG
Bakit mahapdi ang pimples sa noo?
RandomHindi ito istorya,hindi mga koleksyon ng mga tula o kanta. Walang plot at kasiguraduhang update. Siguro matatawag na koleksyon ng mga saloobin ng inyong ugok na otor. Oo,may saloobin ako. Nakakagimbal 'yon pramis. Ito na last na. Wala itong kwenta :D