Ikatlong tagpo

27 6 39
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas nang simula silang magkakilala ni Yuki. Naging magkaibigan sila dahil sa dami ng kanilang parehong gusto sa buhay. Pareho silang mahilig na mag-travel sa iba't-ibang lugar. Parehong mahilig sa kape kaya ito narin ang isa sa mga libangan nila kapag nagkikita sila.

At ngayon nga ay nasa isang coffee shop sila at nag-uusap tungkol sa gagawin nilang travel kasama ang mga kaibigan nila.

"Sa Puerto Galera nalang kaya tayo?" Suhestyon ni Shaira sa mga kaibigan.

"Shai, ano ka ba, masyadong malayo at medyo magastos pag doon" sabad naman ni Simon na laging kontrabida sa buhay ni Shaira.

"Sa Batangas nalang kaya? Di ba Miguel meron kayong rest house doon?" Tanong naman ni Kaye kay Miguel.

"Oo nga my love, dun nalang tayo sa rest house niyo. Namiss ko na din kasi pumunta doon e." paglalambing naman ni Bianca kay Miguel na siyang kasintahan nito.

"Okay lang sana yun my love kaso di ba nga, gagamitin yung rest house? So hindi pwede sa date na napili natin. Tsaka mas okay kung sa ibang lugar naman tayo mapadpad." balik paglalambing naman ni Miguel sa girlfriend nito at hinalikan sa labi dahil sa nalungkot ito sa kanyang sinabi.

"What if kung sa Zambales nalang tayo?" masiglang suhestyon ni Caleb sa mga kaibigan.

"Great idea Caleb! Pero saan naman tayo doon? Mahal sa anawangin, tsaka common nadin doon dahil dinadayo na." Sabat namang muli ni Simon.

"Kayong dalawa? Tatahimik nalang ba kayo dyan at hindi man lang mangbibigay ng suggestions?" Masungit na tanong ni Shaira.

Hindi kasi kumikibo si Yuki at Lewelyn dahil busy sila sa pagbabrowse sa internet ng kung ano.

"Wait, we're searching too. We're actually looking some places in Zambales" Sagot naman ni Yuki dito.

"Are you guys okay with camping? Like sleeping bags, tent, no electricity, no wifi?" nag-aalangang tanong ni Lewelyn sa mga kaibigan.

Napangiwi naman si Bianca at Shaira dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi kasi sanay ang mga ito sa ganoong set-up. Lalo na si Bianca dahil may sakit ito sa puso. Okay lang naman siya na magtravel pero ang walang electricity, baka hindi niya kayanin ang init o kung ano pa man ang pwedeng mangyari sa lugar na pupuntahan nila.

Agad namang hinawakan ni Miguel ang kamay ng kasintahan upang pakalmahin ito at para iparating na magiging okay ang lahat dahil kasama naman niya ito at hindi siya papabayaan. Ngumiti naman sa kanya si Bianca bilang tugon at humarap sa mga kaibigan.

"Sige, game ako. Kahit na natatakot ako, okay lang. Andito naman si my love para sa akin." may munting ngiti sa kanyang labi sa pagkakasabi nito kahit ba bakas ang kaunting pag-aalangan dito.

"Sure ka ba Bi? Okay lang naman kung sa iba nalang kung hindi ka kumportable e." nag-aalalang tanong naman ni Lewelyn sa kaibigan.

"Ano ka ba Lulu, okay lang naman sa akin. Gusto ko din makapunta sa iba pang lugar. You know, get lost in the paradise for once in a while." sagot niya sa kaibigan na may ngiti sa labi na abot na sa kanyang mata. Halata na dito ang saya at excitement na nararamdaman ng kaibigan niya. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil sa naging decision nito.

"So, Yuki, may nahanap ka na ba ng place sa Zambales?" Tanong ni Caleb.

Hinarap nito ang laptop sa mga kaibigan at pinakita ang nakita nilang beach resort ni Lewelyn.

"Wow! Ang ganda!" Hindi napigilan na pagkamanghang sabi ni Shaira.

"Nice bro, anong pangalan ng resort?" tanong ni Simon kaya agad na sumabad si Shaira. "Nagsasa Cove nga ang nakalagay di ba, hindi kasi nagbabasa e!"

"Alam niyo kayong dalawa, para kayong aso't pusa. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. Sagutin mo na kasi siya Shaira" Panunuksong sabi ni Caleb sa dalawa.

"Eww, pwede ba Caleb, tigilan mo nga ako. WALA SIYANG PAG-ASA SA AKIN NOH!" Sabay irap nito at napangiti nalang si Simon sa ginawa ni Shaira.

"King, 'wag mo na nga asarin si Shai, mamaya mapikon nanaman yan at umiyak ka sige lagot ka kay Simon n'yan. Siya lang ang pwedeng mam-bully kay Shai" Sabi ni Kaye kay Caleb na ngayon at nakaakap na sa nobyo. At binigyan ng makahulugang ngiti si Simon.

"Sige na, sorry na Shai...baka pag di ako mag-sorry sayo magalit pa sa akin si Simon at bigla nalang akong sapakin. At ayoko din na magalit ang Reyna ko." Sabi naman ni Caleb na ngayon ay hinahaplos ang buhok ng nobya habang nakahilig ito sa kanyang dibdib.

"Nakakainis naman dito, masyadong sweet ang mga tao." may pagka-bitter naman na sabi ni Lewelyn. Kaya napatawa ang mga kaibigan.

"Kaya nga ikaw, Lulu, sagutin mo na itong si Yuki." kantyaw naman ni Miguel kay Lewelyn.

"E paanong sasagutin? E hindi naman siya nanliligaw?!" wala sa sariling sagot niya kay Miguel kaya napatakip siya ng bibig dahil sa hiya.

"Tangna pre, mahina ka pala e." natatawang sabi naman ni Simon kay Yuki.

"Alam mo brad, pwede naman kitang tulungan, sana sinabi mo. Alam mo namang matinik ako sa chiks e" pambubuyo naman ni Caleb kay Yuki kaya naman nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran mula kay Kaye "Anong sabi mo?! Sinasabi ko na nga ba't babaero ka talaga e!"

"Ui, LQ na sila. Magbe-break na yan! Hahahaha" tawa nang tawa si Simon sa pagbabangayan ng dalawa.

"Aray naman Kaye, ano ba, joke lang yun! Di uso ang joke? Alam mo naman na ikaw lang ang Reyna ng buhay ko di ba? Sorry na okay? Wala akong ibang babae. Mga lalaki pwede pa" paglalambing niya kay Kaye. Pinanlakihan naman ito ng mata dahil sa huling sinabi nito.

"ANO!? BAKLA KA?!" hysterical na tanong ni Kaye kay Caleb. Natawa naman ang binata sa tinuran ng kasintahan.

"Queen, ano ba, lalaki... ayang sila Simon, Miguel at Yuki lang naman ang lagi kong kasama kaya sila ang mga lalaki ko." natatawang sabi niya sabay haplos sa braso ni Simon.

"Tangna pre, lumalayo ka sa akin baka sapakin kita dyan. Nakakadiri ka! Eeee" nandidiring pinalis ni Simon ang kamay nito sabay amba na parang susuntukin si Caleb ngunit nagbibiro lang naman ito. Natawa nalang ang mga kaibigan nila dahil sa mga nangyayari.

"So back to Yuki and Lulu, ano na ba ang status niyong dalawa?" Tanong naman ni Bianca sa dalawa. Natigilan ang mga ito sa kanilang tawanan. At napatingin sa isa't-isa.

"Ay ang taray! pumi-PBB Teens ang peg oh!" Sabad naman ni Kaye.

"Halalala, kinilig na si Lulu oh! Naku girl, ilabas mo 'yan baka saan pa 'yan lumabas." Natatawang pang-aasar naman ni Shaira kay Lewelyn at lalo naman itong namula.

"Pre, make a move. Ano ba?! Sa panahon ngayon di na uso ang torpe." Sabi ni Simon na naka-akbay na ngayon kay Yuki. Natatawa nalang ang huli.

"So, are you guys in?" Pag-iiba nalang nang usapan ni Yuki dahil naawa na siya kay Lewelyn dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan sa kanila. Alam niyang nahihiya na ito dahil hindi naman niya sinasadya ang sinabi niya kanina.

At iba't-ibang sagot ang kanyang nakuha mula sa mga ito.

"We're in" Sabay na sagot ni Caleb at Kaye.

"Hell yeah!" Sagot naman ni Simon

"Sama kami" Sagot naman Miguel at niyakap si Bianca.

"Let's go sago!" masiglang sabi naman ni Shaira na may pagtaas pa ng kamay.

Nagkatinginan naman si Yuki at Lewelyn dahil sa tinuran ng mga kaibigan nila. Natawa nalang sila pareho.

Napagdesisyon nga nang magkakaibigan na magtungo sa Zambales para sa kanilang mini get away.



Princess LewelynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon