WARNING: Ang mga susunod na tagpo ay kailangan ng gabay ng mga magulang.
Maaring mag-ingay sa pagbibigay ng mga inline comments.
Sa isang buwan pa naman lakad ng mga magbabarkada dahil may kanya-kanya pa silang dapat ayusin sa kanilang mga buhay. Kagaya ng pag file ng leave nila mula sa trabaho dahil mga ilang araw din silang mananatili sa kanilang pupuntahan.
Mapapansin na pagkatapos ng araw na napag-usapan ang tungkol sa lovelife noong nagpa-plano sila para sa kanilang get away ay naging mas napapadalas ang paghatid at sundo ni Yuki sa dalaga. Hindi parin niya tinatanong ito kung papayag bang maging sila ngunit hindi niya din alam kung alam nga ba ng dalaga na nililigawan niya ito dahil nadin hindi siya nagtanong kung "Pwede bang manligaw?" dahil ginawa nalang niya kung ano ang dapat.
Matagal naman na silang magkakilala ngunit hindi maisip ni Lewelyn kung seryoso ba o kung totoo ba talagang nanliligaw sa kanya pero ayon sa pinapakitang mga kilos nito sa kanya ay iniisip niya na baka nanliligaw nga ito sa kanya, hindi nalang ito nagtanong at basta nalang siyang nililigawan. Pero ayaw niyang mag-assume. Kasi alam niya sa sarili niya na nahuhulog nadin ang loob niya para sa binata. Hindi niya lang inaamin dahil baka masaktan nanaman siyang muli.
Magkasama ngayon si Yuki at Lewelyn dahil sinundo niya ito mula sa trabaho. Habang nagmamaneho ay bigla siyang tinanong ni Yuki "Pwede ko bang mahiram ang oras mo ngayong gabi bago kita ihatid sa bahay niyo?"
"At bakit mo naman hihiramin ang oras ko aber?" mataray na tanong ng dalaga ngunit may mumunting ngiti sa kanyang mga labi tila inaasar niya ang lalaki sa sinabi nito.
"Ahm...Wala lang. Gala lang tayo. Sa mall? Kape? Anything you want to do, okay lang sa akin. Basta gusto lang sana kitang makasama ngayong araw."
"Hmmm. talaga? Kahit ano ay ayos lang sa'yo?"
"Oo nga, basta kasama kita ayos lang sa akin."
"Talagang-talaga?"
"Oo nga, ang kulit ng prinsesa ko"
"Sinabi mo yan ha? Wala nang bawian yan ha."
"Oo nga po. Basta kasama kita, ayos na iyon."
Habang binabaybay ang daan patungo sa mall ay hindi mapigilan na mapangiti ni Lewelyn sa kanyang mga naiisip na pwede nilang gawin ni Yuki ngayong gabi. Nakakaisip siya ng kapilyahan na kung dalhin kaya niya ito sa parlor at magparebond sila pareho ng buhok? O di kaya'y magpa manicure at pedicure? Natawa siya lalo sa kanyang naisip.
"Why are you smiling like an idiot?" Pabirong tanong ni Yuki sa kanya.
Umirap siya sa sinabi nito at sabay sabing "Maka-idiot ka naman! Wala kang pake! Masaya lang ako. Ay natatawa pala." pagkatapos ay humalakhak.
Hindi natu-turn off si Yuki kada tatawa...hindi...kada hahalakhak ang dalaga dahil mas nasisiyahan pa siyang makita niya ito dahil alam niya na totoo ang mga tawang iyon na malimit lamang niyang makita sa dalaga magmula noong nakilala niya ito.
"We're here" pukaw ni Yuki sa kanyang atensyon dahil pagkatapos nitong humalakhak kanina ay nanahimik na ulit ang dalaga at may kung ano nalang siyang ginagawa sa kanyang cellphone, may ka-text marahil.
Bumaba sila ng sasakyan at agad niyang tinanong ang dalaga "So, where do you want to go first? What do you want to do?"
Nilagay niya ang hintuturo sa kanyang baba na tila nag-iisip kung saan sila unang pupunta o kung ano ang una nilang gagawin. Napangiting nakakaloko siya nang maalala niya ang kanyang iniisip kanina sa sasakyan. Ano nga kayang gagawin ni Yuki kapag niyaya ko siya sa parlor? Tanong niya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Princess Lewelyn
Cerita PendekOnce upon a time, there was a beautiful damsel in distress. She wasn't waiting for her prince to save her but rather it is the one who left her. Cruel isn't it? Well, life sucks so what do you expect? Not everything will stay in your life, sometime...