Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi mawala sa isipan niya si Yuki. Hindi naman niya alam ang cellphone number nito kaya hindi niya alam kung magkikita pa ba silang muli. Ayaw naman niya itong puntahan sa condo unit nito dahil ano ang irarason niya kung pupunta siya doon? At hindi din niya alam ang pangalan ng condo na tinutuluyan nito.
Nasa kwarto siya ngayon at nakaharap sa kanyang cellphone, sinusubukang libangin ang sarili niya. Naka-open ang facebook account niya at sa news feed nito ay biglang may nag pop-up na bagong update. Sa update na ito ay isang litrato ng lalaki at babae. Ang lalaki ay nakaluhod sa harap ng babae na may hawak na maliit na box. It was a proposal event. Nasaktan siya sa mga nakikita niya ngayon.
Nasasaktan siya hindi dahil sa may naalala siya na pangyayari. Nasasaktan siya dahil sa larawang nakikita niya ngayon, ay ang prinsipe niya na dapat papakasalan siya ngunit hindi naman ito sumagot ng "I do" bagkus ay "I don't" ang isinagot nito sa tanong ng pari kung tinatanggap ba siya nito bilang asawa niya.
Prinsipe niya na prinsipe din pala ng iba. At ito nga ang nakikita niya na prinsesa ng lalaki. Kita sa larawan ang kasiyahan sa mukha ng binata dahil sa ngiti nito. Nasaktan siya dahil sa caption nito sa post. "She said yes"
Kumawala ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata ngunit mabilis niya itong pinalis at binuksan ang profile ng prinsipe niya. EX-Prinsipe niya. At hinanap ang isang option...at nang matagpuan iyon ay pinindot niya ito. "Block" and without looking at the warning message she choose "BLOCK" option without any hesitations. Binitawan niya ang cellphone niya, humiga sa kama nito at tumingin sa kisame niya na puno ng glow in the dark stars.
Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa pagtitig sa kisame dahil nagising siya dahil sa katok mula sa kanyang pintuan. Hindi siya kumilos at bumukas ang pintuan niya. Alam naman niyang nanay lang naman iyon kaya hinayaan na niya itong pumasok.
"Anak, may bisita ka sa baba." sabi ng kanyang ina nang makalapit ito sa kama niya.
"Sino naman po 'yon, ma? Wala naman akong pinapunta ngayon sa mga kaibigan ko at ayokong may makausap na ibang tao sa ngayon. Paalisin niyo nalang po at sabihin na masama ang pakiramdam ko kaya kailangan kong magpahinga" mahabang pagdadahilan niya sa ina na hindi man lang ito tinatapunan nang tingin. Ayaw niyang may kahit na sino ang kumausap sa kanya. Wala siya sa mood.
"Si Yuki, nasa baba. May isasaoli daw sa iyo." sagot ng kanyang ina. Agad naman siyang napabalikwas ng upo ng marinig kung sino ang bisita niya.
"MA! Ba't di mo naman agad sinabi na si Yuki pala ang bisita ko!" Naghuhumiyaw na sagot niya sa kanyang ina. At nagmadaling nagtatakbo papunta sa kanyang banyo para makapag-ayos.
Ilang sandali pa ay natapos nadin siya mag-ayos ng kanyang sarili. Bumaba siya at nakita niya si Yuki na naka-upo sa sofa at kakwentuhan ang kanyang ina. Puro tawanan ang naririnig niya mula sa dalawa, parang ang saya-saya ng kanilang pag-uusap.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalawa mula sa pagtatawanan. "Hi Yuki! What brings you here?" Maligayang tanong niya sa binata.
Ngumiti naman ang lalaki at may inabot sa kanyang paper bag na may kalakihan. "Here, i just want to return it. Napalabhan ko na rin yan. Baka kasi kailanganin mo pa."
Sinilip niya ang laman ng paper bag at natawa siya nang mapanuya at wala sa sariling sabing. "Sana itinapon mo nalang iyan, wala naman na iyang paggagamitan at hinding-hindi ko na 'yan gagamitin kahit kailan pa man. Para saan pa? Itapon mo nalang 'yan. Hindi ako nagtatabi ng basura" napasinghap ang kanyang ina sa kanyang inasal. Nakatingin lang sa kanya ang binata.
Ilang saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang tatlo at si Yuki ang bumasag sa katahimikang iyon. "Dinala ko 'yan dito dahil gusto ko ikaw ang magtapon niyan, by that, mas gagaan ang loob mo. manghihinayang ka sa perang ginastos pero hindi ka magdadalawang isip na itapon o sunigin 'yan dahil mapapagaan niyan ang loob mo. or better yet, ibenta mo 'yan sa mga gown boutique, pwede nilang ipa-rent 'yan sa iba, may pera ka pa. Just saying."
![](https://img.wattpad.com/cover/86622063-288-k859876.jpg)
BINABASA MO ANG
Princess Lewelyn
Short StoryOnce upon a time, there was a beautiful damsel in distress. She wasn't waiting for her prince to save her but rather it is the one who left her. Cruel isn't it? Well, life sucks so what do you expect? Not everything will stay in your life, sometime...