Ika-anim na tagpo

13 2 84
                                    

EN: Ito ata ang isa sa pinakamahabang nagawa ko? Hindi ko kasi alam paano at saan na napunta ang kwento :P pero sana...sana... magustuhan niyo? 

***

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon na ang petsa na napagplanuhang pag-alis ng barkada nila Lewelyn papunta sa Nagsasa Cove, Zambales. Isa iyong isla na malapit lamang din sa Anawangin, hindi nga lang ito gaano puntahan ng mga turista dahil hindi pa ganoong ka-develop ang lugar. Masasabing bagay itong puntahan nang mga taong mahilig na mag-camping.

Isang oras mahigit din ang byahe gamit ang bangkang de motor na nirentahan nila papunta sa isla. Talaga namang nakakabighani ang kagandahan ng paligid. Ang nag-aabot na kalangitan at ang asul na asul na tubig, na kung iyong tatanawin ay hindi mo makikita ang hangganan. Ang mga ma-berdeng kabundukan dahil sa dami ng puno.

"MyKnight! Tignan mo! Ang ganda niya!" magiliw na puna ni Lewelyn sa nobyong si Yuki na abala sa pagtingin sa tanawin. Maging ang mga kasamahan ay napatingin din sa itinuro niya, kaya naman napa-WOW talaga sila sa kanilang natatanaw mula sa bangkang lulan nila.

"Wow! Oo nga! Ang ganda, sobra!" masiglang sabi din ni Bianca ngunit napalingon siya sa katabi na nagsabi nang "Hindi naman maganda, eh..." nalungkot ang dalaga sa tinuran ng kaniyang nobyong si Miguel. "Kasi mas maganda ka padin para sa pangingin ko, wala nang iba." at dinampian ng halik sa noo ang dalaga.

"Yan tayo, eh. Puro ka banat d'yan, ikaw banatan ko d'yan, eh." sabi naman ni Shaira kaya hindi ito nakaligtas sa pagpuna ni Simon.

"'Wag ka na kasing bitter, si Kaye lang ang pwedeng mag-angkin ng titulong iyon, sabi ko naman kasi sa'yo, sagutin mo lang ako, hindi ka na magiging single kahit kailan, eh."

"Aba ba't naman nadawit na naman ang pangalan ko d'yan, saka isa pa, dati 'yon, hindi na ngayon kasi nasa akin na ang hari ng buhay ko." sabi ni Kaye sabay akap kay Caleb na hinalikan siya sa kanyang sentido. "Ang reyna ko, bumabawi, ah." natawa nang bahagya si Caleb kaya siniko naman siya ni Kaye sa kanyang tagiliran.

"Sorry na kasi, King. Hindi ko naman sinasadya, eh. Bati na tayo, please?" at nakuha pang magpa-cute ng dalaga sa harap ng binata.

"Pwede ba, Kaye, hindi bagay sayo ang magpa-cute, kata-Cute yang ginagawa mo, eh" pang-aasar naman sa kanya ulit ni Simon na ikinatawa ng lahat ngunit sinimaan lang siya nang tingin ni Kaye.

"Simon, mas malala naman yang mukha mo, makapintas ka kay Kaye. Kung nakakata-cute siya, ano pa 'yang mukha mo? Edi buong Horror movie na 'yan?" pambabara naman sa kanya ni Shaira na mas ikinatawa nang malakas ng mga kasama kaya binelatan lang siya ni Kaye at umakap ulit sa nobyo nito.

"O, tigilan niyo na 'yan, mamaya maging kayo na n'yan." natatawang suway ni Miguel sa mga ito. Kapag kasi si Miguel na ang sumaway, alam nila na dapat tumigil na sila dahil baka kung ano na naman ang gawin nito sa kanilang dalawa.

Kaya laging takot nalang nilang dalawa kapag ito na ang nagsalita, dahil nung minsan na hindi sila nag-paawat na dalawa, kinulong sila nito sa isang maliit at malamig na kuwarto, para daw wala silang choice kundi ang magpa-init ng katawan ng isa't isa, sa kung anong paraan na gusto nila. At bilang aso't pusa kung maituturing ang dalawa, hindi nila alam kung paano nga ba sila nakatagal sa loob ng kwartong iyon at nakalabas ng buhay. Iba din kasi ang trip na kayang gawin ni Miguel para lang maipaglapit silang dalawa.

Dahil sa sinabi ni Miguel, nagtawanan ang lahat dahil alam nila ang ginawa nito sa kanila. Kaya naman napatahimik nalang ang dalawa na ngayon nga ay hindi na umiimik o tumatawa man lang.

"My love naman, tama na 'yan. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon sa kanila, please?" awat ni Bianca kay Miguel dahil napansin nito si Shaira na namumula na sa hiya na parang maiiyak na.

Princess LewelynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon