Ika-pitong Tagpo

17 2 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Yuki at pinuntahan ang tent ng mga girls para gisingin si Lewelyn.

"Princess..." mahinang tapik niya sa nobya. "Mmmnn" ungot naman ni Lewelyn, napangiti si Yuki sa tinuran ng dalaga. "Princess, okiru..." malambing na paggising niya sa dalaga at bahagyang nagmulat ng mata ito.

"Ano ba! Kitang natutulog yung tao e." bugnot pa ng dalaga at nagpapadyak pa para paalisin ang tumatapik sa kanyang paa.

"Ang ingay naman!" inis na sabad naman ni Shaira habang nakapikit ito at napakamot pa sa kanyang ulo.

"Princess, okiru..." patuloy na pagtapik ni Yuki sa paanan ng dalaga para gisingin ito.

Ilang saglit pa ay saka lang nito napagtanto na si Yuki pala ang tumatapik sa paanan niya.

"MyKnight! Ano--" napabalikwas na sabi niya sabay tayo sa kanyang hinihigaan. "Ssshhh!!!" agad na tinakpan ni Yuki ang bibig ng nobya dahil baka magising nito ang mga kasamang babae na natutulog sa tent.

"Ano bang ginagawa mo, myknight?" bulong na tanong nito sa nobyo.

"Just keep quiet. Let's go. I'll show you something" sabi ni Yuki na nakalahad ang isang kamay nito sa kanya. Tinanggap niya ito at inalalayan siyang tumayo.

"Sa'n ba tayo pupunta? Ang aga-aga wala pa ngang liwanag."

"Let's go. We'll go somewhere. I know you will like this."

Magkahawak kamay silang naglakad hanggang sa dulo ng dalampasigan. Hindi naman alam ni Lewelyn kung anong balak ng kanyang nobyo.

"MyKnight, sa'n ba kasi tayo pupunta? Dulo na 'to" nagulat siya ng paglingon niya ay wala si Yuki sa kanyang likuran. Tatawagin pa sana niya ito nang may biglang naglahad ng kamay sa kanyang gilid. Hindi niya napansin na may parang paakyat doon na bahagi papunta sa bundok.

"Anong ginagawa mo naman d'yan? 'Wag mong sabihin na aakyat tayo ng bundok na ganito lang ang suot? Ano bang ipapakita mo? Delikado, Yuki, bumaba ka na d'yan."

"No, princess. Hindi talaga ito mataas na bundok. Madali lang 'to akyatin. You'll see when we get there. Come on." nginitian siya nito na nakalahad pa din ang kamay upang tulungan siyang makaakyat.

Naging madali lang ang pag-akyat nila ng bundok dahil mababa lang naman ito, at kahit sino ay pwede itong akyatin dahil mayroon naman na itong trail. Mga sampung minuto lang ay makakarating ka na sa patag na parte.

"Wow!!!!" agad na manghang sabi ni Lewelyn dahil sa ganda ng kanyang nakikita.

Dahil sa patag na parte na ito ng kabundukan, matatanaw mo ang kalawakan ng Nagsasa Island. Makikita mo ang kabuuan nito na napapagitnaan ng dagat at bundok. Matatanaw din sa ibaba ang mga tent na nakatayo sa isla at ang mga balsang nasa gilid ng pampang. Kita na ang kagandahan nito dahil sa pagsikat ng araw sa kanilang likuran.

"Do you like it?" Tanong ni Yuki at biglang yakap nito mula sa kanyang likuran na kanyang ikinagulat. Ngayon lamang kasi ginawa ito sa kanya ni Yuki.

"Bago 'to ah?" natatawang sambit ni Lewelyn.

"Anong bago?" takang tanong naman ni Yuki.

"Ito, first time 'to e. Bakit naman backhug ang ginawa mo ngayon?"

"So we can see the things in front of us together" napangiti naman siya sa sinabi ng nobyo ngunit nawala ito nung narinig niya ang karugtong na sinabi nito na... "and i won't always be beside you"

"Iiwan mo lang din pala ako kagaya nila" may pagtatampo na sabi niya at akmang tatanggalin ang pagkakayakap sa kanya nang pigilan siya nito.

"No princess, that's not what i meant...I won't be there beside you because i'll always stay behind you 'cause i got your back. 'Yan din ang isa pang ibig sabihin ng backhug ko sayo. Sa likod mo lang ako. Ako nga ang knight mo, 'di ba?" She chuckles on the thought. Unexpected and corny... but sweet.

Princess LewelynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon