EN: I am not that fluent in Japanese, but if you notice something wrong with the grammar, please help me out and it will be a big help for me and for the story as well...
Thank you for checking out this chapter. I think this is the shortest update? Anyway, I hope you will like it still.
"Omedetō Yuki!" sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ni Yukito dahil ngayong araw ginaganap ang engagement party niya at ng kanyang fiance na si Ria sa bahay nito.
"Doumo arigatou" sagot ng pasasalamat naman ni Yuki sa mga ito. Sandaling nakipag-usap si Yuki sa mga ito nang biglang lumapit ang ina ni Ria sa kanya.
"Yuki, Ria wa dokodesu? Watashitachiha, kaishi shiyou to shite imasu" paghahanap na tanong ng ina ni Ria dahil malapit nang magsimula ang pagdiriwang.
"Hai, Watashi wa kanojo o sagashimasu" pagsang-ayon ni Yuki sa ginang at siya na din ang hahanap sa dalaga.
Hinanap ni Yuki ang kanyang fiance sa loob ng kabahayan upang isama na ito sa pagdiriwang na nagaganap sa ibaba dahil malapit na din iyon magsimula. Napadpad si Yuki sa ikalawang palapag upang silipin kung andoon ba ang dalaga.
Ilang kuwarto ang kanyang naisilip ngunit hindi pa din niya makita ang dalaga, papaalis na sana siya nang makita niya ang isang pinto na bahagyang nakasiwang na bukas at iyon na lamang ang hindi pa niya napupuntahan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at tinawag ang dalaga "Ria? Anata wa koko ni imasu ka? Ria?" paghahanap niya sa dalaga. Nang mapagtantong wala doon ang kasintahan ay nagpasya na lamang siyang bumaba para doon naman ito hanapin.
Ngunit hawak na niya ang seradura ng pinto nang may marinig siyang ungol na parang nanggagaling din sa silid na iyon. Nilapitan niya ang isang pintuan at pinihit iyon pabukas.
Parang natulos sa kanyang kinatatayuan si Yukito dahil sa nakikita niya ngayon sa kanyang harapan...
"Ria?" hindi makapaniwalang nanlaki ang mata niya at may kaguluhan dahil hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang gawin.
"Y-yuki-chan" takot na pagtawag sa kanya ni Ria. Hindi niya mabasa ang nasa mukha ng dalaga. Hindi niya kaya na makita pa ang ganoong tagpo kaya nagmadali siyang lumabas ng kuwartong iyon at dali-daling bumaba sa hagdan ngunit narinig niyang tinawag siya ni Ria.
"Yuki-chan!" hangos na tawag pa din nito. Ngayon ay naabutan na siya at nakahawak na ito sa kanyang isang braso upang pigilan makaalis.
"Chikushou" malutong na pagmumura ni Yukito at marahas na tinanggal nito ang pagkakapit ng kamay ni Ria sa kanyang braso.
"Yuki-chan, setsumei sa sete kudasai" pigil pa din ni Ria sa kanya na humihingi ng sandali para magpaliwanag.
Ano pa nga ba ang dapat ipaliwanag nito, kung mismong mga mata na niya ang nakasaksi ng mga bagay na dapat niyang ikagalit.
"I think what I just saw tells me everything i need to know." bitiw na salita ni Yukito na puno ng galit at poot para sa babaeng minahal niya. Babaeng akala niya ay mahal siya. Ano ba ang ginawa niyang kasalanan para masaktan siya ng ganito? Nagmahal lang naman siya. Nagmahal ng maling tao.
Tinalikuran niya ang dalaga ngunit hinablot ulit nito ang kanyang braso at ngayon ay pumadausdos na paluhod sa kanyang harapan at umiiyak na humihingi ng tawad "Honto ni Gomen'nasai. Gomen... Gomene..." Paulit-ulit na hingi nito ng tawad ngunit kagaya ng kaganina ay winasiwas lamang niya ang pagkakapit nito sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Princess Lewelyn
Short StoryOnce upon a time, there was a beautiful damsel in distress. She wasn't waiting for her prince to save her but rather it is the one who left her. Cruel isn't it? Well, life sucks so what do you expect? Not everything will stay in your life, sometime...