Oct. 24,2016 03:17pm
Sa pagkakaalam ko,sa tanang buhay ko masunurin naman akong tao. May mga oras na madaldal ako,tahimik,nangingisay,nagmunukhang tuod o kaya behave lang. No extra movements. Behave lang talaga..kapag tulog.
Pero kung gaano ako kasaya kahapon. Ganun naman ang kainit ang ulo ko.
Ikaw ba naman di pinayagang bumili ng wires para lang magbantay ng uling diba. Sinabi pang mas importante yung uling kesa sa trabaho ko. Nakakaano naman.
Hindi naman sana ako magmamaktol ngayon kung binibili nila ng tama yung mga pinapabili ko para di na ako mahirapang maghanap pa kasi sila yung may mas alam sa kung san pupunta.
Naalala ko dati,nagpabili ako ng foil na gamit sa school. Yung kulay pula na makintab para sa project kong parol. Foil na pangluto ba naman ang binili. Dahil sa di ko naman alam na pangluto pala yun eh ibinalot ko pa talaga sa kalansay kong star.
Ayun di natanggap kasi pinagkaisahang tusukin ng mga kaklase ko. Pero wala silang narinig mula sakin. Hindi nalang ako nagreklamo na bagsak ako.
Tapos ngayon nag e expect sila masyado samantalang kinukulong naman nila ako. Akala ba nila madali lang saking ipasok ang katawan ko sa malaimpyerno kong kwarto na sa sobrang init eh nauubusan ako ng taba. Syempre kumakain ako ng madami para makabawi.
Palagi nalang akong sinasabihang tamad. Pero hindi naman nila nakikitang tumutulong ako. Palagi nila akong sinasabihang bobo. Akala ba nila madali ang pag-aralan ang bagay na sila lang naman ang may gusto.
Nakakaubos lang kasi ng pasensya. Hindi ba pwedeng may iniiwasan lang Ako kaya hindi ako lumalabas ng kwarto? Hindi ba pwedeng nahihirapan din akong intindihin yung mga bagay na wala naman akong interes? Hindi ba pwedeng ako nalang munang mag-isa?
Yung walang nakatingin? Walang nagnanasa? Walang nanghuhusga? Walang nakakainis?
Hindi ba pwedeng pabayaan nila akong gumalaw ng ako lang mag-isa? Na wala sa ilalim ng kontrol nila?
Oo alam kong para sa kabutihan ko ang ginagawa niya. Pero hindi healthy saking magpapasok siya ng linta na may lahing ahas sa bahay at buhay ko.
Ganito kasi yan.
Hindi dahil may mali ang isang tao hahamakin na ang pagkatao niya.
Hindi dahil lumaki kang kasama siya o lumaki siya sa piling mo eh kilala mo na siya.
Kakaiba ang mga nilalang na gawa ng Diyos.
Masyadong misteryoso.
Masyadong mahirap basahin.
Kaya huwag manghusga agad.
Malay niyo kaya ang pula ng mata nung manong kasi nagpuyat siya para sa pamilya niya.
Yung buntis sa kanto baka ginahasa ng oabsjbjvw niyang tyuhin.
O kaya yung baliw na nagsusulat nito eh masyado lang stress to death at I can't fight this feelings anymore.
Wag masyadong judgemental dahil alam nating lahat na ikaw. Oo ikaw. Ikaw ay may sariling sikreto at dahilan kung bakit may nagawa kang mali.
Walang perfect sa mundo.
Ako nga maayos lang ang kutis at gwapo (syempre) eh pandak.
Yung iba nga matangkad pero masama naman ang ugali.
Ganunan lang yan mga tropapips.
Hahay.
Nawala na ang init ng ulo ko.
Pano bayan?
Malapit na ang Nov.2
Maghanda kayo ng kandila ah.
Labyu!
Walang kwentang saloobin to HAHAHAH
Nakikipagtitigan sa kanin,
Zyan.Oct. 24,2016 03:34pm
BINABASA MO ANG
Bakit mahapdi ang pimples sa noo?
RandomHindi ito istorya,hindi mga koleksyon ng mga tula o kanta. Walang plot at kasiguraduhang update. Siguro matatawag na koleksyon ng mga saloobin ng inyong ugok na otor. Oo,may saloobin ako. Nakakagimbal 'yon pramis. Ito na last na. Wala itong kwenta :D