Bangag na bangag si Zyan

5 2 0
                                    

Dec. 19,2016 9:33am

Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may internet na kayo?

Yung pakiramdam na hindi mo na maalala kung anong ittype mo kapag nasa harap kana ng tumataginting na monitor?

Nakakatawa pala.

Dati gustong-gusto kong magkainternet kasi naririndi na ako sa kakatakbo ng ala una ng madaming araw para magpaload. Ngayon halos di na ako lumalabas. Pumiti daw ako lalo na nakapagpagimbal sa'kin. Nako naman. Nakakadagdag cuteness pala ang internet. Madadagdagan nanaman 'yung problema ko huehue.


Hindi ko masabing good mood ako ngayon. Kasi nakakapanood nga ako ng mga amazing videos pero hindi naman ako makapagtype ng mga i-u-ud ko na nakakastress. Hay. Sabi ko tuloy-tuloy na ang UD. Pero yung utak ko nagtaksil pa talaga at inuna yung mga nakakadiring panoorin. 

Pero seriously,hindi ko na maalala kung kelan ako huling nag-UD. Lahat ng ginagawa ko nakakalimutan ko na. Hindi ko nga maalala kung naligo ba ako kahapon eh.

Isa pa,yung tulog goals ko wasak na wasak na. Sabi ko 10pm ako matutulog. Malapit ng mag-4am ba't gising pa'ko. Di kaya 10am talaga ako matutulog?

Pati yung pagiging lutang ko nawawala na. Tanging bilis nalang sa pagttype yung nagagawa ko. Nah! Ngayon alam ko na. Ang pagiging natural na lutang ay dapat na inaaral at may ibayong patnubay ng iyong konsensya para magawa mo,


Hay,Hindi na ako natatawa sa jokes ko. Ano ba!

Dapat matawa ako!

Paano nalang yung taong nag-add ng akdang 'to sa reading list niyang pangtula?! Mahal ko 'yun kasi sa reading niya nilagay tong walang kwenta kong akda! 


Ughh!!!!


Nababaliw,

Zyan.

Dec. 19,2016 9:41am

Bakit mahapdi ang pimples sa noo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon