Paano mapressure si Zyan

5 2 0
                                    

Dec. 23,2016 9:34pm

Alam niyo yung pakiramdam na andami mo na ngang iniisip at dapat gawin may dadagdag pang madaming bagay na sobrang nonsense? Alam niyo yung pakiramdam na halos wala kanang pahinga sa mga bagay na wala namang saysay pero pinagtutuunan mo ng pansin para ano? Hindi ko alam.

Gustong gusto kong umiyak. Maglupasay at magmura. Gustong-gusto kong ihampas ang ulo ko sa edge ng kama ko at hayaan ang dugo kong maubos.

Pero hindi ko kaya.

Kasi nangako akong mabubuhay ako at hindi na ulit ako magtatangka pang magpakamatay.

Sa mga panahong to,na nagkakasiyahan at mga tao at wala silang pakialam sa dilim sa mga likod nila. Dun ako lumalala. Paskong-pasko na. Pero hindi ko ramdam. Wala akong maramdamang diwa ng pasko. 

Sabi nila ang diwa ng pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan. Kahit walang materiyal na bagay.

Pero bakit ganun? Nasaan ang pagmamahal? Ano ang pagbibigayan?

Hindi ko na alam.

Ang inaalala ko ngayon ay kung paano makakabili ng glue gun,paano gumawa ng bahay,magdesign ng bahay,kung nasaan na ang lola ko,kung kamusta na ang kapatid ko,kung mabubuhay pa ba ako bukas,kung ano pang iisipin ko,kung paano ko ilalabas tong mabigat sa loob na hindi naman fats,kung paano ako makakatulong sa grupong sinalihan ko,kung kakain ba ako o hindi,kung nakakamatay ba tong mga kagat ng lamok,kung paano puputulin ang namamaga kong paa at higit sa lahat ay kung tatangkad pa ba ako.

Nakakaiyak. Nakakainis. Nakakatuwa at nakakalungkot.

Gusto kong magpost sa facebook kaso nakaonly me ako. Gusto kong makipag-usap pero alam kong wala namang may pakialam sakin pagmalungkot ako. Gusto kong tumawag sa mga kakilala ko pero iniisip ko na baka makaistorbo ang walang halagang tulad ko sa kanila. Sobrang dami.


Sobrang dami ng iniisip ko.

Pero wala akong magawa kung paano yun maresolba.

Inaantok na ako,nagseselos ako,naiinggit ako,naiingayan ako.


Pero walang may pakialam.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bukas makalawa buburahin ko ang update na to.

Ni hindi ko na alam kung tama pa ba ang key na pinipindot ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.


Nag-aalala ako, Kinakabahan ako. Pero wala akong magawa para tawagan ang lola ko kasi sira ang phone niya at wala akong number nung kasama niya. Hindi ko na alam. Natataranta na ako. 

Binabalikan nanaman ako ni Anxiety.

Kailangan ko na ata munang magpahinga at huwag na munang mag-online. Tama.

Ganito ako mapressure. Nababaliw,

May super glue sa mga daliri,

Zyan.


9:46pm

Bakit mahapdi ang pimples sa noo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon